Relentlessly I
Nilingon ko si Seatiel na tulog na tulog sa tabi ko habang ako ay pilit na pinapadalaw ang antok. Malalim akong huminga at pinigilan ang pagngingitngit ng mga ngipin ko. Gusto ko siyang palayasin dahil sa ginawa niya, but seeing him sleeping peacefully beside me is... something.
Masama ko siyang tinitigan habang natutulog siya, ini-imagine na sinasakal siya hanggang sa mawalan siya ng hangin pero sa huli ay napabuntonghininga na lang din ako at patagilid na hinarap si Seatiel, tanging ang puting kumot ang tumatabon sa aming mga katawan.
Napalunok ako sa naramdamang pagbabara ng kung ano sa lalamunan ko habang pinagmamasdan si Seatiel.
“I’m in love with someone else, Papa...”
Pero posible nga ba talaga iyon? Ang mahalin ang isang tao sa maikling panahon?
I am not even sure if I love him, or if I am just infatuated, dahil alam ko na magkaiba ang dalawang bagay na iyon. Love is just a strong word... too strong for the human hearts and mind...
Sa dami ng mga naglalaro sa isip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na rin ako sa tabi niya lalo pa’t naramdaman ko rin ang paghila sa akin ni Seatiel at binalot ako sa kaniyang bisig. Nang magising kinaumagahan at maalala ang nangyari ay napabangon agad ako at napabalikwas sa kama. Ininda ko ang pagkirot ng aking ulo at tiningnan ang buong kwarto, only to find Seatiel in the kitchen that made my heart skipped.
Doon sa countertop ay may nakahanda nang pagkain. Mukhang may niluluto pa siya dahil may nakasalang pa sa lutuan habang tutok ang mga mata niya sa isang laptop na nakapatong sa countertop. Nakatukod ang isa niyang kamay at ang isa’y pumipindot sa touchpad ng laptop na... saan niya naman ‘yon nakuha?
Kumurap ako at hindi maiwasang pagmasdan siya. Gusto ko ring kusutin ang mga mata ko dahil baka naman ay nananaginip ako!
Wala siyang suot na pang-itaas at tanging pantalon lang at wala pang sinturon, habang seryoso siya sa kaharap na monitor. Sa kaniyang tabi ay isang mainit na kape na noong binaba niya ay saka niya napansing gising na ako.
Nagtama ang paningin namin. Napalunok ako at ramdam ang matinding pagwawala ng aking puso. Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko sa tingin niya kaya inangat ko pa lalo ang kumot na tumatabon sa akin. Tingin niya ba ay nakalimutan ko na ang ginawa niya kagabi?
He licked his lower lip. Namungay sandali ang kaniyang mga mata at may tinatagong ngisi sa mga labi. Pilit siyang sumeseryoso at nagsusungit-sungitan...
“Kumain ka na ng agahan. I’m sure you’re hungry...”
Hindi ko inaasahang nandito pa siya paggising ko. Akala ko ay gagantihan niya ako gaya ng ginawa ko at aalis nang walang paalam. Sumagi pa nga sa isip ko kagabi na baka kaya lang siya nagpunta rito ay para ibalik sa ‘kin ang nagawa ko at pagkatapos ay saka siya tuluyang aalis at hahayaan ako.
“A-Anong... ginagawa mo?” Hindi ko mapigilang ma-curious kung anong mayroon doon sa kaniyang laptop.
Inabot ni Seatiel ang stove at pinatay ang apoy. Kinuha niya ang niluluto roon. Ako naman ay nakabalot lamang sa kumot.
“Just answering some emails.”
“Oh,” I commented.
Emails? Ano naman kaya ang mga email na ‘yon?
Tumayo na ako para maghanap ng masusuot. Nag-iinit ang mukha ko at nahihiya na kumot lang ang tanging nagtatakip sa katawan ko lalo pa’t sumunod ang kaniyang tingin sa akin!
Isang puting dress ang nahagilap ko. Iyon na lang ang aking sinuot at tumalikod na lamang sa kaniya. Naghanap na rin ako ng underwear at pakiramdam ko ay sunod na ang mukha ko lalo pa’t kahit itapal ko ang kumot sa aking katawan ay nahuhulog iyon!
Nagkatinginan kami nang muli akong pumihit. Naabutan ko siyang titig na titig at nakatingin sa katawan ko. His dark, piercing eyes made me gasp slightly. Inangat ni Seatiel ang tingin sa akin, only to drop his eyes to my dress again.
Nag-angat ako ng kilay. Nag-iwas siya ng tingin at naiiling na ngumiti.
Noong naupo sa hapag, ramdam ko pa rin ang kaniyang sumusunod na tingin. Kung paano niya iyon naisasabay sa kaniyang pinagkakaabalahan sa laptop ay hindi ko alam. Hindi ko rin naman mapigilang makaramdam ng saya lalo pa noong natikman ang luto niya at nasarapan doon.
Ang gaan-gaan ng dibdib ko sa bawat pagsubo. Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa kaniya, and our eyes will always find their way to each other.
Muling napaangat ang tingin ko sa kaniya nang isara niya ang laptop at naupo sa aking tapat. Gustuhin ko mang umismid dahil sa nangyari kagabi, hindi ko na rin magawa lalo pa’t nahahatak niya ang aking atensyon.
I don’t know how could it be possible... but I feel happy.
Ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon kaysa sa mga nagdaang araw. Hindi ko maipaliwanag. I feel at ease. I feel... hopeful. Para bang may mga kakayanin akong gawin na hindi ko alam na kaya ko pala. That’s how I feel...
Tinabi ni Seatiel ang mainit ding gatas sa aking gilid. Ni hindi ko na iyon napansin kanina. Pagtapos ay nagsalita siya.
“Aalis ako ngayong umaga. May pupuntahan lang. May gagawin ka ba?” tanong niya nang ikinatigil ko sa pagkain.
“W-Wala naman... saan ka pupunta?”
“Kung ganoon ay huwag ka na munang umalis. May aasikasuhin lang ako. I’ll be back in the afternoon. Bago dumilim.”
Huh? A-Aalis siya?
Tumango na lang ako kahit nakaramdam ng lungkot. Naisip ko rin tuloy na paano nga kung gagantihan niya talaga ako?
“Okay. B-Babalik ka?”
Tumango si Seatiel. Ang isang kamay niya’y tinukod niya sa mesa at ang isa ay sa sandalan ng upuan ko kaya nakulong ako sa pagitan ng mga braso niya. Niyuko niya ako at hinalikan sa labi na ikinagulat ko kaya hindi agad ako nakatugon. Ngunit kalaunan, napapikit din at tinanggap ang halik.
He kissed me tenderly. At noong bumitaw, nasundan ko pa ng tingin ang kaniyang mga labi habang hinabol ang sariling paghinga. Napaangat ang tingin ko kay Seatiel na hinawakan ang aking baba at hinaplos ang labi ko. Nagtama ang paningin namin. His eyes filled with longing and sincerity.
“Magkita tayo mamaya. I’ll send someone here to help you.”
Saan ba talaga siya pupunta?
Hindi na ako nangahas na magtanong dahil kung gusto niyang sabihin, sasabihin at sasabihin niya kahit hindi ko tanungin. The fact that Seatiel didn’t answer it at first, ibig sabihin ay hindi niya gustong ipaalam ngayon.
Gusto kong magtampo. Ang aga niyang umalis... ni hindi niya sinasabi kung saan siya pupunta.
Sabay na kaming naligo nang matapos akong kumain. Pagtapos niyon ay umalis na rin siya at iniwan ang laptop para daw may mapaglibangan ako. Sabi ni Seatiel ay may ipapadala siya rito mamaya para tumulong sa akin sa pagliligpit.
Hindi ko alam kung bakit, pero sumunod na lang din ako. Parang may nagdiriwang pa sa aking dibdib kahit hindi ako mapakali noong tiningnan ang mga gamit ko, naiisip kung bakit kukunin na ang mga iyon.
Naupo ako sa kama at in-open ang laptop. Hindi ko alam kung bago ba ito o ano lalo pa’t hindi ko na rin naman gustong masiyadong usisahin dahil manonood lang naman ako o kaya maglalaro para malibang at magpalipas ng oras.
Ang lockscreen niya ay isang view mula sa upper deck ng isang barko. Malinaw ang camera at kuha ang magandang alon ng dagat at ang sunset. It was devastatingly beautiful!
Nangingiti tuloy ako. He has a taste!
At nakalimutan kong marine engineer nga pala si Seatiel... bakit nga kaya siya bumaba sa barko? Doesn’t he like it anymore?
Noong tiningnan ko ang papel para ilagay ang kaniyang password, hindi ko maiwasang pamulahan nang makitang birthday ko iyon!
It was 0523. Akala ko ay biro lang kaya noong na-unlock talaga ay hindi ko maiwasang magulat nang kaunti. Namula ang pisngi ko. Bakit gagamitin ni Seatiel ang birthday ko bilang password?! At paano niya iyon nalaman?! Sinabi kaya nila Margaret?
Dumiretso na agad ako sa browser para makapaghanap ng papanoorin, even when I was tempted to check some photos. Nakahanap naman ako ng mapapanood, iyon nga lang ay hindi ko mapigilang tumingin-tingin sa file folder. Gusto ko lang makakita ng ilang pictures niya. It took me so long before I decided to finally click it, at ganoon na lang ang pagbagsak ng mga balikat ko noong nakitang wala rin palang gaanong laman!
It was just another picture of the sea. Isinabuhay niya na yata ang pangalan niya.
I giggled to myself when I thought of something. Dahil medyo nabo-bored na rin sa pinapanood, naisipan kong mag-picture na lang doon sa laptop. Huli ko nang naisip na baka may ibang nakakagamit doon, pero ayos lang dahil mukha ko lang naman!
I had fun. Hindi ko naman ito ginagawang madalas pero ngayon ay naaliw ako roon. Patapos pa lang ako sa pinapanood noong biglang may pumasok na notification mula sa nakabukas na email app. Noong una ay nagdalawang-isip pa ako kung titingnan ko pero dahil baka importante, naisipan kong tingnan kung ano iyon.
I saw a name, at isang icon ng babae. Napakurap ako at dahil sa kuryosidad, nagawa kong buksan para mas makita.
It was from a woman named Trieu...
Hindi ko namalayang tiningnan ko na rin ang kanilang usapan, ang palitan ng maiikling emails.
Trieu Allaena Guevarra
I feel stupid answering you through emails. Can’t we just video call?
Parang may kung anong bumalot sa dibdib ko nang mabasa iyon. Huh? Who is this girl? Bakit sa email niya kinakausap? At hindi na lang tumawag? At sino ba ito para video call pa?
Seatiel Del Fuego
I’ll go there. We will talk.
Trieu Allaena Guevarra
Fine. I miss you...
Mabilis ang paghingang pinakawalan ko at agad na sinara ang laptop. Hindi ko na inabala ang sarili na basahin ang nasa itaas pa! Namalayan ko na lang ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.
W-What was that? Sino si Trieu?
Nawalan ako ng gana na manood pa. Nagtalukbong na lang ako ng kumot at nakatulugan ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko sa luha. I stalked that Trieu Allaena. Nakita ko ang pictures niya sa isang five-star hotel dito sa Manila, na taga-rito lang din siya sa Manila!
Kung ganoon ay may kakilala si Seatiel dito. Nakalimutan kong dito pala siya nag-aral ng kolehiyo. Siguro ay ex niya iyon o may kung anumang namagitan sa kanilang dalawa.
Nang magising ako ay namumula ang mga mata ko. Mabuti na lamang at hindi namamaga dahil naunahan ako ng tulog kaysa sa tuluyang pag-iyak. Nagising ako nang may kumakatok sa pinto.
Isang babae ang bumungad sa akin nang pagbuksan ko iyon, ang sinasabi ni Seatiel na kinuha niyang tutulong sa akin. Nagtaka pa ako noong may dala rin itong mga damit at pang-ayos para hindi na rin ako mahirapan. Hindi ko alam kung para saan iyon!
Ang sabi lang nito, may lakad daw kami ni Seatiel.
Pinili ko ang isang puting dress na hanggang mga hita ko ang haba. Mahaba ang mga manggas nito. Natatakpan ang dibdib pero may pagka-backless! Nilugay ko na lang ang buhok ko para kahit papaano ay matakpan ang aking likod.
Iniisip ko man kung saan kami ni Seatiel, hindi ko pa rin mapigilang isipin ang nakita sa kaniyang laptop. Dahil doon ay hindi ko maiwasang maging matamlay. Naisip ko ngang umalis na lang at magpunta kay Louisiana, kaya lang tuwing naiisip ko na susuwayin ko na naman si Seatiel, hindi ko rin gusto ang ideya.
Tuloy nang dumating siya ay hindi ako nagsasalita. Binalik ko sa ayos ang laptop niya.
Napansin kong iba na naman ang sasakyang dala niya noong bumalik. May kotse rin siya rito sa Maynila... gaano ba siya kayaman? Nang makaharap ko siya habang pinagbubuksan niya ako ng pinto ay panay ang paninitig niya sa ‘kin. Light make up lang ang nilagay ko at tinapalan ng pink lip gloss ang labi.
“Lauren... are you alright?” tanong niya dahil tahimik ako.
Tumango lang ako nang hindi siya tinitingnan. Kahit nasa kotse na kami, hindi ako umiimik. Mabilis ang pagpapatakbo niya. Normal na lang ang traffic sa Metro Manila kaya halos alas-siyete na kami nakarating sa kung saan ba kami pupunta.
Huminto kami sa isang five-star luxury hotel sa Makati. Napalingon ako kay Seatiel at hindi ko malaman kung pamumulahan ako ng mukha o kukumprontahin siya.
“Bakit nandito tayo?” tanong ko.
Narinig ko ang mahinang tawa kay Seatiel habang patuloy sa pagmamaneho. Kabisadong-kabisado kung saan ililiko para makapag-park. Halos mag-init ang ulo ko. Para kasing sanay na sanay siya pumunta rito!
“Kailan pa naging marumi ang isip mo, Lauren? Dinala lang kita rito para mag-dinner...”
“Just a dinner in a luxury hotel? Who are you trying to fool, Seatiel?”
Ayaw kong maniwala sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit dito kami pumunta! Kaya humalukipkip ako pero hinawakan niya lang ang kamay ko.
Iyon nga lang, totoo ang sinabi niya, sa restaurant ng hotel kami tumuloy! It felt so different... marami na akong napuntahang hotel. Lumaki ako sa sentro kaya sanay pero ngayon, pakiramdam ko lahat ay bago at may kahulugan. Na noon naman ay hindi ko napapansin.
Is it because I’m with Seatiel?
Ganito rin ang naramdaman ko sa La Esperanza, but of course, that place is still the most like home I’ve ever been in. La Esperanza means Seatiel Del Fuego. Kaya ngayong kasama ko siya rito sa Maynila, pakiramdam ko... lahat ng lugar na inaapakan ko’y minamarkahan niya.
Iginiya kami patungo sa isang reserved table. The whole place felt so alive. It was so elegant, and timeless. Ang bawat detalye ng hotel ay nakakamangha. Hindi ko tuloy mapigilan ang tuwang sumisibol sa aking dibdib.
Naupo na kami pero ayaw ko pa ring ipahalata sa kaniya ang nararamdaman ko ngayon. I feel ecstatic.
“Bakit mo ako dinala rito?” tanong ko.
“I wanted to take you to a nice dinner, Lauren. Hindi ko alam kung anong lugar ang gusto mo. Pinili ko ang tingin kong magugustuhan mo,” saad ni Seatiel na hindi natitinag sa panonood sa akin. My chest heaved, with overflowing emotions!
Napakurap ako at hindi alam kung bakit ganoon ang pagwawala ng dibdib ko. At kailan ka pa naging materialistic nang ganito, Isla?
It wasn’t the place. Not The Peninsula Manila! It was his thought... his effort... at na naisip niyang sa mga hotel dito sa Makati ay ito ang magugustuhan ko.
“But, Seatiel... h-hindi naman kailangang dito talaga. Uh, marami pang hotel dito sa Manila—”
“Just have dinner with me?” may lambing niyang sinabi na ikinagat ko na lamang sa aking labi ngunit hindi pa rin mawawala ang nakakaliyong kabog sa aking dibdib.
Ang totoo, hindi na kailangan ang ganito. Yes, I missed eating in places like this, pero wala na rin naman sa akin kung hindi na ako makapunta ulit sa ganito.
Pinili ko ang pinakamura sa menu, but still, mahal pa rin iyon. Nagi-guilty ako. Kahit credit card ko, hindi ko nadala dahil hindi ko naman alam na sa ganito kami pupunta.
“Ako ang magbabayad, Lauren. Sit still and eat,” ani Seatiel. Napanguso na lamang ako.
I lived in luxury all my life. Maarte akong lumaki dahil sanay akong marangya ang lahat. Hindi kami sobrang yaman pero masasabi kong nabiyayaan ako ng pribilehiyo habang lumalaki... pero simula nang mapunta ako sa La Esperanza, natutunan ko na sobrang dami kong nasayang sa mga bagay na wala naman talagang kabuluhan. Nagamit ko sana ang mga ‘yon sa mas may katuturang mga bagay...
Matapos naming mag-dinner ay tinungo namin ang pool para magpahangin at mag-usap. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong punta sa ganitong lugar. Siguro ay noon pang kasama ko ang mga kaklase ko noong college.
I missed it, pero tuwing naiisip ko ang La Esperanza... mukhang walang lugar na papantay roon. I always feel alive when I’m there.
Kailanman, hindi ko pa naranasan ang ganoong koneksyon sa isang lugar. Siguro nga kung sakali man, hindi man kami ni Seatiel ang magkatuluyan, doon ko pa rin gustong tumira. Maybe I could buy a house or something... pagtapos ay doon na talaga ako!
Dito na rin pala kami tutuloy sa The Peninsula ngayong gabi. Dalawang araw kaming nanatili sa hotel dahil kinabukasan ay dumating ang mga kaibigan niya rito. His college friends... at isa roon ang Trieu Allaena na iyon.
Ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya, na nanliligaw siya sa ‘kin. Ang mga babae roon sa circle nila ay mainit ang pagtanggap sa ‘kin, except for that Trieu. Humalukipkip ito at nang tiningnan ako ay mula ulo hanggang pa that I couldn’t help but feel conscious...
Hindi ko naiwasang mahiya nang kaunti lalo pa’t madalas niya akong tinitingnan at tila inoobserbahan din.
“Hayaan mo iyang si Trieu, Lauren, ganiyan kasi ‘yan... hindi pa nakaka-move on!” hagikgik ng isang babae.
Tumingin ako roon sa Trieu. Who is she? Nilapitan niya si Seatiel sa tabi ng pool, mukhang niyaya itong makipag-usap habang ako ay kasama iyong ilang kaibigan nila rito sa kabilang side. Agad ang pagtingin ko sa dalawa. Naalala ko sa email na ipinadala nito na nami-miss niya si Seatiel..
“H-Hindi pa nakaka-move on? Anong i-ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Girlfriend iyan ni Seatiel noong college! Bago siya pumuntang La Esperanza. Hindi lang nakasama kasi may career ‘yan dito sa Manila kaya sila naghiwalay... sayang nga, eh! Akala pa naman namin magkakatuluyan! Don’t get me wrong, ah... base lang talaga ‘yon sa nangyayari dati. Kasi sobrang bagay sila noong college! Parang love team lang. Magkakabalikan na nga sana sila nito lang, eh, kaso naman may papakasalan na si Seatiel! Arranged marriage daw? Ikaw ba ‘yon?”
Nalipat ang tingin ko rito bago marahang umiling. Naninikip ang dibdib ko. At ayaw ko sa pakiramdam na iyon.
“Hindi...”
“Ah! Baka hindi natuloy...” sabi nito. Mukha namang nagsasabi siya nang totoo. Base na rin sa pakikipag-usap ni Trieu kay Seatiel.
Napalingon ako roon sa dalawa. Hindi ko maiwasang ma-insecure doon sa Trieu. Mas matanda siya sa akin, kaedad ni Seatiel, she’s matured than me... she’s taller, her body’s more matured than mine too. Baka ay ganoon ang type ni Seatiel? Not someone like me who can be childish most of the time, at walang paninindigan, I always run away from my problems and I never want to face them.
Akala ko masakit na ang kay Tamsiah, pero dito sa Trieu, parang doble pa yata...
“A-Aakyat na muna ako. Magpapahinga lang.” Nginitian ko ang college friends niya. Mababait silang lahat at maayos naman akong pinakitunguhan. Siguro ay ako lang talaga ang problema dahil na rin siguro sa aking iniisip.
Inisang tingin ko pa ang kinatatayuan nina Seatiel at Trieu, bago ako naglakad pabalik sana sa hotel room. Napatingin pa sa ‘kin si Seatiel pero nagtuloy-tuloy na ako. Ang bigat ng dibdib ko at gusto ko munang mag-isip. Kapag naroon kasi ako at nakikita ko sila ay kung ano-ano ang naiisip ko.
Wala pa silang ginagawa pero ganito na ako. Paano pa kung mag-usap talaga sila na natatanaw ko pa? Paano kung dikitan siya? Kung sabihin na magbalikan sila tutal hindi naman pala natuloy ang arranged marriage?
Umakyat ako sa hotel room namin. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Sinusubukan kong umintindi kaya lang malikot ang utak ko. Hindi ko mapigilang mag-isip.
Itutulog ko na lang siguro ito at hahayaan muna sila roon sa pool. Mas ayos na iyon. Tutal ay kailangan din nila ng bonding na magkakaibigan. Nagtungo ako sa bathtub para maligo nang makapagpalit na at makatulog. Napagod na rin ako ngayong umaga!
Nilubog ko ang sarili sa tubig at pinikit ang mga mata. Baka sakaling mahimasmasan ako at magising sa mga kahibangan. I feel so childish and immature right now!
Siguro ay dala ng pagod kaya mabilis akong hinila ng antok kahit nasa bathtub pa, pero bago pa nga ako makatulog ay bumukas na ang pinto ng bathroom. Ni hindi ko na narinig ang katok doon. Napaangat ang tingin ko nang niluwa ng pinto si Seatiel!
“Lauren,” tawag niyang sinundan ng malalim na buntonghininga.
Kumurap ako. I’m still naked! Medyo humupa pa ang mga bula kaya pinagkrus ko ang mga braso ko sa tapat ng dibdib!
“W-What are you doing? Naliligo ako, Seatiel... l-lumabas ka muna.”
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at marahas na bumuntonghininga, nasa mukhang naghahanap kanina pa. Tinukod niya ang isang palad sa gilid ng bathtub para maalalayan ako pero iwinaksi ko iyon.
“Gusto kong maligong mag-isa, Seatiel! Umalis ka na! Kung gusto mo ay magbibihis muna ako at saka ako lalabas!” giit ko.
“Get up,” mataman ang tinging utos niya.
“Bakit mo ba ako pinatatayo? I’m n-naked!” saad ko.
Nagulat ako nang imbes na sundin ang sinabi kong lumabas siya ay nagsimula siyang kalasin ang butones ng kaniyang pang-itaas. Nanlaki ang mga mata ko noong hinubad niya ang dami at bahagya akong napaangat mula sa tubig.
“A-Anong ginagawa mo, Seatiel?! Get out!” Hindi niya iyon pinansin. Instead, he settled himself inside the bathtub with me! “Seatiel, a-ano ba! Bumalik ka nga roon sa baba... b-bakit mo naman sila iniwan?!”
“Hindi mo sinabing dito mo gustong maligo.”
“S-Seatiel!”
Pahina na lamang nang pahina ang tawag ko, hindi talaga siya umalis. He settled himself behind me. Naglilikot ako dahil ayaw ko siyang makasama ngayon. Gusto kong mapag-isa!
Kinulong ako ni Seatiel sa pagitan ng kaniyang mga binti. Napagod na rin ako kakapiglas! Sa huli, dahil sa liit ng espasyo ay napasandal na lang din ako sa kaniyang dibdib kung saan ramdam ko ang malayang init ng kaniyang katawan.
Ngumuso ako at ang lakas pa rin ng kabog ng aking dibdib. Matagal kaming tahimik sa ganoong ayos. Napalunok ako nang maramdaman ang kaniyang mga braso sa balikat ko, ang mga binti niya sa aking magkabilang gilid.
“Pwede namang magsabay tayo. Iniwan mo na naman ako...” magaspang niyang bulong sa mahinang boses.
Binasa ni Seatiel ang kaniyang buhok. Ang basa niyang labi dahil sa tubig ay paulit-ulit na dumidikit sa likod ng ulo ko, sa tenga, leeg, at sa mga balikat ko habang ang kaniyang mga kamay ay unti-unting gumagapang patungo sa tiyan at dibdib ko sa ilalim ng tubig. Naghalo ang lamig ng tubig sa init ng palad niyang naghahatid ng kakaibang pakiramdam.
“S-Seatiel...”
“Hmm?” tila nalalasing na tanong niya. Hindi naman ako makasagot at pumikit na lang. “Bakit umalis kang bigla? Anong sinabi nila sa ‘yo?” marahan ngunit seryoso niyang tanong pero ang atensyon ko'y napunta sa ginagawa niya sa akin sa ilalim ng tubig.
“W-Wala...”
Mas dumiin ang halik ni Seatiel pababa sa leeg ko. Mas hinapit niya ang ibabang katawan ko palapit sa kaniya at ikinandong ako sa kaniyang gitna. Heat started taking all over my system again.
Naramdaman ko agad ang kaniya na inuupuan ko. I can feel his bulge on my buttocks! It’s hard now. Kung umaakyat lang ang t***k ng puso, tingin ko’y nasa nanunuyo ko nang lalamunan ang akin.
“Masama ba akong manliligaw kung sasabihin kong natutuwa ako kapag nagseselos ka?” Seatiel chuckled. “Pero sinisigurado ko sa ‘yo, Lauren, walang iba... ikaw lang."
Gusto kong panginigan sa mga narinig ko sa kaniya. Nakakapanghina. He really can take my breath away, and it’s too much. It’s electrifying.
“Pagbalik natin ng La Esperanza... sasagutin mo na ba ako?” Tunog nagbabaka sakali iyon pero idinaan niya sa may kasamang biro.
“B-Babalik ako roon?” Tila napamulat ako sa tanong niya.
Tumango si Seatiel at hinalikan ang labi ko nang harapin ko siya. Matagal kaming nakatitig sa isa’t isa hanggang sa bumaba ang kaniyang mapungay na mga mata sa labi ko. Napalunok ako at kasunod ay ang marahan ding pagtango, hindi mapigil ang tuwa sa sinabi niya... ibabalik niya ako roon.
He’s... oh.
“Okay, then... sa La Esperanza...” tanging nasambit ko.
Napangiti si Seatiel at muling hinalikan ang mga labi ko. Napapikit ako at sa isang malalim at mainit na paghinga'y nagsalita siya.
“Every part of me can’t get over you, Lauren. Hindi sasapat ang mga nangyari sa La Esperanza,” bulong niya at kinuha ang kamay ko mula sa ilalim ng tubig.
Napakurap ako at napatitig sa kaniya. Napakapit ako sa kaniyang hita at tila ba may sariling pag-iisip ang mga kamay na unti-unting umangat sa kaniyang matipunong dibdib at tiyan para damhin iyon sa aking mga daliri at palad. I was so close to him that I could feel his body against mine.
I felt him getting harder...
He muttered a curse. Namungay ang mga mata niya at sa ilang segundo, naibalik ako sa pwesto kanina kung saan nakakandong ako sa kaniya at ang likuran ko ay nakulong sa kaniyang malapad na dibdib!
Napasinghap ako at napakapit sa magkabilang gilid ng bathtub. Dumudulas pa ang kamay ko tuwing lumuluwag ang kapit ko sa basang liguan.
“T-Tiel...” nahahapo kong sambit.
“Ibibigay ko ang nabitin kagabi...” he whispered against my ear. Tanging suot niya na lang ang kailangan niyang ibaba because I was already naked before he got here.
We kissed again. Inabot niya ang mga labi ko, and teased the space between my legs. Noong namigat ang talukap ng mga mata ko at nanghihinang napasandal na lang sa kaniyang katawan, lalo siyang naging mapaghanap at sabik.
I was wet already, when he started draining the water inside the tub! Hindi pa nauubos ang tubig, naramdaman ko na ang kaniya.
Napadaing ako nang ipasok niya iyon sa loob ko. Napaawang ang mga labi ko. Pahaba ang bathtub kung kaya’t nagkasya kami. Pinadulas ko pa ang mga palad palayo sa haligi ng bathtub at doon mahigpit na kinapit ang nanghihina ko agad na mga kamay para kumasya siya sa loob ko, just so I could accommodate his size!
Mahigpit na hinawakan ni Seatiel ang bewang ko at paulit-ulit humalik sa aking balikat at mga braso mula sa likod.
“Bago tayo bumalik, ipapakilala kita.”
Tila kumabog ang dibdib ko sa kaniyang sinabi, hating-hati ang atensyon sa kaniyang sinasabi at ginagawa! Nakaramdam ako ng kaba. Ni hindi ako makamulat nang maayos!
“K-Kanino?”
“Sa mga Del Fuego,” sagot ni Seatiel na mas napagpatigil sa ‘kin. I bit my lip, hindi agad makasagot lalo pa’t naunahan na ng nanunuot na pakiramdam sa aking sistema noong pinuno niya ang loob ko.
He’s so big! At medyo masakit iyon sa ganitong posisyon, pero mukhang gusto niya at ayaw ko rin namang mabigo. The pain and pleasure are both killing me.
“A-Ako rin, Seatiel... m-marami akong sasabihin sa ‘yo,” I sincerely whispered.
Nakapagpasya na ako. Tatapatin ko na siya sa lahat-lahat! Coming here to Manila with Seatiel made me realize and hope, na gaya ng ginawa niya kay Lauren, kaya niyang magustuhan at tanggapin ang isang Isla, a version of my life that just won’t die, no matter how much I want it gone…