❀⊱Avvi's POV⊰❀ Hindi umuwi si Lucio kagabi. Hindi rin siya tumawag sa akin pero okay lang naman. Sanay na rin naman ako. 'Yung sinasabi niya na six months na kuhanin ko ang loob niya at paiibigin ko siya sa akin ay hindi ko alam kung kaya ko pa itong gawin. Siya na rin kasi mismo ang lumalayo sa akin, siya na mismo ang gumagawa ng paraan upang iwasan ako. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang nagawa ko sa kanya, bigla na lang siyang nanlamig sa akin at iniiwasan ako. Hindi ko na rin iniisip pa ang larawan na nakita ko na tinititigan niya sa kanyang phone. Ayokong saktan ang sarili ko kaya iwinawaksi ko ito sa aking isipan. Kung hindi talaga niya akong magagawang mahalin, wala na akong magagawa pa duon. Kung si Ate Natalie ang tanging babae na makapagpapaligaya sa kanya, e 'di okay! H

