Naayos na ni Thalia ang tutulugan nilang dalawa, habang si Samuel ay nasa banyo naliligo. “Ate, kailan kayo kinasal ni Mr. Blanqueza?" Tanong ni Teresa na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. “Wala pa kaming isang buwan na kasal, nung nakaraang linggo lang. Bali magtatatlong linggo palang kaming kasal.” “Wow nag-honeymoon na kayong dalawa?" Excited na tanong ni Teresa. Mahina lang na tumawa si Thalia bago humiga sa kama, naintrega naman ang dalaga. “Ano nga ate Thalia? Sayang ang lahi kung wala kayong magiging anak." Panunukso niya, natatawa naman si Samuel na nakikinig sa usapan nilang magkapatid. “Ilang pamangkin ba ang gusto mo Teresa, ibibigay ko?" Nakangisi na tanong niya habang pinupunasan ang kantang ulo, agad na bumangon si Thalia sa pagkakahiga, umupo maman si Samuel sa

