Francis POV Pagsapit ng alas singko ay sabay kaming umuwi. Pagkalabas ko ng opisina ay pinagtinginan ako ng mga trabahante. “ Don't mind them,” mahinang sambit ni Sir Khalev sa akin. Napansin o di kaya'y narinig niya ang komento ng mga tao. Kaniya akong pinagbuksan ng pinto. “ Salamat Sir Khalev? Pagdating namin sa restaurant ay agad syang naghanap ng bakanteng mauupuan. May nakareserve ng upuan para sa aming dalawa. Umupo ako at nakatingin lamang sa kung saang sulok ng restaurant. “ Ano sa iyo?“ seryosong tanong niya sa akin. “ Ikaw na ang bahala, Sir...Khalev.” “ Sure ka?” paniguradong tanong ni Sir Khalev at tumango-tango naman ako sa kaniya. Di ako mapakali sa dress na isinuot ko ngayon. “I have a promise ring!” saad niya pa at sabay na kinapa sa loob ng bulsa niya ang dalaw

