❀⊱Avvi's POV⊰❀ Pagkarating namin ng Bataan ay pinapasok na kami sa isang napakalaking gate. Maraming mga empleyado ng farm ang sumalubong sa amin, pero dumiretso lang sa pagpapatakbo ng motor ang aking asawa, hanggang sa nakarating kami sa isang napakalaking bahay. Paghinto namin sa harapan ng malaking bahay na tila ba mansyon ay agad na bumaba si Lucio, pero hindi nito binibitawan ang kanyang motor. Pagkababa ko ay saka niya sinipa ang stand at saka nito hinubad ang suot niyang helmet. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa mabilis na pagtibok nito ng makita ko ang pawisang mukha ng aking asawa. Medyo basa din ang buhok nito na tila ba nagpadagdag ng kagwapuhan nitong taglay. "Bakit mo ako tinititigan? Pinagnanasahan mo ba ako?" ani niya ng nakangisi. Inungusan ko siya ng labi at umi

