T H A L I A Naluluha na ako sa mga ipinagbibili ni Samuel, pinagpapawisan sa presyo na halos umabot ng limang libo pataas. Ganito ba talaga siya magwaldas ng pera, nakakatakot?! Okay na sa akin ang mga ukay, yung limang daan ko may dalawa o tatlong damit na ako, minsan pa nga merong pang singkwenta pesos. Tatlong store na ang napasukan namin kaya nakakaramdam na ako ng pagod. “Darling, are you okay?” Masiglang tanong niya na para bang hindi pa nakakaramdam ng pagod. “Pupunta pa tayo sa kabilang store, meron pa tayong hindi nabibili ang mga undergarments mo.” Bulong ni Samuel sa akin nang makalapit siya, bigla akong namula dahil nakakahiya kasama ko pa talaga siyang bibili. "Marami pa ako niyan Samuel, sa susunod na lang ako ang bibili.” Agad kong sagot sa kanya, dahil kabibili ko lang

