.T H A L I A Simula nung tinanong ko iyon ay hindi na ako kinakausap ni Samuel, hanggang makarating kami dito condo niya kung maraming taong nakatingin ay inaalalayan ako pero kapag wala medyo malayo siya sa akin. Pagbukas ko ng elevator ay una na akong lumabas at naglakad kahit pa masakit ang aking paa tiniis ko na lang. Naiinis ako! Gusto ko siyang sampalin pero wala akong karapatan. Pagpasok ko sa loob ay nagtungo na ako sa ikalawang palapag para makapagpahinga na rin. Ni-lock ko ang pinto para hindi siya makapasok. Halos mariin akong napapikit ng alisin ko ang aking suot na sandal. Namumula ang gilid ng paa ko tapos yung heel bone ko ay ang laki ng sugat. Dahil sa pagod, nagpalit na lang ako ng pantulog at mas pinili ko ng matulog maaga na lang akong maligo bukas, talagang hindi

