T H A L I A Dalawang araw na kami ngayon dito sa resort ni Samuel, kahapon doon kaming dalawa sa kabila hindi na ako magugulat kung bakit sobrang yaman nila. Sobrang sipag ni Samuel at maraming negosyo, kaya galit na galit si madam Samantha sa akin. Wala naman akong intensyon sa yaman nila, dahil marunong akong makuntento kung anong meron sa akin. Gusto kong makaahon sa hirap pero hindi para gumamit ng ibang tao. Katatapos ko lang magpalit ng panligo, pulang two piece ang aking suot dahil iyon lang yung medyo maayos. Gaya ng pagpapanggap kong masungit ay talagang pinanindigan ko. Wala naman daw problema sabi ni Samuel, hindi ako nakikipag usap dito mas pinipili kong magkulong dito sa kwarto kesa makipagplastikan sa kanila. Tumingin ako sa pinto dahil bumukas ito, si Sir Samuel naka swi

