Nasa isang restawran si Samuel, dahil meron silang breakfast kasama ang ibang businessman. Napatingin siya sa babaeng tumabi sa kanya si Cristel, ngumiti ang dalaga seryoso lang niyang tingnan at muling ibinalik ang atensyon sa isang katabi niya. “Nagustuhan mo ba ang binigay kong Mongolian beef? Ako ang nagluto non para sayo.” Nakangiting tanong ng dalaga sa kanya. “Hindi mga katulong ko ang kumain." Malamig niya na sagot, nanatili namang nakangiti si Cristel kahit napapahiya sa mga ibang kasama nila sa table. “Hindi kasi ako kumakain ng bigay lang, kaya binigay ko na lang sa kanila kesa masayang.” Dagdag na sabi nito sa dalaga, tumikhim ang ibang kasama nila at umayos sa kanilang kinauupuan. “Balita ko nag-asawa ka na raw? Sino yang swerteng babaeng bumihag sayo?” Tanong ni ginoong

