Relentlessly I
“We need Frank, Isla. He should be held accountable for what he did, at na harapin niya ang kinakaharap ng kompanya. The company is going down and we’re losing very fast!” ang problemadong sabi ni Mr. Lozano, one of the executives, sa huli naming pag-uusap.
“I understand your frustration, Mr. Lozano... pero nagsasabi po ako nang totoo. Hindi ko talaga alam kung nasaan si Papa Frank. He hasn’t come back yet. Tinanong ko ang Mommy Ruella pero hindi niya rin naman sinagot. If you really don’t believe me, you can ask my mother instead...”
At iyon ay kung sagutin nga siya ni Mommy Ruella, bagay na malabong mangyari. Alam iyon ni Mr. Lozano dahil hindi na rin siya sumagot at napahugot ng malalim at problemadong paghinga.
Wala rin akong masiyadong magagawa para sa kompanya. Bukod sa hindi ako isa sa mga executives na siya ring desisyon nina Papa Frank dahil hindi sila nananalig na kaya ko ang trabaho sa kompanya, wala talaga ako sa posisyon para saluhin man lang ang trabaho ni Papa.
I can’t do that much, and until Papa Frank is back, they will have to keep up and wait!
Sa mga sumunod na araw ay ganoon ulit ang kailangan kong gawin, ang bisitahin si Mommy sa mansyon at siguraduhing maayos siya. Mabuti na lamang din at hinayaan niya na ako sa aking tinutuluyan at hindi pinipilit na manatili sa mansyon.
Napaangat ang tingin ko nang paglabas sa aming gate, nakita ko ang isang pamilyar na tao, naghihintay at nakatayo sa labas ng kaniyang kotse.
Natigilan ako sa aking paghakbang. My eyes went to him and he immediately found my gaze. Nangunot ang aking noo at kasabay nang malalim na paghugot ng hininga ay nagtuloy-tuloy ako sa paglakad paalis.
Hindi pa ako tuluyang nakalayo, nakuha na ni Lucas ang aking braso at pilit hinarap sa kaniya!
Matangkad siya kung kaya’t madali niya akong nadala nang hilahin niya ako palapit para yakapin. It startled me that I also unsciously pushed him away. Sa aking gulat ay nagawa ko iyon. “Isla, p-please...” Nadurog ang kaniyang boses. Hinapit niya ulit ako at ayaw magpadala sa tulak na iyon!
“Nagsisisi na ako, babe! I’m sorry! I’m f*****g sorry, Isla. Please, come back to me... I promise I’ll be better.” His eyes were bloodshot, tila ba napagod siya nang husto sa paghihintay sa akin!
“B-Bitawan mo ako, Lucas!” May puwersa ang hawak niya sa akin kaya nang inagaw ko ang aking braso, halos nataboy ko siya ulit. Marahas siyang sumandal sa kaniyang sasakyan at unti-unti ay sumungaw ang galit sa mga mata. Damn his car and his thick face! “A-Ang kapal din naman talaga ng mukha mo. Huwag ka nang lalapit sa akin at huwag na huwag mo na akong kakausapin! We’re over!” I reminded him. Siya ang sumira doon at hindi ako, kaya anong karapatan niyang bumalik-balik pa rito?!
Marahas siyang bumuntonghininga habang madilim ang tinging ipinukol sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong mali sa kaniya na pagkatapos niya akong lokohin ay magmamakaawa siyang balikan ko siya!
Pangalawang araw niya na itong paghihintay sa ‘kin sa labas ng mansyon ng mga Medrano. Nagagalit na ako sa pamimilit niyang magkabalikan kami at pamimilit na patawarin ko siya at ayusin namin ang lahat na parang hindi niya ako niloko noon, na parang hindi niya ako pinagbantaan na hindi iyon ang huli naming pagkikita noong pinahiya ko siya noon sa art exhibit!
“Ang tagal kitang hinintay! Damn it, Isla! Bakit hindi mo ako patawarin? It was one time! One f*****g time!” Lucas clenched his jaw. Kalaunan ay lumambot ang kaniyang ekspresyon at napasandal na lamang sa kaniyang sasakyan.
“Pinapatawad na kita! Kung ‘yan ang gusto mo, okay, pinapatawad na kita! Ngayon, makakaalis ka na... huwag ka nang magpakita sa ‘kin.”
Napatigil siya’t hindi makapaniwala akong tiningnan at nang talikuran ko siya ay muli niyang hinablot ang braso ko. Marahas niya akong hinarap sa kaniya. “Putangina, tapos ano?! I said I want us back! I want you back, Isla... I want you to be my girlfriend again!”
Nagulat ako nang yakapin niya ako. I am so disgusted with him. Nanuot sa aking pang-amoy ang magkahalong pabango at alak kay Lucas.
“Lucas! Lasing ka ba?!” singhal ko. Hindi siya sumagot. Nakatingin siya sa ‘kin na parang ang tagal niya akong hinintay...
Nakaramdam ako ng kaba at hindi maipaliwanag na pakiramdam. Magaling siyang magpanggap, hindi ko malalaman kung kailan siya nagkukunwari at kung kailangan siya sincere sa isang bagay. He cheated on me and that is enough proof!
Muli niya ako hinapit palapit. Napasinghap ako at nagpumiglas pero dahil mas malakas siya ay nagawa niyang idiin ako pasandal sa kotse! He held my wrist para hindi ko siya maitulak. Idiniin niya iyon sa gilid ng ulo ko sa kotse niya at tila walang pakialam kahit mabasag ang salamin nito.
“Lucas! B-Bitawan mo ako!” sigaw ko. Walang makarinig sa ‘kin dahil nasa madilim na parte kami ng villa.
“Bakit ayaw mong makipagbalikan, huh? Nakahanap ka na ng bago? Ano, Isla? Did you find someone else, huh? May nakagalaw na ba sa ‘yo?!”
Ang pumipiglas kong kamay ay diretsong sumampal sa pagmumukha niya. Sa sobrang lakas niyon ay lumuwag ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Napabaling sa gilid ang mukha niya habang nag-iigting ang kaniyang panga’t masama ang tinging ibinalik sa ‘kin.
Nanginginig ang palad ko. Nagsimulang mag-init ang sulok ng aking mga mata.
Masama niya akong tiningnan. Nawala lamang iyon nang biglang tumunog ang cellphone niya at mayroong tumatawag.
“Bullshit!” Malutong siyang napamura at hinampas ang bubong ng kotse niyang kinasasandalan ko.
Napaigtad ako sa gulat at kahit natatakot ay pilit kong tinapangan ang sarili habang kaharap siya.
“Babalikan kita... hindi pa tayo tapos, Isla Laurena...” mariing sabi niya’t umikot sa driver’s seat para sumakay. Mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya paalis at naiwan akong nakatulala sa kawalan.
Nag-umpisang magpatakan ang mga luha ko. Nanghina rin ang mga tuhod ko at para akong tinakasan ng hangin.
How dare he harass me like that?! At saan niya pa nakuha ang kapal ng mukha na magpakita pa sa akin?
Pinawi ko ang luha sa aking pisngi at sinikap kong makapagpatuloy sa paglalakad habang binabawi ang paghinga sa naninikip kong dibdib at naghahapding lalamunan. Umuwi akong mag-isa sa tinutuluyan ko.
Pagod akong pumasok sa loob at napasandal na lang sa pinto. Pumikit ako at pilit kinakalma ang sarili. Nanginginig ang mga kamay ko at namumutla ang mga labi. Wala akong nagawa kundi umiyak. Kahit ang pinto ay hindi ko na nagawang mai-lock at basta ko na lamang ibinagsak ang sarili sa higaan.
Hanggang sa pagtulog sa maliit na kama ay wala ako sa sarili. I tried to sleep my worries away. Tulala lamang ako sa kisame. This house is small. Walang mga kwarto. Magkakasama na ang lahat, ang kusina, sala, at ang kama.
Panay ang pagtulo ng luha ko na paulit-ulit kong pinapawi. Gumalaw ako sa kama at tumagilid. I nibbled my lip while I try to stop my tears. Hinarap ko ang lamp shade sa maliit na mesang katabi nitong kama kung saan nagmumula ang mapusyaw na ilaw na tanging liwanag. Napatitig ako rito at pagod na ipinikit ang mga mata.
Hindi ko magawang makatulog kahit gaano kapayapa ang paligid, kahit gaano katahimik at tanging kuliglig lamang sa labas ang maririnig. Halos nag-iisa ang bahay na ito sa sulok ng isang lugar, sadyang tago at mapuno sa labas.
At mag-isa ako.
Mababaw ang tulog ko kahit na pagod at inaantok, and no matter how hard I try to only fill my mind with happy and calm thoughts, I just couldn’t. Ramdam ko ang hapdi sa aking lalamuna. Kahit sa pagpikit ng mga mata ko ay si Seatiel ang nakikita ko. It’s funny how I left him, at pagtapos ay ako ang may gustong hanapin niya ako, balikan niya ako, kunin niya ako...
Marahil dala ng sobrang pag-iisip kay Seatiel kaya napanaginipan ko siya. Pakiramdam ko’y totoong-totoo. Nabaliw na yata ako dahil parang buhay na buhay sa pakiramdam ko ang yakap niya sa ‘kin.
Lumubog ang kama sa aking tabi na tila may sumampa at nahiga rito. Gusto kong maiyak sa panaginip ko dahil tila ba may brasong pumaikot sa tiyan ko upang yakapin ako. A familiar hot breath on the back of my head and ear gave me comfort.
Ang mainit na dibdib na yumakap sa ‘kin mula sa likod ay pumawi sa lamig na nararamdaman ko. “S-Seatiel...” tawag ko sa lalaking laman ng panaginip. A tear fell from my eye. Gusto kong gumising ngunit dala ng pagod at ng panaginip ay tila ayaw ko nang magmulat ng mga mata.
I cried more when I felt his familiar kiss at the back of my head. Mababaw na humahalik sa buhok at leeg ko ang malambot na mga labing iyon habang kinukulong ako sa init ng mga bisig niya.
Kahit ang malalim niyang paghinga’y parang nadarama ko, na parang nasa tabi ko talaga siya. This dream felt so real... that I refuse to open my eyes. Natatakot akong matapos ang panaginip na iyon at hindi ko na ulit siya makita at maramdaman.
“Goodnight, Isla... mahal kita.” Pabulong at malalim ang mga salitang iyon, na parang sobra niyang lapit.
Ang huli kong naramdaman ay ang haplos sa buhok ko at isang mababaw ng halik sa aking ulo. Pumatak muli ang luha ko, ngunit bago pa ako makasagot ay tuluyan na akong nakatulog.
Nang magmulat ako’t magkamalay sa paligid ay maliwanag na sa labas. Makulimlim at mahamog. Bumangon ako at malakas ang kabog ng dibdib. Natanaw ko sa labas ng bintana ang banayad na pagsasayaw ng mga dahon sa puno at ang nahuhulog nitong mga dahon sa sementadong daan.
Unti-unting kumalma ang dibdib ko at napalitan iyon ng kirot at sakit. Nilingon ko ang buong paligid ng tahimik na kwarto ngunit katulad pa rin iyon nang bago ako makatulog.
There’s no one here. Seatiel is not here... he’s just in my mind... he’s just in my dreams.