Relentlessly I
Gumising ako sa nakabibinging katahimikan. Hindi ko na mapagtanto kung ano ang mas tahimik, ang bahay na tinutuluyan ko ngayon o ang nararamdaman ko sa loob-loob ko. O baka naman ay parehas.
Wala pa man ay hinahanap-hanap ko na ang pakiramdam ng La Esperanza. Ang malamig nitong hangin, ang amoy ng dagat, ang bawat pagsasayaw ng mga dahon sa puno, ang huni ng ibon... tila ba nakatatak sa memorya ko ang lahat.
Pinilit kong bumangon kahit hinihila ako ng antok at kagustuhang palipasin ang buong araw sa kamang iyon at magpahinga.
Magkikita kami ni Mommy. I lost count of how many days I’ve been here in Manila. Gusto niyang bumisita ulit ako sa mansyon at kahit nga kinakabahan akong gawin ‘yon dahil baka magkita na naman kami ni Lucas, kailangan ko ring puntahan si Mommy.
Nagbihis ako nang maayos at presentable dahil sabi niya ay gusto niya na sabay kaming mag-dinner. Hindi ko alam kung lalabas ba kami para sa dinner na iyon o siya ang magluluto. Wala naman siyang sinabi, pero nag-ayos pa rin ako lalo pa’t mukha na talaga akong may sakit!
I put on some light makeup, too. Pakiramdam ko ay sobrang tagal na nang huli ko itong ginawa. Ang tagal ko rin pala sa La Esperanza at sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako nabuhay roon na wala ang mga bagay na aking nakasanayan.
Ngumuso ako nang tinitigan ang sarili sa salamin. Plinantsa ko ang buhok ko sa pagkakataong ito para tumuwid dahil natural na maalon ang aking buhok para naman magkaroon ng kaunting istilo. I looked a bit different than the usual. Pagtapos ay nagwisik ako ng pabango at umalis na.
Pinasundo ako ni Mommy. Hindi ko pa iyon inasahan, basta’t paglabas ko ay nag-aabang na ang driver sa labas.
Tahimik ako sa loob ng sasakyan habang umandar ‘yon at nakatingin lamang sa labas ng bintana. Maayos ang aking upo at ang mga kamay ay nasa kandungan.
Nang napagtanto kung gaano kapormal ang aking ayos, huminga ako nang malalim at sumandal na lamang. I loosened my shoulders. Why so formal, Isla?
Isang itim na cap sleeves pinstriped blouse ang suot ko. May collar iyon at deep V-neckline. Pinaresan ko iyon ng pencil cut skirt at nababagay na sapatos. Na-miss ko rin kasing magsuot nang ganito.
“Thank you po,” pasalamat ko sa driver nang nakababa at nilingon ang entrada ng bahay.
Mukhang buhay na buhay ang kusina, kaya siguro dito lang kami magdi-dinner ni Mommy. Ayos lang naman iyon sa akin at walang problema. Napapangiti na ako ngayon pa lamang. Sana inimbitahan din ni Mommy si Louisiana pero kung kaming dalawa lang, ayos lang talaga!
Ngunit nang makarating sa mahabang hapag, naglaho agad ang ngiti sa labi ko nang nakita kung sino ang mga nandoon.
Dumating si Mommy at napangiti sa aking pagdating. “Isla! Nandito ka na pala. Come, sit.”
Kumunot ang noo ko. Hindi ko maiwasan ang magulat nang napatingin kay Papa Frank. H-He’s... here! Nandito si Papa! That wasn’t a problem to me, kundi nang napadako ang tingin ko kay Lucas na nakaupo sa isa sa mga upuan sa tabi ni Papa. Doon ako natulos sa aking kinatatayuan.
Nagtama ang paningin namin ni Lucas Orcena. He’s sitting arrogantly, diretso ang kaniyang malalim na tingin sa akin habang halata ang nagtatagong ngisi sa kaniyang labi.
What the hell is he doing here?
Ni ayaw ko siyang makita ulit na nag-aabang na naman dito sa mansyon at ngayon... n-ngayon ay nandito pa talaga siya sa loob ng bahay?!
Parang umakyat ang dugo sa aking ulo. Nanginig ang kamay ko at hindi ko maiwasan na kumprontahin ng tingin si Mommy Ruella. She knows... she knows that Lucas has been waiting for me since I came back!
P-Paanong... nandito siya sa loob ng pamamahay namin?!
“Isla Laurena, why don’t you sit with us?” tanong ni Papa Frank na hindi man nakatingin sa akin ay alam kong alam na ang tungkol sa aking presensya!
Kalmado ang kaniyang boses at dahil doon ay mas nakakatakot iyon.
“A-Anong ginagawa ng lalaking ‘yan dito, Mommy?” I asked frantically, with bitterness. Tumiim lang lalo ang tingin ni Lucas at kumpyansang hindi siya papaalisin.
Nag-iwas ng tingin si Mommy. I looked back at Papa Frank and his calm expression told me the answer. Of course! Sila na naman ang may gawa nito!
Pigil na pigil ko ang panginginig ko sa galit. Ang pag-asa at tuwang naramdaman ko sa inaakalang dinner ay tuluyang nabasag.
“I’m sorry, I can’t sit at this same table,” puno ng pagpipigil kong sinabi. Ang pait ng aking ekspresyon at nagawa kong humakbang paalis ngunit hindi pa nakakatatlong hakbang, nagsalita si Papa.
“Take a seat, Isla Laurena.” Walang kasing talim at kasing diin ang tono na iyon!
Napapikit ako. How can they invite my ex, who has hurt me many times and is no longer welcome in my life!
Kung gusto pala nila ng dinner kasama ang lalaking ‘yan, sana ay hindi na ako imbitado! Ayos lang iyon sa akin. Hindi na ako magtatanim pa ng sama ng loob.
“Maupo ka muna, hija... maraming niluto. We cooked your favorite,” malambing at banayad na sinabi ni Mommy Ruella, as if to compensate for all of these!
Napalingon ako kay Mommy at nang nakita ang malungkot niyang mga mata ngunit may kaunting ngiti sa labi, para akong dinadaga ng konsensya. Na parang ito na lang ang pag-asa niya na maayos pa ito.
“I said sit down, Isla Laurena.” Mas mawtoridad ang pagkasabi niyon ni Papa at ni hindi ako matingnan dahil baka kung ginawa niya, tuluyang sumabog ang galit niya para sa akin.
Inalis ko ang bara sa aking lalamunan at kahit wala sa loob, nagawa kong umupo roon. I was fighting my own emotions. I was trying hard not to let myself fall apart in front of them, even though I felt so disrespected.
Hindi ko nilingon si Lucas. Tinuon ko lamang ang tingin sa pagkain at umasang matapos na ito agad.
Kahit ang mga maids ay tahimik din nang hinain ang pagkain. Walang nagsasalita sa amin, sa puntong si Lucas pa ang unang tumikhim at binasag ang katahimikan.
“So, how are you now, Isla?”
Hindi ako agad sumagot. Napatingin pati ang mga maid kay Lucas dahil doon.
He cleared his throat again. Umangat ang kaniyang kilay, and this time, determined to get an answer from me.
“I heard you’re looking for a condo... mayroon akong alam. I’ll arrange everything for you if you want...” may pagtitimpi niyang sabi.
“Hindi ko kailangan...” may lamig kong sagot.
Naupo na rin si Mommy. Kanina pa nagsimulang kumain si Papa Frank. Ako naman ay halos hindi magalaw ang aking pagkain at ang wine na lamang ang pinagdiskitahan. I feel like I need a drink or two for this...
“Pero sabi mo ay kailangan mo, Isla. Naisip naming hindi na nga naman masamang tumira kang mag-isa ayon sa iyong gusto... Lucas is here to help you. Kung magkasama kayo, mapapanatag kami,” sabi ni Mommy na halos ikatawa ko nang mapait sa loob-loob ko.
Orcenas na mismo ang nagpabagsak sa amin noong binawi nila ang tulong sa kompanya When they stopped working with us pagtapos magalit sa akin ni Lucas noong nangyari ang insidente sa art exhibit kung saan naabutan kami ng kumprontasyon tungkol sa panloloko niya.
He was so mad at me for it. So why is he now crawling back, wanting a relationship with me again?
Anong nakain niya at gusto niyang maging kami ulit? Na tutulungan ulit nila ang kompanya?
“Let’s forget about the past. I’m willing to take over the company... once we get married,” ang matigas na sabi ni Lucas.
“I don’t want to... g-get married.”
It was silence that followed. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mommy Ruella sa aming dalawa ni Lucas na natitiyak kong nagsalubong ang mga kilay habang nakatingin sa akin.
We were all startled by a loud and sharp noise. Napapikit ako at tahimik na napaigtad nang binagsak ni Papa ang kubyertos at malakas iyong tumama sa babasaging plato.
Mommy Ruella is used to it. Napapikit na lang din siya at kalmadong huminga nang malalim.
“Since when have you become this disobedient?!” mariing tanong ni Papa Frank at sa pag-angat ng aking tingin ay hinarap ko ang kaniyang galit na tuluyang sumabog mula sa kaniyang pagtitimpi sa akin.
Gusto kong ipagtanggol ang aking sarili ngunit hindi ako makapagsalita, like a trembling kitten.
Tumayo si Papa, eyes blazing with rage, at halos dinuro niya ako.
“Frank,” Mommy Ruella called.
“Kung hindi mo lamang tinakasan ang pakakasalan mo, sana’y hindi mangyayari lahat ng ito. You ruined everything we’ve worked hard to build over the years!” Parang kulog ang kaniyang boses.
Nangilid ang luha sa mga mata ko at aminado naman doon, ngunit paulit-ulit pa ring sinasampal sa ‘kin ang bagay na ‘yon.
“I-I’m sorry...”
Nanginig ang boses ko iyon pa lamang ang aking sinabi, ngunit pinatigas ko ang ekspresyon at gustong maintindihan niya ang pinanggagalingan ko. Maybe it’s a chance for him to understand me. Pero may puwang pa ba iyon ngayon?
“What can your apology do? Masasalba ba ng paghingi mo ng tawad ang lahat ng nawala sa atin?”
Lucas heard it all as Papa Frank shouted at me, fuming with anger. Sumimsim siya sa wine. Gusto ko na lamang mapapikit at nilalabanan ang sariling hiya.
“You are about to marry Lucas. Kung ano ang kaniyang gusto, iyon ang susundin mo,” mariin na mariin ang boses na sabi ni Papa. “Look at yourself! Para kang pusang pagala-gala at walang nagmamay-ari. You have grown so disobedient! Wala kang binibigay sa amin ng mommy mo kundi sakit ng ulo!”
Puno ng poot niya akong tiningnan. Ngayon ay nailabas niya rin ang galit na iyon.
At b-bakit ba siya ganito sa ‘kin? Parang isa lang akong pusa kung ipamigay nila...
“This is the only solution for us to be able to face people again. Ito ba ang gusto mo na mangyari sa pamilya natin? Ang mama mong nagkakasakit? At ako na nagtatago! Ang negosyo natin na bumabagsak! Stop being selfish, Isla Laurena! Make use of yourself! You can tell them you were gone for abroad because you got married.”
Matindi ang bara sa aking lalamunan. Pinipigilan ko ang mapayuko kahit parang mga bala ang mga salita.
“Kaunting sakripisyo lamang ang hinihiling namin sa iyo ngunit hindi mo pa mapagbigyan! At ano ba ang problema mo at hindi ka mapapayag magpakasal?” galit na turan ni Papa.
And if I said I already love someone... would it really matter? May mahalaga pa ba ‘yon kung ako mismo ay hindi na nila pinapakinggan?
Cause what now if I love someone? Wala silang pakialam doon, Isla. The same way they didn’t care about your feelings, or your opinions.
Pumikit ako at sinikap na magsalita, umaasa na baka sakali... baka sakali ay pakinggan pa rin nila ang rason, no matter how illogical, impractical, or meaningless it may seem to them.
“I’m in love with someone else, Papa...” halos bulong ko sa hangin.
Natigilan sila lalo na si Mommy. Nagtagal ang kaniyang tingin sa akin dahil sa lahat ng nabanggit ko sa kaniya, hindi naman kasama roon ang lalaking tinutukoy ko. Dahil ang parteng iyon ay gusto kong akin na lang... kahit iyon na lang.
Tumiim din ang tingin ni Lucas sa akin. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at kumuyom ang kaniyang palad.
“That’s why I don’t want that marriage you’re talking about...”
“Pagmamahal?” Papa was in disbelief. “Ano ang magagawa ng sinasabi mong pagmamahal? Maliligtas ba niyan ang kompanya natin, ha, Isla Laurena?! Pupulutin tayo sa putikan sa walang kwentang pagmamahal na sinasabi mo!”
My lips quivered. Pinigilan ko iyon and in the defeat of hope that they would still understand me, napayuko na lang ako.
Tuluyang umalis sa hapag si Papa Frank. Mommy Ruella called him. Sumunod siya kay Papa. Naiwan kami ni Lucas na hindi rin makapaniwala sa akin, as if I was ridiculous and stupid.
“In love? Do you know how many empires that love has made fall?” naiiling niyang saad sa tinig na may galit. Pinulot niya ang coat. “You are not in love, Isla. You are just confused,” deklara niya.
“And who are you to tell me when I’m in love and when I’m not?” matigas kong tanong. “At saan mo naman nakuha ang lakas ng loob na pumunta rito?”
“Kung sinumang lalaki ang nagparamdam sa ‘yo ng pagmamahal na sinasabi mo, I am hell of sure he is fooling you, and you are falling for it!” pagdiriinan niya. Pinatong niya ang kamay sa gawi ng mesa sa aking gilid at niyuko ako upang itatak sa aking isip ang kaniyang sasabihin. “Better stop it now, Isla... hindi ako papayag na pakakasal tayo na may iba kang mahal! Do you understand that?” he threatened.
Napapikit na lang ako at naiwang mag-isa sa hapag. Narinig ko pa ang pag-alis ni Lucas sa mansyon dala ang disgusto sa aking pinagtapat.
Hindi na rin natuloy ang dinner. Ako na ang humingi ng dispensa sa mga nailuto na hindi na rin halos nakain pa. Humingi na rin ako ng pasensya sa maids sa nangyari.
Binilin ko na lamang ang paalam ko para kay Mommy. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang mararamdaman sa akin dahil sa nangyaring ito dahil kita ko ang pag-asa sa mga mata niya na may patutunguhan. Kumirot ang dibdib ko sa isipin na magalit ulit sa akin si Mommy...
Mag-isa akong umuwi sa bahay at hindi na nagpahatid pa. Inubos ko na lang ang wine sa hapag bago tuluyang tumayo at umalis dahil sayang naman. I needed a good drink para maibsan man lang ang nararamdaman.
Tahimik at malalim na rin ang gabi nang makauwi ako. Hindi na ako nagmadali sa paglalakad hanggang sa bahay, paminsan-minsan ay niyayakap ang aking mga braso dahil sa lamig.
Napatigil lamang ako sa paglalakad nang mapaangat ang tingin ko sa isang lalaking nakatayo sa labas ng isang sasakyan. Sa mismong tapat ng bahay na tinutuluyan ko. Noong una’y akala ko si Creed iyon. Itataboy ko na sana siya dahil sabi ko ay huwag siyang pupunta sa aking address! Pero parang may mga insektong nagising sa kaibuturan ko nang ibang mukha ang bumalandra sa akin.
My lips parted. Natulala ako at pakiramdam ko ay nananaginip na naman ako at sa pagkakataong ito ay gising ang diwa ko!
G-Ganito ko na ba hinahanap si Seatiel... na nagha-hallucinate na ako at nakakakita ng mga bagay-bagay?
“Lauren...” mahina ngunit malinaw na tawag ng lalaking iyon.
Napamaang ako’t napatitig kay Seatiel. Nakasandal siya sa kotse, nakahalukipkip at nakatingin sa ‘kin.
Lauren... a name that I only used for a while yet it held meaning, na kung maririnig ko ang pangalan na iyon ay palaging siya ang maaalala ko. For that name means meeting him.
“Seatiel...” I called, my voice trembling.
Is... i-is this... a dream? Nananaginip ba ulit ako?
“Ako nga, Lauren.”
Naitikom ko ang nakaawang na labi. Parang may punyal na umukit sa dibdib ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nasaktan ako. Kahit ako ang nanakit sa kaniya, kahit ako ang umiwan sa kaniya, naramdaman ko ang hapdi sa aking lalamunan!
Hindi ako naniniwala. I must be drunk!
Nagtama muli ang tingin namin. Ang malalim at tila nanghahalukay sa aking kaluluwa na tingin niya ay unti-unting naging marahan. Namungay ang mga mata niya.
“S-Seatiel... anong... a-anong ginagawa mo rito?” Tiningnan ko ang paligid upang siguraduhing hindi nga ako nananaginip, ngunit hindi nga talaga. Even if I pinched myself!
Narito talaga si Seatiel sa harapan ko. Magkakrus ang mga braso, in his dark long-sleeved shirt with its three buttons open, revealing his firm chest where I had lain my head on some nights. Hindi ako makapaniwala at hindi ko maalis ang tingin sa kaniya.
He was different. I know he’s still Seatiel... my Seatiel... pero ibang-iba ang kaniyang dating ngayon. His formality was a far cry from his simple cowboy shirts, faded jeans, and heavy combat boots. Pati ang kaniyang buhok ay nakaayos kumpara sa nakasanayan. Ang kaniyang sapatos... maayos at nangingintab pa!
I couldn’t believe my eyes. I was entranced... especially when his soft gaze found mine.
Malalim siyang huminga at binaba ang tingin sa kabuuan ko. “Kinukuha ang akin...”
Imbes na matakot sa mapang-akin niyang salita at boses ay parang may humahalukay pa sa tiyan ko at naglilipanang insekto.
Nagkatitigan kami, naging malumanay ang mga mata niya sa kabila ng lamig niyon.
“Don’t expect for me to cry at the corner because you left. Hindi ako ganoon, Lauren. Mapapagod ka lang kakatakbo palayo sa ‘kin...” Madilim ang kaniyang tingin. Nahanap ko roon ang sakit, tampo, at bahid ng galit, ngunit wala sa mga ‘yon ang nagbigay sa ‘kin ng takot. “Run all you want. We can do this for all our lives, sweetheart... bakit hindi natin tingnan kung sinong unang mapapagod sa ‘tin?”
Mapaglarong ngisi ang sumilay sa labi ni Seatiel. He was more than amused. He’s really here in front of me... and I ached about it. Nagwawala na ang pintig ng puso ko nang mga sandaling ‘yon, my heart threatening to get deformed in its cage! Sa halo-halong nararamdaman ko’y parang may sariling pag-iisip ang mga paang lumapit ako para yakapin siya.
I encircled my arms around his nape. Nanuot sa pang-amoy ko ang pamilyar niyang bango. Bahagya kong nilayo muli ang sarili at pinakatitigan siya. Ang lakas ng t***k ng puso ko! Please, tell me... this is not a dream...
“Tell me I’m not dreaming,” nanginig kong usal, hindi pa rin makapaniwala.
Nanatili ang titig niya sa akin. He wandered his soft gaze all over my face and brushed his thumb gently against my chin.
“I am certain you’re not...”
“S-Seatiel? I’m sorry...” Sa dami ng salitang gusto kong sabihin, iyon ang nauna. “I’m so sorry. I-Iniwan—iniwan kita...”
Nag-init ang mga mata ko sa luha. Maybe I’m drunk. Maybe I’m dreaming! At magkagayon pa man, ayaw kong sayangin ang pagkakataong masabi pa ang mga ito.
Mahigpit niyang hinawakan ang bewang ko na tila pag-aari niya ang lahat sa akin. Niyakap ko siya at idiniin ang ulo sa kaniyang dibdib. Humikbi ako roon.
“W-Wala na akong pakialam, Seatiel. Ilayo mo ako rito... please... let’s go somewhere else. I don’t want to be here anymore.”
I don’t want a place without him. I don’t want to get married with someone else!
Malalim ang paghingang pinakawalan ni Seatiel. Muling nagtagpo ang paningin namin at bago pa siya magsalita ay hinalikan ko na siya. If this is just a dream, then I would still be glad I took the chance to touch his lips again dahil ayaw ko na gumising at pagsisisihan iyon!
Hindi niya ako tinugon ngunit ramdam ko ang pagpapaubaya niya sa mga labi. Kumalabog nang husto ang aking dibdib at nasaktan. Parang gustong magbagsakan ng aking mga luha!
“I’m so sorry, Seatiel... I-I’m really sorry! Hindi na ako aalis... hinding-hindi na. P-Please, forgive me... I’ll never leave again... just don’t be mad at me.”
Lasing na nga siguro ako dahil tuluyan nang umagos ang mga luhang pinipigilan. H-He doesn’t want the kiss anymore... dahil binigo ko siya and it’s over.
Sinagot ako ng mabigat niyang paghinga at dampi ng halik sa aking noo. Nilayo niya ako mula sa pagkakayakap. Halos umiyak ako sa ginawa niya kung hindi niya lang ako binuhat agad. Ang isang kamay niya’y nasa likod ko at ang isa’y nasa likod ng mga hita ko. Walang kahirap-hirap niya akong dinala papasok sa loob ng bahay.
“Hindi na talaga, Lauren. Now, let’s get inside... Marami tayong pag-uusapan.”