Kabanata 6

3340 Words
Relentlessly I “Taga-Maynila ka pala... Ilang taon ka na ba?” tanong ni Ate Aly nang kami na lang ang naiwan sa sala. Natutulog na ang dalawang bata at si Tamsiah. Sina Nay Issa at Ate Aly na lang ang nandito. Kanina pa ako nagpipilit na tumulong sa pagliligpit pero hindi nila ako pinayagan. Sa halip, pinaupo nila ako sa sala at pinagpahinga. I’m just glad they didn’t bring up what happened earlier, o kahit magtanong ay hindi nila ginawa. Nakakahiya lang! Mas gugustuhin ko pang magpatay-malisya kaysa pag-usapang binalak kong tumakas at dumaan sa bintanang ‘yon. Pagod pa ang buong katawan ko at kumikirot ang mga sugat. Hindi ko alam kung gaano katagal kong iindahin ang mga ‘yon. “Twenty-three po,” sagot ko sa tanong ni Ate Aly at humigop sa mainit na kapeng binigay nila. Lumingon sa akin si Ate Aly habang si Nay Issa ay abala sa paggagantsilyo. Pinahihinto na siya ni Ate Aly pero tatapusin niya raw ang ginagawang bag. “Batang-bata!” Ngumiti si Ate Aly at nagpunas ng mga kamay mula sa paghuhugas ng mga plato. Umupo siya sa tapat ko at humigop sa kaniyang kape bago nagtanong. “Nasaan ang pamilya mo ngayon, Lauren?” Umiling ako. That’s the least thing I want them to know. Hindi na mahalagang sabihin ko pa sa kanila ang bagay na ‘yon dahil aalis din naman agad ako rito at hindi magtatagal. “Wala ka nang pamilya?” “Hindi ko po alam kung nasaan sila ngayon.” “Saang lugar ba ang dapat na tungo mo?” “Sa... sa Santander po.” Malalim akong huminga. “Isang kakilala po ng kaibigan.” “Iniisip ko kung paano ka namin matutulungang makabalik sa inyo o makapunta sa kailangan mong puntahan.” “H-Hindi po...” Umiling agad ako. Nakaramdam agad ako ng guilt at hiya na kailangan pa nilang intindihin ang bagay na iyon. “What you’ve done to help me is more than enough. Malaking bagay po ang tulong n’yo,” puno ng sinseridad na sabi ko. “At ang pagligtas sa akin ni Seatiel... it means so much to me.” Kung hindi niya ako niligtas nang gabing ‘yon, I will die in my kidnappers’ arms. I will die in pain... in hopelessness, or maybe, if he didn’t stop the car, I would’ve ended my own life that night. “Akala ko po, mamamatay ako nang gabing ‘yon. Buong akala ko ay katapusan ko na at hindi ko inaasahang magigising pa ako.” Tahimik ang buong sala, nakikinig lang sina Ate Aly at Nay Issa habang may bahid ng awang nakatingin sa ‘kin. I sighed, and sipped on my coffee again. Tinago ko ang panginginig ng mga kamay ko. “Kaya salamat po sa pagpapatuloy n’yo... tinuturing ko itong pangalawang buhay.” Lumapit si Ate Aly at niyakap ako. Hindi ko ‘yon inaasahan pero napangiti ako sa ginawa niya. Hindi ko tuloy maiwasang magkumpara. Dahil kung si Mommy ito, she will surely scold me for what happened. Buong gabi ay wala akong magawa kundi ang tumitig sa kisame. Patay na ang ilaw at tanging lampara ang nagbibigay liwanag. Walang aircon o kung ano pa mang marangyang bagay pero kakaiba ang lamig, natural at nakakagaan sa pakiramdam. Hinayaan kong bahagyang nakabukas ang bintana kung saan nagmumula ang preskong hangin. Wala nang ulan. May kaunting bituin sa langit hindi gaya ng nagdaang gabi. Ayaw akong patulugin ng sakit. Sa bawat pagpikit ko, para akong naglalaro at hinahanap kung aling parte ang mas makirot. At tama nga si Seatiel. After knowing I have all of these wounds, naisipan ko pang tumakas. At kung sino bang matinong tao ang dadaan sa bintana mula sa pangalawang palapag. Gusto kong matawa sa sariling katangahan at kahihiyan. Parang hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong hiya sa buong buhay ko. Pinikit ko ang mga mata at tumagilid. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isipan ko si Seatiel. Hindi ko matatangging gwapo ang isang ‘yon. I didn’t know that a country boy could look that handsome! He’s good-looking. Mahihiya ang mga kakilala kong lalaking taga-Maynila kapag itinabi sa kaniya. He will make a good public figure because of his looks and appeal. Natigilan ako sa mga naisip at napamulat ng mga mata. Mahina kong tinapik ang sariling pisngi. Why am I thinking about these things? “Ngayon naman, sinasaktan mo ang sarili mo?” Gulat akong napatingin sa pinto nang may magsalita roon at napabalikwas sa kama. Nakita kong si Seatiel ang pumasok. “K-Kanina ka pa ba diyan?” tanong ko at napaupo sa kama. Hindi ito sumagot at humakbang palapit. May dala siyang lagayan at gamit panggamot. Napalunok ako at hinayaan siyang lumapit. Sumunod sa kaniya ang tingin ko nang may kunin siya sa mesang nasa kabilang bahagi ng kwarto. Natanaw ko ang malapad niyang likod habang nagbubukas ng medicine kit. Napatikhim ako at nag-iwas ng tingin nang bigla siyang humarap. Umupo siya sa tapat ko. “Nakapagpahinga ka ba?” tanong niya at sumulyap sa mga braso at kamay ko. “May I?” Nanatili ang tingin ko sa kaniya habang inaabot ang kamay ko. Hinawakan niya iyon habang tutok ang mga mata rito. Hindi ko magawang tumingin sa kamay kong tinitingnan niya. Napaiwas lang ako nang ilipat niya ang tingin sa akin, siguro ay naramdaman ang paninitig ko sa kaniya. Tumingin na lang ako sa kamay ko kahit na ramdam ko ang kaniyang tingin sa akin. It lasted for seconds. Binalik niya rin ang atensyon sa kamay ko. Mahina akong napatikhim. Huwag niyang sabihing... N-Naaalala niya ang nakita niya kanina? Hindi siya nagsalita at nagsimulang palitan ang benda sa kamay ko. Marahan ang bawat galaw niya at maingat. Malalim na yata ang gabi, ah. Bakit hindi pa siya natutulog? “What’s your name?” bigla ay tanong niya kaya napabalik ako sa sarili. Nasabi ko na iyon kanina sa hapag... “Lauren...” sambit ko na lang. “Really?” Nagkatinginan kami. Bahagya naman akong kinabahan dahil parang hindi siya naniniwala. He was looking at me intently. “Y-Yeah. Why?” Tumango na lang siya at dinampian ng bulak ang palad ko. Napadaing ako sa sakit. “Seatiel,” banggit niya sa kaniyang pangalan, no trace of friendliness. Seryoso lang siya sa ginagawa. Tumango na lang ako. “May tinawagan akong doktor para magpunta rito bukas nang umaga at tingnan ka ulit.” Hindi ako sumagot agad kaya natahimik kami. “Hindi mo ba itatanong kung anong nangyari... nang gabing ‘yon?” hindi namamalayang tanong ko pagtapos ng ilang saglit na katahimikan. Tumigil si Seatiel dahil sa sinabi ko. Seryoso ang mga mata niya kahit puno ‘yon ng pagkamangha. “Gusto mong sabihin?” His voice is gentle. Napakurap ako at unti-unti ay napababa ng tingin. Sa tingin ko ay hindi ko pa kayang balikan ang sandaling ‘yon. Masiyado pang sariwa sa isipan ko ang nangyari. Hindi siya nagsalita at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Tahimik na kami buong sandaling pinapalitan niya ng benda ang kamay at paa ko, at ginagamot ang ilang sugat. May pinainom din siyang gamot sa ‘kin at sinabing makakatulong ‘yon para maibsan ang sakit mula sa mga sugat. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nililigpit niya ang mga ginamit. Nakaupo ako sa higaan at malalim ang iniisip. Hindi ko kayang sabihin ang nangyari. Natatakot akong mahusgahan kahit hindi ko naman kasalanan. “Magpahinga ka. Nasa baba ako kung may kailangan ka.” Muling napaangat ang tingin ko kay Seatiel nang tumayo siya at tinungo ang pintuan para lumabas pero ilang hakbang mula sa pintuan... tumigil siya at nilingon akong nakaupo sa kama. Matagal kaming nagkatinginan. Doon ko napansin ang ganda ng mga mata niya kahit ang tanging liwanag sa buong kwarto ay ang galing sa lampara. The yellowish light reflected on his eyes perfectly. “Lauren,” tawag niya. Lumingon ako at hinintay ang kaniyang sasabihin pero nakatingin lang siya sa ‘kin. “Good night.” Matapos sabihin iyon ay dumiretso na siya palabas at naiwan akong mag-isa. Kinabukasan ay maaga akong nagising sa nakasanayan ko pero hindi ko alam na sadyang maaga pala talagang gumigising ang mga tao rito sa probinsiya. Bumaba ako sa sala habang nililingon ang paligid pero hindi ko makita sina Ate Aly at Nay Issa at maging si Tamsiah, at kahit iyong dalawang bata. Tahimik ang buong bahay. Nagtungo ako sa pinto sa kusina na patungo yata sa likod ng bahay. Sumilip ako roon pero wala ring tao. Nasaan ba sila? Nasa kwarto kaya sa itaas? Natutulog pa? “You’re awake,” biglang sabi ng isang boses kaya napalingon ako. Mula sa pinto ay pumasok si Seatiel na nagpupunas ng mga kamay. He’s wearing a plain white t-shirt. Medyo marumi na iyon at mukhang kanina pa siya gising. His hair is also slightly messy. Saan kaya siya galing? Alas-siyete pa lang ng umaga... Tumikhim ako at hinarap siya. Nahiya ako sa sarili dahil hindi pa ako naliligo. Hindi ko rin alam kung kaya ko bang maligo. Nag-spray na lang ako ng nakita kong perfume sa kwarto, but at least... I combed my hair. “N-Nasaan sila?” tanong ko. Tumingin siya sa ‘kin mula sa paglalapag ng ilang plastik sa mesa. “Palengke. Ang dalawang bata ay nasa eskwelahan.” Tumango ako at tiningnan ang mga dala niyang mga prutas pala. Pumunta siya sa sink para maghugas ng mga kamay at uminom ng tubig habang hindi ko naman mapigilang mapasunod ng tingin. Napansin ko na pawisan siya at mukhang galing sa labas. “Si... T-Tamsiah?” tanong ko dahil kahit ito ay mukhang wala. “College dormitory. Sa bayan.” “Oh,” manghang sabi ko at tumango. Naupo ako sa hinila niyang upuan sa mesa. “Kumain ka na. Ano ang gusto mo?” tanong niya habang nagbubukas sa maliit na fridge. Surprisingly, meron sila. “K-Kape na lang,” sagot ko para hindi na siya mag-abala pang magluto. Nakakahiya naman kung paglulutuan niya pa ako ng agahan kung tapos na siyang kumain. “Kailangan mong kumain. You won’t get any better if you don’t eat.” “Ah... kung gano’n, ako na lang ang magluluto,” saad ko at tumayo. Tiniis ko ang mga sugat sa biglaan kong paggalaw. Lumapit ako sa sink at nakisilip sa mga rekadong nasa fridge. Mukhang nahalata niya ang pag-inda ko sa mga sugat dahil nakatingin siya sa ‘kin. Hindi ako marunong magluto pero kaya ko namang magprito o iyong merong sabaw. “Ako ang magluluto. Umupo ka riyan,” tanging sabi niya na ikinahinto ko. Lumayo siya nang kaunti nang magkalapit kami. Napatingin ako sa kaniyang medyo narumihang t-shirt, sa pawis niyang leeg, at doon sa mga prutas na mukhang bagong pitas pero ang bango pa rin niyang tingnan. “Nakakahiya naman. A-Ako na. Marunong akong magluto.” “Hindi ko sinabing hindi,” pilosopong sagot niya. Napakagat ako sa labi nang medyo lumayo na naman siya at parang sinisilaban ang mga tenga ko sa hiya. Ayaw niya ba akong lumapit dahil... hindi pa ako naliligo? Do I smell right now?! Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Sinubukan kong amuy-amuyin ang sarili pero wala pa naman akong naaamoy. O baka naman ay nasanay na ako sa amoy ko nitong mga nakaraan na akala ko ay normal na lang ito... pero ang totoo ay nangangamoy na ako dahil hindi pa ako naliligo! Tumikhim ako at pinagkrus ang mga braso, pasimpleng niyakap ang sarili. Nilingon ako ni Seatiel at napatigil ang mga mata sa ‘kin. “Pawis ako, galing sa labas, pasensya na...” napapaiwas ng tingin niyang sinabi sabay balik doon sa ginagawa. Napaawang ang labi ko. Kaya ba umiiwas siya? Ang bango niya nga... at ‘di ko alam na pwedeng maging ganiyan kagwapo sa simpleng damit. Maganda kasi ang pangangatawan niya. Hmm, fairly speaking, he has a body of a model... Tumingin ulit siya sa akin kaya bumalik na ako sa mesa at hinayaan na siya sa kagustuhang magluto. Panay ang buntonghininga ko dahil may gusto akong sabihin sa kaniya na hindi ko magawa dahil sa hiya. Sa huli ay mukhang napansin niya ‘yon kaya naman tumingin siya sa ‘kin. “May masakit ba sa ‘yo? Alas-diyes pa ang dating ng doktor pero pwede kitang dalhin sa hospital.” Mabilis akong umiling sa sinabi niya. Hospital! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin nang hindi pinamumulahan sa hiya! “Ah, hindi...” Hinihintay niya ang sasabihin ko. “Gusto ko sanang maligo. P-Pwede ba?” tanong ko na bahagyang ikinatagal ng tingin niya sa ‘kin bago napaiwas at pinatay ang kalan. I bit my lip when he didn’t answer. Hindi ko alam kung mali ba ang pagkakasabi ko o ano. “Kumain ka muna.” Iyon lang ang sinabi niya bago nilapag ang luto na palang pagkain, fried rice at omelette. Nagsalin din siya ng orange juice sa baso mula sa pitsel. Pagtapos ay inisang tingin niya ang mga sugat ko. “Maraming sugat ang katawan mo. Mahapdi iyan kung mababasa.” “A-Ayos lang. Medyo mainit na kasi ang pakiramdam ko.” “You can take a bath. Wala lang tutulong sa loob ng banyo dahil wala ni isang nandito,” sabi ni Seatiel at kumagat sa mansanas na hinuhugasan niya. His perfectly white teeth and red lips showed. “Kung gusto mo ay mamayang tanghali na lang... kapag uwi ni Aly.” “Ah, h-hindi na. Kaya kong maligo mag-isa,” tanggi ko dahil nakakahiya kung pati sa pagligo ay aabalahin ko sila. Hindi na sumagot si Seatiel at hinayaan ako. Binilisan ko na lang ang pagkain para makaligo na habang kinukuhanan niya ako ng masusuot. Susubukan kong gumawa ng gawaing bahay habang wala ang mga tao rito pagtapos kong maligo. Maybe in that way, I could help them. Ayaw ko namang maging pabigat sa kanila. Ang sabi nina Ate Aly at Nay Issa ay manatili raw muna ako rito hangga’t hindi gumagaling ang mga sugat ko. And then I can go. Ang problema ko ay kung saan ako kukuha ng pera papuntang Santander gayong kahit sentimo ay walang natira sa ‘kin. “Wear this. May mga itinabing damit si Aly.” Inabot ni Seatiel ang isang simpleng bestida na light blue ang kulay. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Lacey dress ito at spaghetti strap. Siguro para hindi matakpan ang mga sugat at mas mabilis maghilom. Mas mabilis ding magagamot. “Salamat dito,” saad ko kay Seatiel pero kalaunan ay medyo napatigil din ako nang may mapagtanto habang tinitingnan ang dress. Nagkatinginan kami ni Seatiel na mukhang parehas ang sumagi sa isipan. Tumikhim na lang ako para maalis ang awkwardness at mahigpit na napahawak sa bestida. I don’t have any underwear. Wala akong masusuot na panty! “A-Ako na ang bahala. Salamat,” kaswal na sabi ko kay Seatiel at bumalik sa pagkain. Hinintay ko siyang mawala sa kusina para makapag-isip ako, na ginawa niya naman at walang sabing lumabas ng bahay. Nang mawala siya ay saka lang ako nakahinga nang maayos. Goodness, this is awkward! Anong gagawin ko? Sana pala ay nakinig na lang ako sa kaniya o kaya ay mamaya na lang ako maliligo kapag dumating sina Ate Aly at Nay Issa, hindi iyong si Seatiel pa ang kasama kong mamroblema kung ano ang susuoting underwear! Wala akong naisip na solusyon kahit medyo matagal siya sa labas. Nagulat na lang ako nang muling pumasok si Seatiel sa loob ng bahay at may dalang paperbag. Nangunot ang noo ko at nagtatakang tiningnan ang kaniyang dala. “Use this. May nautusan na akong bumili kahapon pa,” tanging sabi niya. Tinanggap ko naman iyong paperbag at sinundan siya ng tingin nang magtungo siya sa sink at nagpatuloy sa paghuhugas ng mga prutas. Sinilip ko ang paperbag at halos mahulog ang kanin sa bibig ko nang makita ang laman nito. Mabilis akong napatayo sa kinauupuan at dali-daling nilunok ang pagkain. Hindi ako makatingin sa kaniya! Did he seriously... Bra, panties, at slip shorts?! Bagong-bago nga at may price tags! Mabilis kong dinampot ang dress at ang tuwalyang binigay niya kanina at pumasok sa banyo. “Kalma, Isla...” bulong ko at sinubukang balewalain ang lahat ng ‘yon. Nagsimula na akong maligo. Ang banyo nila ay nasa kusina lang din. Walang shower at tanging timba at gripo ang meron. Kumpleto naman ang mga sabon at mga nakaboteng shampoo. Tumingala ako sa pader ng banyo at naghanap ng nakakabit na shower pero wala yata talaga. Nagkibit-balikat ako at nilagay ang mga damit na susuotin ko sa hanger at sinabit ‘yon sa sampayan bago binuksan ang gripo at pinuno ng tubig ang balde. Napatitig ako rito nang mapuno na. Ibubuhos ko ba ‘yon nang buo? But it’s heavy... Hinubad ko ang suot at tanging naiwan ang suot kong bra na akin. Napangiti ako nang makitang ang paborito kong Victoria’s Secret ang suot kong bra. Iba lang ang suot kong damit noong magising. Siguro dahil narumihan at nasira na ang dress na suot ko nang gabing ‘yon at binihisan ako. Ang sabi ni Seatiel ay dinala niya ako sa isang manggagamot sa kabilang isla bago dinala rito sa La Esperanza. Kinuha ko ang paperbag at muling tiningnan. My face is still burning. Nagsimula na akong sumalok ng tubig sa balde gamit ang kamay at binasa ang dibdib. Binasa ko rin ang buhok ko pero hindi sapat ‘yon, kahit nang dalawang palad ang ginamit ko. Hindi ko naman mabuhat ang balde dahil mabigat. Siguro ay dapat hindi ko pinuno ng tubig? Nang hindi matiis ay kinuha ko ang tuwalya at tinakip sa katawan. Binuksan ko ang pinto at sinilip ang paligid. Naroon pa rin si Seatiel, naghihiwa na siya ngayon ng mga prutas na hinuhugasahan niya kanina. “Hello...” I called. Nilingon niya ako at napatigil sa ginagawa nang makita ang ayos ko. Iniwas niya ang tingin at salubong ang mga kilay na nagsalita. “Yeah? What is it?” Napakamot ako sa ulo. “Itatanong ko lang sana kung... may mas maliit na balde?” Napabalik ang tingin niya. “Puno kasi ng tubig itong malaki... sinubukan kong buhatin pero hindi ko kaya. I was wondering if I should just fill it half so I could lift it?” “Hindi ko maintindihan, Lauren,” kunot-noong aniya sabay tigil sa ginagawa. “Bakit mo bubuhatin ang balde?” “H-Huh?” Ngayon naman ay siya ang ‘di ko maintindihan. Kung hindi ko iyon bubuhatin, paano ako makakaligo?! He heaved a sigh at dire-diretsong naglakad sa direksyon ko. “Takpan mo ang katawan mo. Papasok ako,” sabi niya at pinasok ang banyo. Nanatili ako sa likod ng pinto at sinundan siya ng tingin. He looked at me, bago kinuha ang isang maliit na parang pansalok sa gilid. Hindi ko iyon napansin kanina. “Para saan iyan?” tanong ko. “Huwag mong sabihing hindi mo alam?” tanong niya na parang hindi makapaniwala sa ‘kin. “Tabo, Lauren. Tabo. Water dipper in English, if that’s how you would understand it.” Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. He sounded so sarcastic! Gusto kong depensahan ang sarili ko. Of course, I know tabo! Pero ang tanging alam kong tabo ay ‘yong nakikita ko sa labahan namin sa tuwing naglalaba sina Hera at ang mga maid! Wala naman kaming ganoon sa loob ng banyo... “O-Okay. Hindi ko alam na...” Hindi ko matuloy ang sasabihin ko kaya napabuntonghininga na lang ako habang hindi makatingin sa kaniya sa sobrang hiya. “Sige, m-maliligo na ako. Thanks.” Sana ay narito sina Nay Issa. Nakakahiya! Lumapit ako roon at hinintay siyang lumabas pero ni hindi gumalaw si Seatiel sa kinatatayuan. Sa halip, kinuha niya na lang ang tabo. “Mahihirapan kang maligo mag-isa,” seryosong sabi niya na nakapagpatigil sa ‘kin at halos manlaki ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin? Sasamahan niya ako rito sa banyo?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD