Relentlessly I
“Seatiel...” usal ko at pagod na napasandal sa kaniyang katawan. Inihilig ko ang sarili sa kaniyang dibdib at kahit pa nga parehas kaming basa sa tubig, pakiramdam ko ay nagbubutil ang pawis sa leeg ko.
Malalim siyang napahinga at naisandal ang likod sa bathtub. Tumingala si Seatiel at ipinikit ang mga mata habang nakapatong ang mga braso niya sa magkabilang gilid ng malamig na bathtub. Saglit kaming nasa ganoong posisyon at tahimik. Pumikit ako nang muling maramdaman ang labi ni Seatiel sa balikat ko.
“Did it hurt?” mahinang tanong niya.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko mula sa ilalim ng tubig. Inangat niya iyon at hinaplos ang ring finger ko dahilan para tila may mga insektong nagpoprotesta sa dibdib at tiyan ko.
Napalunok ako habang pinagmamasdan din ang palasingsingan ko mula sa magkahawak naming kamay.
Bahagya kong nilingon si Seatiel at nakita ang kaniyang tingin sa ring finger ko. He didn’t say anything, at sa halip ay inangat niya ang kamay ko at dinala sa kaniyang labi bago niya iyon dinampian ng malambot at mababaw na halik.
Napasunod ang tingin ko sa kaniya. Lalo na nang magtama ang paningin naming dalawa at pagod pa sa ginawa, parehong pawisan at naghahabol ng paghinga. My heart feels heavy with emotions.
Napakurap ako. Ang malamlam na ilaw ng shower room ay tumatama sa mga mata ni Seatiel. Matagal ‘yon at wala siyang sinabi, tila ba malalim ang naisip niya kaya sa huli ay ako na ang nag-iwas ng tingin at bumawi sa kamay ko. Dumulas iyon sa kamay ni Seatiel. Umahon ako sa bathtub at nanatili siyang nakasandal sa dulo nito habang sinusundan ako ng tingin.
Sa tagal ng tingin niya kanina, pakiramdam ko na-imagine niya nang kasal kami! Nagkaanak at nagka-apo na rin.
Nag-iinit ang pisngi ko kaya naman napagpasyahan kong mauna na sa pag-alis sa bathtub. Alam kong hindi niya naman iyon pangungunahan at baka gustuhin niya lang na roon kami at ulitin ang ginawa.
At isa pa, kailangan ko na ring mag-ayos para sa dinner. Walang sinabi si Seatiel na kailangan kong mag-ayos pero gusto kong maging presentable kung sinuman ang makakaharap namin.
“Magbibihis na ako...”
Nagbanlaw ako sa shower at kahit nga nang matapos ako ay nanatili roon sa bathtub si Seatiel. There was only a glass divider between the bathtub and the small space for the shower. Nakaharap siya sa akin kaya kahit nag-fog ang salamin ay nakikita niya ako!
He stayed there until I finished taking a quick bath, para bang kaswal lang na nanonood ng isang palabas at hinahayaan akong maligo. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip na sanay na sanay siyang nakakakita ng katawan ng babae!
Napanguso ako. Nagsuot ako ng roba at hindi maiwasang mapatingin sa kaniyang gawi na prente pa ring nakasandal sa bathtub. Bago pa ako makalabas ay sinundan niya ako ng tingin at tinaasan ako ng dalawang kilay nang mapatingin ako sa kaniya. May bulto ng ngisi sa mga labi na animo’y natutuwa!
Nagbihis agad ako at pumili ng magandang susuotin. Naisipan ko ring maglagay ng light make-up just so I wouldn’t look pale.
Hindi ko alam kung sino ba ang pupuntahan namin, pero ang sabi niya ay aalis kami at hindi na rito sa hotel magdi-dinner.
Kung narito sa Maynila ang mga magulang niya, siguro ay sila ang pupuntahan namin. Siguro naman... wala nang iba? Dahil bukas ng gabi, babalik na kami sa La Esperanza.
Nakapagdesisyon na ako. I want to go with him... g-gusto kong sumama kay Seatiel. The future is uncertain, but this is one thing I’m sure of... g-gusto ko siyang makasama at ayaw ko nang malayo ulit sa kaniya.
And it may be illogical to some, but to me, it is real and enough. And maybe love isn’t really logical. Maybe it’s simply what’s true...
Magpapaalam pa rin ako kay Mommy at siguro, maiintindihan niya ako. Hindi niya magugustuhan ang desisyon ko sa una pero alam kong hindi na rin ako mapipigilan ni Mommy Ruella, and that someday, she’ll understand.
Magpapaalam din ako kay Louisiana. Papa Frank won’t be pleased if he finds out about this, at ayaw kong may gawin na naman siya para lang mapanatili ako rito.
Walang komento si Seatiel kahit noong wala akong imik tungkol sa pagpapakilala ko sa kaniya kay Mommy. Sa tingin ko ay hindi magandang ideya na iharap ko siya sa mga magulang ko lalo na ngayon. Ayaw kong masira kami ni Seatiel, at ayaw ko ring gamitin siya ng mga magulang ko para sa sariling interes.
Sinuot ko ang isang dress na binigay ni Seatiel. Then we drove somewhere. Seatiel paid all the bills. Pinilit kong tumulong sa pagbayad pero nagulat na lang akong ayos na ang lahat!
“Hindi ako ganoon kayaman, Seatiel, but I can help with the expenses. Sana hayaan mo rin akong magbayad...” Napanguso ako.
“Bills lang iyon, Lauren. Kung gusto mo, makipag-hotel ka ulit sa ‘kin. Baka hayaan na kitang magbayad sa susunod...” tanging sagot niya habang tutok sa pagmamaneho.
Darn tricky.
Matagal ang byahe. Hindi ko matandaan kung saan kami napunta. Basta’t namalayan ko na lang na pumasok kami sa isang exclusive villa. Huminto ang sasakyan ni Seatiel sa guard house para sa security purpose.
Gulat siyang tiningnan ng guard na naroon nang magbaba siya ng bintana.
“S-Sir Seatiel, ikaw na nga ba iyan?!” tanong ng guard.
Ngumiti si Seatiel mula sa nakabukas na bintana sa kaniyang tabi. “Kumusta ho?”
“Ikaw nga, Sir Tiel! Napadalaw ho kayo?” tuwang-tuwa at gulat pa rin na bati nito, halos hindi makapaniwala. Gaano katagal kaya siyang hindi pumunta rito?
Napatingin ang guard sa ‘kin nang mapansin ako sa loob ng sasakyan.
“Magandang gabi po, Ma’am...”
Ngumiti ako. “M-Magandang gabi rin po.”
Bumaling ito kay Seatiel. Seatiel’s lips formed a smirk. “Misis ko ho.”
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya lalo na noong ngumiti ang guard kahit bakas ang gulat dito. Baka mamaya ay maniwala pa iyon sa kaniya!
Nang makatuloy na kami sa loob ay hindi ko naiwasang mapatanong kay Seatiel. “Mukhang close kayo ni Kuya...”
“Matagal na iyon dito. I lived here and moved out during college.”
Napangiti ako. Sumilip ako sa labas ng bintana at natanaw ang napakapribado at malaking bahay na hinintuan namin. Malaki ang gate kanina at malawak ang bermuda grass. Halatang mayaman ang nakatira. It is a modern family home. Halos kasing laki na rin ng isang mansyon.
Mukhang pinapanatili ang pagiging bago nitong tingnan, hindi gaya ng mansyon ng mga Del Fuego sa La Esperanza na makaluma at mukhang family house nina Don Revianno noon pa.
Naunang bumaba si Seatiel para pagbuksan ako. Pakiramdam ko ay nakalimutan kong huminga habang titig sa kanilang bahay.
Ibig sabihin ay hindi na talaga umuuwi sa La Esperanza ang mga Del Fuego. At naalala ko ang sinabi noon nina Marcus, na kung may natitira mang kamag-anak si Seatiel, hindi na tatapak doon sa La Esperanza.
Sinalubong ako ng mabining hangin nang makababa sa sasakyan. Tumunog ang kotse nang isara iyon ni Seatiel at hawakan niya ako sa bewang.
Napalingon ako sa kaniya. Hindi ko mapigilang kabahan. “B-Baka pwede pang... u-umatras?”
Bukas ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Maliwanag sa entrada. Binalik ni Seatiel ang tingin sa ‘kin saka hinapit lalo ang bewang ko. Halos dalhin niya ako kasama niya nang humakbang palapit.
“Marami kang utang sa ‘kin, Lauren... kaya hindi pwede.”
Hahawak pa sana ako sa pinto ng kotse pero hinuli niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri naman.
“S-Seatiel! Okay, oo na! Bitawan mo ang kamay ko...”
Hindi siya nakinig. Sa halip ay ipinasok niya sa kaniyang bulsa ang magkahawak naming kamay. Huminga ako nang malalim at sumunod na rin sa kaniya habang hinahanda ang sarili at ganoon na lamang ang kalabog ng puso ko.
Puting-puti ang nangingintab na sahig, binabagayan ng engrande at malaking chandelier sa napakataas na kisame. It’s like the opposite of their old mansion in La Esperanza... parang walang itinirang bakas na makakapagpatanda sa kanila sa lugar na iyon.
“Don’t arrange it like that, Eva!”
Bumungad sa amin ang mariin at istriktang utos ng isang babae sa kasambahay. Abala ito sa pag-aayos ng mga flower vase sa malaking living room.
There stood a woman in a flowing white dress, elegant and sophisticated. May hawak itong pamaypay at ang maganda nitong buhok ay bagsak hanggang ibaba ng dibdib. So classy...
Kinuha ko ang nanlamig kong kamay sa pagkakahawak ni Seatiel ngunit saktong pag-alis ko niyon mula sa bulsa niya ay ang siyang paglingon ng babae.
Nagulat ito nang makita kami lalo na kay Seatiel. Napatigil ito sa ginagawang pagpaypay.
“Seatiel?” she called in a low voice, eyes sparkling. “S-Son...”
Seatiel greeted her, ngunit ang tingin ng babae ay tila napako sa ‘kin nang malingunan niya ako. Unti-unting umangat ang kaniyang kilay. May mapaglarong tingin na tila puno ng amusement. Siguradong nakita niya ang magkahawak naming kamay ni Seatiel dahil tumingin siya sa kamay ko.
“You... brought this girl here?” she asked with half-hearted friendliness. Mas lalo akong kinabahan... pakiramdam ko ay tatalon na ang puso ko palabas ng aking dibdib.
Hindi iyon sinundan ng donya. Sa halip ay nakataas ang kilay nito kay Seatiel na tila maraming sasabihin. Sila lamang ang nagkakaintindihan sa mga tingin na iyon.
Lumapit sa amin si Donya Liviera Del Fuego. Seatiel told me her name...
Kahit na hindi ganoon kainit ang ngiti nito, hindi niyon nabawasan ang ganda niya. Kulang ang salitang starstruck para i-describe ang nararamdaman ko. Her beauty is mesmerizing! She wasn’t the type to look soft. Isang tingin at alam mong may pamantayan ang donya, and that she’s particular about them, about what she likes, and what she doesn’t.
Kasunod na bumaba sa mataas na hagdan ang ama ni Seatiel, still in his office suit. Dahil doon ay mas naging abala ang kanilang mga kasambahay sa pag-aayos ng hapag. Seatiel introduced me to his parents, hinarap niya rin ako sa kanila, at kahit papaano nabawasan ang kaba ko lalo na’t ngumiti sa akin ang papa ni Seatiel.
“Come... the dinner’s ready...” anyaya ni Donya Viera habang ang tingin ay nasa akin pa rin. Buong pagkakataon yata magmula nang dumating kami ay titig siya sa akin.
“S-Salamat po, Donya...” I greeted.
She smiled at me. Iniisip ko na lamang na likas sa kaniya ang pagiging mukhang mataray, pero ‘yong taray niya naman... kasing-lebel ng ganda niya.
Sa hapag, halos hindi pa rin ako makalunok ng pagkain. Pakiramdam ko rin ay nasa lalamunan ko na ang pintig ng puso ko! At parang lalo pang sumama ang pakiramdam ko!
“I’m Liviera, and this is my husband, Revianno...” pakilalang muli ni Donya Liviera. We we’re sitting across each other. Sa dulo ng mesa ay ang ama ni Seatiel, si Don Revianno, the patriarch of the Del Fuegos.
I was seated beside Seatiel who kept staring at me. Noong hindi mapalagay ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa, kinuha niya iyon. Hinawakan niya ang aking kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin.
Hindi ko lang maituon ang atensyon doon dahil sa mga paninitig at pagmamasid ni Donya Viera. It was safe to say she was intimidating. Nangingislap ang simple ngunit eleganteng mga alahas. Kahit paghawak niya sa kaniyang kubyertos... puno ng pagiging elegante.
Marahan akong tumango at ngumiti sa kaniyang pakilala. Bukod sa naipakilala na ni Seatiel kanina, naitanong ko na rin noong papunta kami rito sa sobra kong kaba.
“G-Good evening po ulit, Donya Viera... Don Revianno,” bati ko. Hindi ko agad maipakilala ang sarili o ni mabanggit man lang ang buo kong pangalan, dahil bukod sa alam na nila ang Lauren, wala akong dalang apelyido!
Hindi na rin naman sila nagtanong pa. Mukhang nasabi na ni Seatiel bago pa kami nagtungo rito at talagang kikitain na lang namin sila.
“So, what are you two up to? Magpapakasal na ba kayo?” tanong ni Donya Viera dahilan para mapatigil ako sa pagkain ko. Kung ‘di ko lang napigilan, baka dumulas pa ang kubyertos ko sa malinis nilang sahig!
Nag-angat ako ng tingin sa mag-asawa. They’re watching our every move. Kahit ang simpleng paglagay ni Seatiel ng pagkain sa plato ko, pinagmamasdan ni Donya Viera.
Walang sumagot sa amin ni Seatiel kaya naman napakurap-kurap ang donya habang ngumunguya sa kaniyang pagkain. Nagbaba siya ng tingin sabay simsim sa kaniyang wine, may tinatagong ngisi.
She smiled afterwards, kasabay ng kaniyang pag-iling.
“When are you going to have kids, Seatiel?”
Ang asawa niya ay walang imik. Hindi naman nila pinaparamdam na ayaw nila sa ‘kin para kay Seatiel pero hindi ko rin maramdaman... na gusto nila ako. Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang nararamdaman ko.
Kinagat ko ang aking labi. Was it because I found them, especially his mother, colder than I had expected? And really, Isla? Anong warm welcome ba ang gusto mo para masabing gusto ka nila?
Napanguso na lang ako sa aking naiisip. Oh, we’ll maybe I’m overthinking!
Pero paano kung... h-hindi talaga? Hindi pa naman nila ako kilala pero bakit parang...
“Why don’t you get married as soon as possible?” sa wakas ay pagsasalita ng don. Kung kailan ito nagsalita ay saka ko naman hindi alam ang isasagot.
Donya Liviera smiled innocently.
Napatingin ako sa kaniya at sa kanilang maid na lumapit sa amin, nang bigla siyang magtaas ng kamay dahilan para mapatigil ang maid sa aking tabi sa akmang paglalagay ng beef at bacon sa plato ko.
“Please don’t give her meat...” istriktang baling ng donya sa kanilang kasambahay. Tumango na lamang ito at sinunod ang sinabi ni Donya Viera. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit. “Processed meats are not good for women trying to get pregnant.”
Natigilan ako sa sinabi ng donya.
Ano ang koneksyon niyon sa ‘kin? It’s not like I’m trying to get pregnant!
Tiningnan ko si Seatiel. Nakatingin siya sa kaniyang ina na pinagtaasan siya ng kilay sabay kibit-balikat nito.
“I wish you had gotten Trieu pregnant, though.” Sinabayan iyon ng marahang tawa ng donya.
Hindi ko namalayang napatigil ako sa pagkain. Napatitig ako sa aking plato.
“Liviera...” ani Don Revianno.
Napaangat ng tingin ang donya sa ‘min. Huminto iyon sa akin. Kinailangan kong ibaba ang kamay ko sa ilalim ng mesa dahil pakiramdam ko’y nanginginig iyon...
What I just heard… felt like a lightning bolt hitting me. Para akong natutop sa aking kinauupuan at hindi nakapagsalita.
“Oh! I’m sorry, Lauren. Hindi ko lang talaga maatim na hanggang ngayon ay wala pa rin akong apo...” Nailing-iling si Donya Viera. “Because my one and only son is waiting for this girl who doesn’t even care about him...” She chuckled, pero ramdam ko ang inis at pait na ikinukubli niyon, bagay na hindi niya maitago.
Buong dinner, umikot ang usapan sa mga usaping binuksan ni Donya Viera, tungkol sa kanilang negosyo, sa rancho sa La Esperanza na kinumusta ng don. Kinakausap ako ni Donya Viera at kahit papaano ay humupa ang kaninang tensyon. Hindi ko maintindihan kung may problema ba siya sa akin... o sadyang... may iba lang siyang tipo para kay Seatiel. Naiintindihan ko kung ganoon.
Pinakuhaan niya ako ng gamot nang mapansing hindi maganda ang pakiramdam ko. Ang sabi niya’y magpahinga na rin muna ako bago kami umalis.
Ngunit habang nasa sala at hinihintay ang gamot ay siyang pagdating ni Trieu. Parang kanina lamang ay pinag-uusapan pa namin ito pero ngayon ay narito siya!
Kitang-kita ko kung paano siya may ngiting sinalubong ni Donya Viera... hindi gaya ng kung paano niya ako sinalubong kanina.
“Donya!” Tila anghel ang boses ni Trieu nang dumating.
She was also dressed up. Maayos at presentable sa kaniyang suot na bestida at mukhang may dalang pasalubong kay Donya Viera.
Kanina sa hotel ay nauna silang umalis kaysa sa amin. Pero mga kaibigan lang ni Seatiel ang nagpaalam. Iyon pala, kaya hindi nagpaalam si Trieu ay dahil magkikita pa rin sila! Dahil pupunta siya rito...
“Thank you for visiting me tonight, hija... saktong-sakto pa na narito si Seatiel...” Nakuha pang sumulyap ng Donya sa kinaroroonan ko habang sinasabi iyon dahilan para wala akong magawa kundi mapayuko na lang at magbuntonghininga.
“Miss Lauren, ito na po ang gamot...” mahinang sabi ng maid na lumapit sa ‘kin.
Ngumiti ako at tinanggap iyon saka nagpasalamat. Hindi ko pa agad mainom dahil pakiramdam ko’y may kung anong nakabara sa aking lalamunan.
“Sit with us, Trieu,” aya ng donya.
Ngiting-ngiti na sumunod si Trieu kay Donya Viera. Tumingin siya sa ‘kin nang magtungo sila sa hapag para makakain siya’t makapag-usap silang dalawa.
Nang mainom ko ang gamot ay tumingin sa ‘kin si Donya Viera.
“Magpahinga ka muna sa taas, Lauren, hija. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo. Don’t worry, hindi naman aalis si Seatiel at dito lang siya...” marahan niyang sinabi at ang excitement sa tinig ay alam kong hindi para sa akin.
“O-Opo, Donya. Salamat po sa... gamot,” sagot ko at sinunod na lamang ang gusto niyang magpahinga ako sa taas kahit ang totoo’y hindi naman na kailangan.
Nasa bungad na ako ng hagdan nang pumasok si Seatiel kasama ang kaniyang ama mula sa labas ng bahay. They stepped outside to talk and have a smoke. Napatingin sa akin si Seatiel nang naabutan niya akong paakyat dahil iyon ang utos ng donya, na magpahinga ako sa taas.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Seatiel noong lumapit sa akin.
Napatingin ako sa kaniya.
“Ayos ka lang?” Sinipat niya agad ang leeg ko at napaseryoso habang nag-alala.
Gusto ko na lamang mapanguso, ngunit sa huli ay iniwas na lang ang tingin. Tinawag na rin siya ni Donya Viera kaya napalingon kami roon. Nasa hapag sila ni Trieu at nakatingin sa gawi namin.
“Leave the girl alone, Seatiel. Magpapahinga siya sa itaas. I will send a maid to assist her,” nakaangat ang kilay na utos ng donya, tila hindi maaaring hindi sundin. “Why don’t you sit here and join us? Trieu came to visit us…”
Nakita ko ang pagtiim ng kaniyang panga sa tinuran ng donya. Tumingin sa akin si Seatiel. Nagtama ang mga mata namin at aaminin ko, umasa ako na hindi niya ako hahayaang pumanhik sa taas dahil lang gusto ng donya... na sasamahan niya ako lalo pa’t hindi naman pamilyar sa akin ang kanilang mansyon.
“Rest upstairs,” saad ni Seatiel. Halos bumagsak ang mga balikat ko, ngunit tumango na lang ako at hindi iyon pinahalata. “Susunod ako... pagtapos uuwi na tayo.”
Hindi ako makasagot. May parte sa ‘king ayokong umakyat pero mukhang sinadya iyon ng donya. Maybe they need to talk about something na wala ako.
Hindi ko mapigilang maisip kung ano ang usapan nila sa baba. Anong pag-uusapan nila na kailangan pa akong paakyatin ng donya?
Or maybe it’s for Trieu and Seatiel to have their time?
Nakaidlip ako sandali kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Pero hindi talaga ako makatulog nang maayos! Nakaramdam ako ng uhaw kaya napagpasiyahan kong bumaba at uminom. Bumangon ako sa kama at tinungo ang pinto.
Sinalubong ako ng tahimik na hallway. Luminga ako ngunit wala akong mamataang tao sa taas. Siguro ay nasa baba pa rin sila.
I went downstairs. Hindi ako nagkamali dahil narinig ko ang mga boses nila sa sala. Mukhang nandoon pa rin pala sila. Sa dulo pa lamang ng hagdan ay rinig na ang kanilang pinag-uusapan.
“Babalik ba kayo sa La Esperanza?” dinig kong tanong ni Don Revianno.
“Yes, Papa... hindi siya pwedeng magtagal dito,” sabi ni Seatiel. Sinundan iyon ng buntonghininga ni Donya Viera at ng mariin niyang iritadong boses.
“That woman rejected you countless times! Ano ang hindi mo maintindihan at ipinipilit mo ang babae na iyon sa sarili mo?”
Sinaway ng don ang asawa. Ilang saglit pa’y masama ang loob na nagsalita ito.
“Fine! Kung gusto mo talagang pakasalan ang babaeng iyan, then tell her to marry you immediately! This family needs a successor! This is not just about you marrying, Seatiel... this is about the Del Fuego’s line!”
“Ako ang magtatanong kung magpapakasal siya sa ‘kin o hindi, Mama. Stop... forcing her... about marriage.” Mariin ang boses ni Seatiel nang sabihin iyon.
“Have a child before getting married, then! In that way, malalaman natin ang kakayahan niyang magdala ng bata! If she can’t bear a Del Fuego at mangyaring pinakasalan mo siya, this girl will have no choice but for you to have a child with another woman!”
Walang nagsalita pagtapos niyon. Wala akong narinig na nagpahayag ng pagtutol o pagsaway sa donya sa sinabi nito.
Tila ba may nakakabinging katahimikan sa sistema ko dahil sa narinig. Hindi ko maintindihan. Gulong-gulo ako sa sinabi ng donya. Sino ang pinag-uusapan nila? A-Ako ba?
“Bakit? Makakayanan niya ba iyon? Ang asawa niya, magkakaroon ng anak sa ibang babae kung sakaling wala nga siyang kakayahang magdalang-tao? Open your eyes and mind, Seatiel. Mas mabuting hindi mo iyan pakasalan! This isn’t some kind of joke. The Del Fuego’s blood can end within your line!” dagdag ng donya.
Tulala ako sa lahat ng narinig ko. Kahit noong sandali silang tumahimik at mukhang paalis na ang donya. Mukhang natigil na siya’t nasabi ang nais sabihin.
Her effort to make me go upstairs was nonsense, dahil narinig ko pa rin naman ang pinag-uusapan nila.
Napaangat lamang ako ng tingin nang umalis si Donya Liviera sa hapag at madaanan niya ako malapit sa hagdanan. Saglit siyang napatigil dahil hindi inaasahan na naroon ako... ngunit sa huli ay malamig na tingin ang ipinukol niya sa ‘kin bago siya tuloy-tuloy na pumanhik sa itaas.
Naiwan akong walang nasabi hanggang sa pati si Don Revianno ay umalis na rin sa hapag. Even Trieu. Huminto ang babae nang matapatan niya ako. Hindi ko masabi kung ano ang nabasa ko sa mga mata niyang may lamig na nakatingin sa ‘kin.
Nalipat ang tingin ko kay Seatiel. He didn’t expect to see me right there, kaya naman natigilan siya nang makita akong narinig ang kanilang pinag-uusapan.
That’s why Donya Viera wants me upstairs? Ito pala ang pag-uusapan nila? At talagang pinaakyat din ako ni Seatiel.
Bakit? Dahil ayaw niyang marinig ko? Ayaw niya na malaman ko?
Bakit tila ayaw sa ‘kin ni Donya Viera? Sa pagkakaalam ko ay ngayon pa lang kami nagkita at nagkausap! Tungkol ba ito sa... ginawa kong pag-iwan kay Seatiel sa La Esperanza? Or does she simply want someone else for him?
Iyon bang babaeng nakatakda niyang pakasalan? Iyong sinabi ng kaibigan niyang nakausap ko sa pool?! The one who ran away? Iyon ba ang gusto ni Donya Viera para sa kaniya?
“Lauren...” mahinang tawag ni Seatiel habang nakatingin kami sa isa’t isa.
At sa naulit na pagkakataon, isang posibleng ideya ang lumutang sa isipan ko...