Relentlessly I
Buong byahe namin patungo sa syudad ay wala akong imik. Tahimik lang ako sa backseat habang nakatingin sa kawalan at pinagmamasdan ang bawat dinaraanan namin.
Lumagpas kami sa mahabang tulay na nagdurugtong sa isla ng La Esperanza at sa syudad. Sinubukan kong matulog at magpahinga sa byahe pero maraming naglalaro sa isip ko.
Hindi lang isang beses kong naisip na sabihan si Creed na bumalik kami, na hindi na ako tutuloy at nagbago ang aking isip pero alam ko na kailangan kong panindigan ang desisyon kong ito.
I kept my mouth shut for hours at sa ilang oras din na ‘yon ay nakatulog na rin ako. Sa tuwing nagigising ako mula sa mababaw na idlip ay si Seatiel ang naiisip ko, sina Ate Aly, Nay Issa, sina Margaret, at sina Cindy.
Panay ang tingin sa ‘kin ni Creed sa rear mirror ng sasakyan. Nagtanong siya isang beses ngunit nang wala siyang nakuhang sagot sa ‘kin ay nagbuntonghininga na lang siya at bumalik sa pagmamaneho.
“Tumigil muna tayo bago tumuloy sa airport. Kung gusto mo, ikukuha kita ng hotel room. Magpahinga ka muna roon,” sabi ni Creed.
“Ayoko, hindi na kailangan.”
“You look exhausted. At tingnan mo nga iyang sarili mo? Bakit kanina ka pang tulala?” tanong ni Creed at inilingan ako. “Bago magtanghali pa ang nakuha kong flight. Wala ka ring magagawa kundi magpahinga muna. Kung ayaw mo, pwede ko namang ibalik itong sasakyan sa La Espe—”
“Oo na, Creed,” pigil ko sa kaniya, ayaw marinig ang sinabi niyang ibabalik niya ang sasakyan.
“That’s what I thought,” ngisi niya at pinaharurot ang kotse.
Tumigil kami sa isang malaking hotel sa sentro. Pinag-book niya ako roon habang may pupuntahan daw muna siya. Iniwan niya sa ‘kin ang mga gamit. Hindi talaga siya nagbibiro na dinalhan niya ako ng mga gamit at damit din na masusuot. Kahit pagkain binilhan niya ako. Ang dami ko na tuloy utang kay Creed.
Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Para akong pinagbagsakan ng samu’t saring problema dahil sa tamlay. Bawat galaw ko ay may kasamang malalim na paghinga, sinusubukang kontrolin ang emosyon at kung ano-anong naiisip.
I’m really going back to Manila. It’s over. This feels like a whirlwind romance in a summer vacation. Iyon lang at wala nang higit pa!
Inabot ko ang telepono para tawagan si Louisiana at sabihing tanghali ang flight namin. Binigyan niya ako ng address ng isang bahay sa Manila kung saan ako pwedeng tumuloy. Hintayin ko raw siya roon. Ang sabi ni Louise ay walang nakaalam sa bahay na ‘yon dahil pinasadya niya ‘yon para sa pagdating ko.
Sinubukan ko ulit na makatulog sa hotel ngunit hindi ko na magawa. Nakaidlip ako sandali pero nagising din sa tawag ni Creed dahil naghihintay na raw siya sa baba. Na-guilty tuloy ako na pati bayad dito sa hotel ay sinagot niya.
“Ano ba ang nangyari?” pagtatanong ni Creed habang kumakain kami sa restaurant ng hotel. Parang nanibago ang panlasa ko sa mamahaling mga pagkain. Agad-agad ay na-miss ko ang luto ni Ate Aly.
“W-Wala naman, Creed,” saad ko at yumuko sa pagkain.
Ginusto mo ito, Isla. You left. You’re the one who left him. Kaya wala kang sisisihin dito sa kung anumang mangyayari kundi sarili mo lang!
I ran away from him. I didn’t even say goodbye. And though it feels like I tricked him, I’m struggling with the weight of my small choices.
Tinakbuhan ko ang sana’y pakakasalan ko noon, and now, I ran away from someone again. Ngunit ang kaibahan sa nararamdaman ko, hindi ko mahal at kinamumuhian ko pa ang lalaking ipakakasal sa ‘kin ng mga magulang ko noon pero ngayon... iba si Seatiel.
“Sino ba ang umaway sa ‘yo? Nang mapadukot ko na,” saad ni Creed at inabutan ako ng tissue. Inilingan ko siya dahil hindi naman ako naiiyak!
Wala akong karapatang umiyak pagtapos ng ginawa ko. Alam ko iyon. Dahil sinong babae ba ang makikipag-s*x at bigla na lang lalayas? It’s unforgivable.
Tumigil ako sa pagkain at napayuko.
“I-I like him, Creed... h-hindi ko alam kung anong gagawin ko.”
Seryoso lamang siyang nakikinig at nanatili. Mukhang alam niya na rin namang gusto ko si Seatiel.
Hapon kami nakarating sa Maynila. Nakatulog ako sa eroplano at hinayaan naman ako ni Creed. Ang sabi ko’y hanggang doon na lang niya ako samahan at pwede niya na akong iwan. I also don’t want him to get involved anuman ang makaharap ko pagdating ko ng Manila.
Sobra-sobra na ang mga itinulong niya sa ‘kin at ang mga pabor na hinihingi ko. Nahihiya na rin ako kay Creed at ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan niya sa ‘kin.
“As much as I respect your decision, hindi kita pwedeng hayaan, Lauren. Ihahatid kita diyan sa address na ibinigay sa ‘yo... o tatawagan ko ang boyfriend mo ngayon din?”
“Hindi ko siya boyfriend,” pagod na paliwanag ko dahil kanina niya pa pinipilit.
“Okay, okay, I get it,” naiiling na sabi niya kahit hindi naniniwala. “Oh, ano? Ihahatid ba kita o ida-dial ko na ‘tong number niya?”
Nagulat ako na meron siyang number ni Seatiel. Now, I regret telling Creed!
“Gusto mong kunin?” Sumilay ang ngisi sa labi ni Creed. I was tempted pero wala namang matutulong kung magkaroon ako ng number ni Seatiel kaya kahit nate-tempt, napigilan ko.
Iyon nga lang, hindi pa rin gusto ni Creed na iwan ako. Ayaw niya akong hayaan.
Mabilis na lumipas ang tatlong araw sa Maynila. Hindi bumalik si Creed sa La Esperanza at hindi ko alam kung saan siya pumupunta rito sa Manila. Ang sabi niya’y may aasikasuhin din naman siya rito at sasamantalahin niya na iyon habang narito siya.
I know he’s just around. Hindi niya lang alam kung saan ako eksaktong nakatira pero alam niya ang lugar.
Ako ang sumundo kay Mommy sa hospital. Nagulat siya nang nakita ako at hindi iyon inasahan. She was pale and weak. Halatang bumagsak din ang kaniyang timbang kung kaya’t nakaramdam ako ng labis-labis na konsensya at pag-aalala.
Halos hindi ko siya agad maharap. I couldn’t walk right away.
“I-Isla...” tawag niya at maluha-luha, may kasabikan sa mga mata lalo pa’t hindi ako inaasahan.
Nasa pinto pa lang ay naramdaman ko na agad ang pagbabara ng kung ano sa aking lalamunan. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Never in my wildest dreams have I ever thought she’d want to see me like this, na para bang kay tagal niyang nangulila.
Dahil lagi na lang si Papa. Lahat na lang ng gusto ni Papa, gagawin niya.
It’s always her husband over me. Kaya kahit alam niyang nasasaktan ako noong gusto nila akong ipakasal sa kung sino na lang, hindi siya tumutol kay Papa. I admit that at some point, I loathed my mom, at alam kong maling-mali ‘yon dahil kahit pagbali-baliktarin pa ang mundo, she’s still my mother, she’s still the woman who raised me.
Even when she always pushed her own standard to me. Na dapat, ito ako. Na dapat, ganito. Wala akong pagkakakilanlan.
At twenty-three, I’m barely independent. She always wanted me to rely on her decisions, to trust her. Na ang lahat ng kaniyang ginagawa ay para sa ikakabuti ko.
Litong-lito ako kung kaya’t ganoon na lang ang aking naging desisyon. Paulit-ulit ko ring ikinintal sa aking isipan na tama si Mommy, na lahat ng ginagawa niya ay para sa ‘kin. I love her. She’s my mother!
Pero masiyado na akong nasakal, naguguluhan. I trusted her, but I don’t know anymore. Gusto ko ring maniwala na kakampi ko siya but when they set me up in that arranged marriage, I just didn’t know anymore.
Nayanig ang paniniwala ko. I wanted to blindingly believe and trust but it was impossible!
Parang marupok na pundasyon ang gumuho sa puso ko nang makita ko siya. Mahina ako lalo na pagdating sa pamilya. I don’t have a perfect family. I was never raised in a warm home, at isa ‘yon sa mga bagay na matagal nang sumasagi sa aking isipan. It became my insecurity. Inggit na inggit ako sa may masayang pamilya.
I never knew how it felt to have loving parents. They always provided the things I needed in life, but those were only the things that could help me survive, not live.
Palagi kong tinatanong ang sarili ko kung may mali ba sa ‘kin, kung bakit hindi nila ako gaanong gusto. I’m their only daughter, so I don’t understand. They have no other children to give their love to... so why am I not receiving any? I felt invisible, like a glass child.
“I-Isla, oh, goodness...” Pumatak ang luha sa pisngi niya.
I almost couldn’t look at her because the guilt was eating me alive! Nanginig ang mga kamay ko at nang pumatak ang luha ay mabilis ko iyong pinawi sabay ngiti sa kaniya.
She’s hospitalized and I know it’s because of me. Walang nag-alaga sa kaniya dahil umalis ako, dahil iniwan ko si Mommy! I’m so damn selfish and I only cared about being happy. I looked for myself but in exchange, I abandoned her!
“M-Mommy...” Hindi ko na napigilan ang luha ko.
Hindi ko alam kung paano ko siya yayakapin. But then, she wanted my hug. Inangat niya ang mga kamay kung kaya’t mabilis kong tinanggap ang yakap niya at hindi na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
Miss na miss ko siya. Ang dami-dami kong nararamdaman ngayon. Gusto kong sabihin sa kaniya at isumbong lahat. Lahat-lahat! Lahat ng masakit, lahat ng magulo sa isipan ko, lahat ng nangyari sa ‘kin... gusto kong hanapan ng kakampi.
“I-Isla, saan ka galing? What did you do to yourself?” umiiyak na tanong niya. Nangingislap ang kaniyang mga mata sa luha. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.
Hindi ko napigilan at muli ko siyang niyakap. “I’m sorry, Mom. I-I’m so sorry...”
Ang dami kong gustong sabihin pero iyon lamang ang kaya kong sambitin, ang humingi ng tawad sa ginawa ko kahit alam kong marami akong nasira at naapektuhan, especially with Dad, who has prison waiting for him.
“Tell me everything, Isla, hija. What happened to you? Ano ang mga nangyari? Are you alright? Are you hurt?!” may nginig at pag-alala niyang tanong habang nilayo ako at tiningnan ang kabuuan ng aking mukha.
I saw a trace of pain and weakness in her eyes when she saw the small cuts on my face, arms, iyong mga natamo ko sa nangyari.
Maraming tanong si Mommy. We sat on the hospital bed and talked about what happened. Wala pa ako sa sarili para sagutin ang lahat-lahat pero dahil ayaw ko na siyang mas mag-aalala at mas lumala ang kondisyon, alam kong kailangan kong magsalita.
Inalam niya ang mga nangyari at sinabi ko naman. That some men kidnapped me and that I was almost raped and killed. That I was lost... May humahabol sa ‘kin at nagtatangka sa buhay ko!
Mom was sorry. Panay ang kaniyang hingi ng tawad at hindi maatim ang nangyaring iyon.
I know she’s always had these crazy standards. She was emotionally unavailable most of the time, pero ngayon, niyakap niya ako.
“I don’t know what to do, Mom...” I confessed achingly.
Gulong-gulo ako. I don’t even know how to react now, and I wonder if this is the result of all my years lost to my dependence on her.
“I’m sorry, hija. I’m so sorry...” Nanginig ang kaniyang mga balikat at may luha sa mga mata nang hinawakan niya ang mga pisngi ko.
My heart was heavy. Akala ko kapag narinig ko ang mga ito kay Mommy ay gagaan ang loob ko pero mas masakit pala. I’ve been running from my damn feelings, and now they’re hitting me all at once!
Nakalabas si Mommy sa ospital. Kasama namin si Louisiana at mabuti na lang dahil nandito siya. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko at may kasama kami ni Mommy.
“I’m sure your dad wants to see you,” may pagkahinahong sabi ni Mommy noong nasa hapag kami at nag-dinner.
Napatingin si Louisiana sa akin. She was with us. Hindi ko rin gaanong inasahan ang sinabi ni Mommy kaya napaangat ang aking tingin, unsure if I heard her right.
Nahaluan ng kaunting kaseryosohan ang mga mata ni Mommy. Parang gusto niya ring iiwas ang tingin.
“Tita... parang okay naman po kahit si Isla lang ang kasama n’yo ngayon at mag-alaga sa inyo,” hindi mapigilang sabi ni Louisiana.
Mommy Ruella sighed. Napaiwas agad ako nang binalingan niya ako sa mga matang parang nangungusap.
“But, Isla, he’s still your father. Alam mo naman ang Papa Frank mo, he’s been stressed with all the problems that have come to our family. Mula sa negosyo hanggang sa investors na nawala... hija, think about it...”
Ramdam ko ang hapdi sa aking lalamunan. I knew she would say this. Sigurado na ako, pero ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang reaksyon.
“Let us not let what happened ruin our family further, hija... sana’y mapagbigyan mo ang pagkakamali ng papa mo at bigyan mo ulit siya ng tiyansa,” saad ni Mommy Ruella na kahit nandoon pa rin ang pag-alala para sa ‘kin, hindi pa rin talaga mawawala ang para kay Papa Frank.
Sometimes, I wonder why she loves Papa so much. I don’t remember a time when he treated her the same way. He was always emotionally distant, at sa totoo lamang, wala akong maalalang panahon na inuna kami ni Papa Frank. Aside from that, I knew about his infidelity...
I’m sure Mommy Ruella knows. So I don’t understand.
“May gusto akong itanong, Mommy,” hindi ko mapigilang sabihin.
Hindi ko niyuko ang tingin dahil ngayon ay gusto ko talagang malaman mula sa kaniya.
“Kung sasabihin ko pong... aalis ulit ako? P-Papayagan n’yo ba ako?” napapaos kong tanong. Humapdi agad ang lalamunan ko, addicted with the feeling of being on a suffocating grasp of their choices, na parang wala pa man, ramdam ko nang hindi siya papayag.
Natigilan si Mommy Ruella at napatingin din kay Louisiana na tahimik na kumakain, ramdam ang tensyon sa hapag.
“I am not to stay here, Mommy. I’m planning to start living independently,” saad ko sa aking naiisip na plano.
I am not sure with some of my decisions, ngunit ito ang sigurado ako ngayon. Hindi na ako mamamalagi rito sa mansyon. I wanna live somewhere.
“But where are you staying? Ito lang ang natitira nating bahay rito sa Metro,” sabi ni Mommy na nandoon na nga ang pagkadisgusto sa aking plano. “And you don’t have enough money yet to buy or build a house, tapos ikaw lamang mag-isa ang titira?”
“Uh, plano ko po maghanap ng condo...” sabi ko na lalong ikinasalubong ng kaniyang mga kilay.
Sandali niyang binitawan ang mga kubyertos. Sumulyap si Louisiana ngunit mabilis ding binalik ang atensyon sa pagkain.
“Pero hindi mo naman iyan kailangang gawin, Isla. Kung iniisip mo ang galit sa iyo ng Papa Frank mo, siguradong lilipas din iyon. Just give it time and...”
“Mom. Don’t you think it’s just the right time for me to move out? Para makapagsimula na rin ulit ako sa trabaho,” saad ko.
Isa pa, handang tumulong si Louisiana sa paghahanap ko ng titirhan. Condo lang ay alam kong ayos na!
“I don’t know about this, hija. Hindi ko alam kung magugustuhan ito ng papa mo,” mapait na sabi ni Mommy.
“Kung ganoon, magpapaalam din ako kay Papa, Mommy. I’m sure he won’t care lalo pa ngayong galit siya—”
“Of course, he does!” may depensang saad ni Mommy Ruella.
Napahinga na lang ako nang malalim. I didn’t push the conversation further dahil bukod sa alam kong hindi ‘yon makakabuti sa kalagayan ni Mommy Ruella, ayaw ko na ring mas lumala ang puwang sa aming pamilya.
“So, ano nang plano mo?” tanong ni Louisiana matapos ang usapan naming iyon ni Mommy. Hindi ko na rin alam, ang gusto ko lang naman ay maglaan ng kaunting oras para sa sarili ko. Is that really bad?
“Hindi ko alam, Louisiana. It looks like mom’s indifferent with what I want. Ayaw ko namang sumama ang loob niya lalo pa sa kalagayan niya ngayon.”
Bumuntonghininga at naguguluhan. Naramdaman ko rin ang hapdi sa aking lalamunan ngunit ayaw nang bigyan pa ng espasyo sa aking sistema ang nagsusumiksik na pakiramdam at alaala.
“And how’s the guy?”
And to rub salt to the wounded area, tinanong talaga iyon ni Louisiana!
Kinagat ko ang labi at hindi alam ang sasabihin.
“You love him... hindi ka magkakaganito kung hindi mo siya mahal,” deklara ni Louise at naupo sa dulo ng kama. Hinawakan niya ang mga kamay ko at ngumuso. “Gaano ba kasi ‘yan kagwapo at parang nahulog ka talaga?! Umuwi ka sa pamilya mo kaya dapat masaya ka! Kaya sabihin mo... sobrang gwapo ba talaga niya?”
Hindi ko alam kung matatawa o mas maiiyak ako kay Louise. Ang dami ko nang problema pero iyon pa talaga ang concern niya sa lahat!
“Louise, kailangan ko pang intindihin ‘yong nangyayari kay Papa... hindi ko naman siya pwedeng hayaan na lang na makulong.”
“Hindi mo sinagot ang tanong...” Ngumuso siya ngunit pinakawalan din naman ang usapang ‘yon. “Wala kang magagawa kung hindi natin mahanap si Tito Frank. At siguro naman babalik din iyon at magpapakita. Hindi mo na ito kasalanan. At mabuti na rin dahil nagkaayos kayo ni Tita Ruella, hindi ba?”
Tumango ako at niyakap siya. She hugged me. Si Louise ang tanging nag-iisang kaibigan na kahit kailan, kahit anong nangyari, hindi ako iniwan.
“Basta, I’m just here for you, friend. Kung kailanganin mo ang tulong ko, you know I’m just here, right?”
“Thank you, Louise...”
Lumipas pa ang mga araw at sa kabila ng naging daloy ng usapan namin ni Mommy, mukhang naintindihan niya rin naman na hindi ako mananatili sa mansyon ng mga Medrano kaya hindi niya na rin ako hinanap pa. Bumabalik din naman ako sa kaniya at bumibisita. I also made sure that the maids are taking good care of her.
Palagi ko siyang pinupuntahan lalo pa’t kalalabas niya lang ng hospital. Sabi ng doktor ay maayos naman na raw si Mommy. She just needs rest so she could regain her energy, at nang sa gayon ay bumalik din sa dati ang lakas niya. She lost weight, at ngayon, unti-unti naman siyang umaayos.
Wala pa rin si Papa. Kasalukuyang nagtatago dahil sa pagkakasangkot niya sa isang illegal business. Ayon kay Louise ay hindi na ito ma-contact. Kaya rin siguro nagkasakit si Mommy Ruella, dahil sa nangyayari kay Papa.
Nanatili ako sa bahay kung saan ako pinatuloy ni Louise dahil ayaw kong sumama ang loob ni Mommy kung kumuha ako ng condo. She said I could stay here for as long as I need.
Bumisita na lang din si Mommy sa bahay na iyon. She was insisting para daw masigurado niyang maayos talaga ako at doon lang siya mapapalagay. I think she’s been paranoid since I told her about what happened back in La Esperanza, ang tungkol doon sa mga kidnapper ko at ang ginawa nila, at na hanggang ngayon ay posibleng may nagtatangka pa rin sa buhay ko.
Bumalik din ako sa kompanya. The board members wanted to talk to me. Ako na mismo ang kanilang tinanong tungkol kay Papa Frank. Although, Mommy Ruella is capable of handling the company and keep it going with Papa’s absence, pinoprotektahan niya pa rin ang pangalan ni Papa at ayaw aminin sa board ang totoong nangyari, although I think they know!
The company is losing fast even more after my disappearance. At mukhang dahil din iyon sa lalaking tinakbuhan ko sa kasal. We were supposed to get married and maybe share assets. Isa ‘yon sa makakahatak sa kompanya, and most likely in terms of expansion and establishing a better brand image.
Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari doon lalo pa ngayong hindi ko pa ulit nakausap si Papa Frank. Isa lang ang sigurado ako, galit ang pamilyang ‘yon, at hindi ko na rin maiwasang maintimida at ayaw ko na ring magkaroon pa ng ugnayan sa kanila! I don’t want to be entangled about a failed arranged marriage anymore.
“Sigurado ka ba talagang ayos ka lang mag-isa rito, Isla? Hindi naman ako nag-aalala sa security. Ang iniisip ko lang ay mag-isa ka,” nag-aalalang sabi ni Louise noong pauwi na siya.
Nagdadalawang-isip si Louisiana na iwan ako. Ngumuso siya at suot na ang heels. Her hair is full of colorful clips. She looks so sophisticated, sadyang ang hilig niya sa makukulay na hair clip sa kaniyang buhok.
Ngumiti ako at tumango, maayos na rin naman ang pakiramdam. “I’ll be fine here, Louise. I promise.”
“Kung pwede lang talaga ay mag-sleepover ako rito! I hate having strict parents at twenty-three! I can’t believe it,” giit niya.
“That’s why we’re friends...”
Nagkasundo kami dahil pareho kami ng kapalaran, only that she has great parents who does everything to protect her.
“Sige na. Ayos lang talaga ako rito. You don’t have to worry about me.”
Pahirapan pang kumbinsihin si Louisiana na ayos lang ako rito. She felt bad leaving me again pero kailangan niyang umalis o mahuhuli siya ng mga magulang na hinanapan niya ako ng bahay, at na alam niya rin ang tungkol sa pag-alis ko rito at pagpunta ko roon sa La Esperanza.
She will be in trouble for that, lalo pa dahil binalak niyang patuluyin ako roon sa Santander. Magkasabwat kami sa plano kong ‘yon at ayaw ko rin namang sirain ang tiwala sa ‘kin ng parents niya.
Nanatili lang ako roon sa bahay at inabala ang sarili sa ilang trabaho. Sinusubukan ko kung may magagawa pa ako para sa kompanya. Ayaw ko rin namang mawala lahat ng pinaghirapan nina Papa Frank.
I’m trying hard to be busy... dahil kahit mapahinto lang sandali at mapatingin sa bintana, dumadalaw ang ibang bagay sa isipan ko. Hindi ko iyon basta-basta maalis, at may sandali pang naiiwan na lamang akong nakamasid sa kawalan at naiisip ang taong alam ko namang hindi ko dapat isipin!
Walang dahilan para isipin siya... walang dahilan... para maalala siya.
Come on, Isla. He’s just someone you met... isang tao na siguro dumaan lang at hindi mananatili, at higit sa lahat, hindi babalik...
Kumurap ako nang naramdaman ang kirot sa aking dibdib. Siguro nga ay ganito talaga maglaro ang tadhana kung minsan, pinagtatagpo ang dalawang tao kahit hindi naman talaga sila sa dulo.
Maybe, for lessons. To help you grow. Maybe, experience. To help you find your place in this world. Or maybe... mistake. Dahil sa mga pagkakamali, doon natututo.
At siguro sa kaso ko, si Seatiel ang lalaking iyon. He’s just a fleeting moment, like summer—a love that passed by yet always remembered. Simple lang ang mga araw na iyon pero alam kong babalik-balikan ko sa alaala. And maybe that is more than enough than staying. To hold someone in memory like a time capsule... to keep someone in your mind even when you are no longer by each other’s side.