◄Lucio's POV► Pag-uwi ko ay hindi ko mahanap si Avvi. Wala siya dito sa condo kaya tinawagan ko ang phone niya. Pero mukhang naka-off ang phone niya. Napatingin ako sa paligid. Baka may iniwanang sulat ang asawa ko, pero wala naman akong mahanap. Pumasok ako sa silid niya at tinignan ko ang mga gamit niya. Mukhang nandirito naman lahat kaya hindi niya ako nilayasan. Pero nasaan siya? Saan siya maaaring nagpunta? Bakit parang kinabahan ako saglit na baka umalis na siya ng tuluyan? Siguro ay dahil iniisip ko na baka magalit sa akin si Natalie. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nakaramdaman ako ng ganuon. Inis akong naupo sa sofa. Tumingin ako sa aking orasang pambisig at mag-aalas singko na ng hapon. Magdadalawang-oras na ako mula ng makauwi, ngunit hindi pa rin umuuwi si Avvi. Nasaan ba

