❀⊱Avvi's POV⊰❀ "Luciooo..." mahina kong ungol. Hindi ko na alam kung saan ko pa ibabaling ang ulo ko dahil sa kakaibang sensasyon na ipinaparanas niya sa akin. Bigla kong naalala na hindi pa ako naliligo kaya agad ko siyang itinulak. Napatingin siya sa akin na may pagtataka sa kanyang mga mata. "You don't want me?" naguguluhan niyang tanong. Pero sige naman ang himas niya sa aking dibdib. "Ano kasi, h-hindi pa ako naliligo," bulong ko sa kanya. Natawa siya at bigla niya akong binuhat ng nakaharap sa kanya. Ipinagyakap niya ang mga hita ko sa kanyang balakang at naglakad siya papasok sa silid niya. Dumiretso na kami ng banyo n'ya. Tumapat siya ng shower head na karga pa rin ako at magkalapat ang aming mga labi. Binuksan niya ang shower at dumaloy ang maligamgam na tubig sa aming mga kat

