Kabanata 31

3143 Words
Relentlessly I “Do you need anything?” Saglit na nanatili ang tingin ko kay Trieu kahit nang magsalita si Seatiel. Mukhang hinihintay niya kung ano ang gagawin ko at kung ano ang reaksyon ko sa mga narinig kong usapan nila. “Wala naman. Nauhaw lang ako,” sagot ko at binalik ang tingin kay Seatiel. “Nagising kasi ako mula sa pagkakaidlip kaso wala ka pa rin sa taas...” Nakita ko ang paglumanay ng tingin ni Seatiel dahil sa sinabi ko. He licks his lower lip. “Okay, ikukuha kita... nagugutom ka rin ba?” mahinang tanong niya, may lambing. He held my waist to guide me, isinama niya ako patungo sa kusina. Sumunod na lamang ako at kahit nga gusto kong lingunin pa si Trieu ay hindi ko na ginawa. Narinig ko na lang ang mabigat na paghingang pinakawalan ng babae bago siya pumanhik sa taas pasunod kay Donya Viera. Kung kakausapin niya man ang donya, labas na ako roon at wala akong magagawa. “Ayos na ang pakiramdam mo?” tanong ni Seatiel. Naghatak siya ng upuan at pinaupo ako roon. “Salamat. Hmm, ayos na. Uminom ako ng gamot bago ako umakyat,” sagot ko at nag-angat ng tingin kay Seatiel. He looks a bit tired, pero nakuha niya pa ring magtanong kung nagugutom ba ako at kung ano sa mga pagkain doon ang gusto kong kainin. “B-Busog ako. Hindi lang talaga ako makapagpahinga sa taas.” Tiningnan ako ni Seatiel. Uminom siya mula sa basong pinag-inuman ko ng tubig. “Gusto mong samahan kita? We can rest together.” Hindi ko alam kung iirapan ko siya o ano! Dahil yata sa kaniya, green minded na ako... Nag-usap kami sa sala. Hindi ako makapagpahinga kaya kahit na mukhang pagod na siya, sinasamahan niya pa rin ako dahil hindi ako dalawin ng antok at kagustuhang magpahinga. Gusto kong mapangiti kung gaanong maalaga si Seatiel. It never changed, kahit doon sa La Esperanza. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, dumating si Trieu na mukhang kabababa lamang sa hagdan. Napatigil ako at napatingin dito na nakapagbihis na agad. Nakapantulog na ito at isang manipis na silk dress ang suot, lantad ang mga balikat at collar bone. Pati na rin ang kaniyang mga hita at mahahabang binti. Hindi ko mapigilan ang bahagyang pag-angat ng kilay ko. My eyes narrowed a bit. Nakita ko ang tagong ngisi ni Trieu. Even when she’s smirking, she looked like an angel... “Uhm, Seatiel, can we talk for a bit? May sasabihin lang sana ako sa ‘yo... nakalimutan ko kasi,” marahan nitong sinabi. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at parang naging interesante bigla sa mga mata ko ang basong nasa harapan ko! Hindi ko man gustuhin, gusto ko na lamang mapanguso at mainis nang kaunti. Nag-uusap pa kami ni Seatiel... Tumayo na lamang ako at pilit nilunok ang pakiramdam na may nakabaon sa lalamunan ko. “M-Magpapahangin lang ako sa labas...” Hindi ko na tiningnan pa si Seatiel at dire-diretso na akong lumabas. Tinawag niya pa ako ngunit ngumiti lang ako sa kaniya para sabihing okay lang. Na lalabas muna ako para makapag-usap sila ni Trieu... nang masinsinan. Sinalubong ako ng malumanay na hangin nang makalabas sa kanilang bahay. Tinahak ko ang bermuda grass habang nilalamig sa pinong hangin na yumayakap sa balat ko. Gusto kong mapairap sa mga mata para lang mabawasan ang pagkayamot na nararamdaman ko. Kahit sino naman siguro ay maiirita sa Trieu na iyon! Kung bakit kasi... Idinaan ko na lang sa buntonghininga ang lahat. Tama rin naman na mag-usap sila at siyempre hindi nila ‘yon magagawa nang maayos kung naroon ako. Nagtungo na lang ako sa isang nakitang upuan malapit sa isang puno at naupo roon. Madilim na ang paligid at nagkikislapan ang mga bituin sa malawak na kalangitan. Kakaupo ko pa lamang ay natanaw ko na sa loob ng mansyon ang pag-alis ni Trieu sa sala. Mukhang aakyat siya pabalik sa taas. Akala ko ay iyon na at tapos na ang kanilang usapan kaya naman ganoon na lang ang pagkatigil ko nang makitang ganoon din si Seatiel, umakyat sila sa taas. A-Ano ang pag-uusapan nila na kailangan pa nilang pumanhik sa taas? Pumait ang pakiramdam ko. Pinigilan ko ang selos kanina nang bumaba siya para kausapin si Seatiel. Kahit noong pinaakyat ako ni Donya Viera para magkausap sila ni Seatiel nang wala ako! Pinigilan ko iyon... Pero sa pagkakataong nakita ko silang pumanhik sa taas, hindi ko mapigilan ang selos na pumupuno sa dibdib ko. Ilang saglit pa ay natanaw ko ang bulto ng dalawang tao sa bintana ng isa sa mga kwarto sa itaas. I saw Seatiel and Trieu. Talagang sa kwarto sila nag-usap? Ano ang pag-uusapan nila at kailangang sa kwarto? Likod ni Trieu ang naaaninag ko. Wala akong ideya kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Galaw lang nila ang nakikita ko at ni hindi ko nga mabasa ang mga kilos nila kung ano ang posibleng pag-uusapan nilang dalawa. Tumayo na lang ako sa bench at naglakad pa palayo, as if walking further would stop the needles pricking at my chest, habang naiisip na rin iyong mga sinabi ni Donya Viera kanina. Halos makarating pa ako sa guard house na nadaanan namin kanina dahil sa paglalakad ko. Hindi ko na namalayan. Panay ang malalim kong buntonghininga. Tuwing naiisip ko na magkasama sina Trieu at Seatiel ngayon, dinadaan ko na lang sa malalim na buntonghininga. Nakatulong din naman iyon dahil kahit papaano, nawala ang bigat ng loob ko. Malapit na nga ako sa guard house. Matagal-tagal din akong naglakad at mahaba ang tinahak ko lalo na’t malamig at maganda ang panahon. May mga bituin doon sa langit. Nakita na ako ng guard at lalapit na sana sa ‘kin, pero bago pa iyon ay nauna na ang isang hawak sa aking braso mula sa likod. I gasped slightly! “S-Seatiel...” “Damn it! Saan ka ba nagsusuot?” salubong ang mga kilay niyang tanong. Magkahalo ang dilim at galit sa mga mata ni Seatiel na sumalubong sa ‘kin. Mukha siyang nagmadali. Sa halip na magdiwang na hinanap niya ako, nakaramdam pa ako ng inis... at hindi ko maipaliwanag. Pinilit ko talagang iwasan. Pinilit kong pigilan. Kaya nga narito ako, nag-iisip at hindi nang-aabala sa kanila! “Bakit nandito ka? N-Nagpapahangin lang ako...” malumanay na saad ko. “Bakit hindi ka nagpapaalam?” Pinilit ni Seatiel na huwag akong pagtaasan ng boses. Lumapit sa amin ang guard ngunit sinabi ni Seatiel na ayos na. Did he really look for me? Ni wala pang bente minutos akong wala... at ano ang problema gayong kausap niya naman si Trieu? Dapat nga matuwa pa silang dalawa dahil mas mahabang oras silang mag-uusap! Lumingon ako sa guard at nanghihingi ng pasensyang ngumiti. Nakatingin lamang ito sa amin ni Seatiel na tila nakasaksi ng isang away mag-asawa. “Babalik naman ako sa loob. Hindi ko naman sinabi na aalis ako...” saad ko kay Seatiel. Kailan ko sinabi na aalis ako at iiwan siya? At isa pa, hindi ko naman iyon magagawa kahit gustuhin ko ngayon! Tumahimik si Seatiel. “Paanong hindi ko iisipin na aalis ka? Kung lagi mong ginagawa iyon?” may galit pa ring tanong niya. “Hindi nga sabi ako aalis! Pinipilit mo ba na mag-away tayo, Seatiel?!” Hinarap ko siya. Lumambot ang kaniyang tingin at naging malumanay ang kaninang galit niya. Nagtuloy ako pabalik. Aaminin ko na kasalanan ko naman na umalis ako, pero malay ko ba na susunod siya? Ang alam ko’y masinsinan silang mag-uusap ni Trieu! Mabilis ang lakad ko pabalik. Narating agad namin ang kanilang bahay ngunit sa halip na tumuloy papasok sa loob niyon ay nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Seatiel na impit kong ikinatili. “Seatiel!” sigaw ko. My feet left the soft Bermuda grass. Parang sakong binuhat niya ako sa kaniyang balikat! Naramdaman ko ang init ng katawan niya sa tiyan ko at ang braso niyang pumaikot sa likod ng mga binti ko at sa aking pang-upo. “Shut your mouth, Lauren... or I’ll shut you up myself...” Nanlaki ang mga mata ko at hinampas ang kaniyang balikat. “Sisigaw ako kapag hindi mo ako binaba!” “Oh? Sumigaw ka... tingnan natin kung anong iisipin nila at sinisigaw mo ang pangalan ko riyan.” Sinamahan niya ‘yon ng mapang-asar na tawa. Sa halip na pumasok kami sa entrada ng malaking bahay, namalayan ko na lang na tinungo namin ang kaniyang sasakyan na nakahinto sa isang gilid. Malayo ang kinalulugaran nito at ang binuksan niyang pinto’y ang tabi ng halamanan. Kahit ilaw ng poste, halos hindi kami maabot. Masama kong tiningnan si Seatiel nang maibaba niya ako sa loob ng backseat. Akmang lalabas pa ako pero hinarangan niya. Nag-angat ako ng tingin kay Seatiel. Tumingin siya sa entrada ng bahay, maybe checking if someone’s there. The pale gold light from the lamp post traced the sharp line of his jaw. Gumalaw iyon nang ibalik niya ang tingin sa ‘kin. Hindi ko makita ang bungad ng bahay dahil nasa loob na ako ng backseat kaya hindi ko alam kung may tao roon o ano. Hindi ako makalabas dahil nakaharang si Seatiel. Niyuko niya rin ako sa loob kaya galit ko siyang tiningnan. At the back of my mind, minura ko siya! Naiinis ako dahil kailangan niya pang sumama kay Trieu sa kwarto samantalang umalis na ako sa sala para makapag-usap sila... “Ano b—” Hindi ko natapos ang sasabihin at napatigil ako nang sakupin ng labi niya ang labi ko. Saglit lang iyon at bahagya rin siyang lumayo para matingnan akong mabuti. Kinulong ako ni Seatiel sa pagitan ng kaniyang mga braso. Halos mapasandal ako sa kabilang pinto ng backseat ng sasakyan. I looked at him angrily. “Ano ba, Sea—” Sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya ako pinatapos! He cupped my jaw and kissed me thoroughly. Natigilan ako dahil mas matagal iyon kumpara sa una. Hindi lamang labi iyon dahil naramdaman ko ang pagpasok ng mainit na dila ni Seatiel sa loob ng aking bibig dahilan para tila iyon na naman ang init na hindi naaapulahan. Tinulak ko siya, dahilan para mahina siyang matawa at nagpadala sa tulak ko. “Akala ko tapos ka nang magselos kay Trieu sa hotel pa lang...” mahinang sabi niya. Kahit anong pigil niyang mapangisi, umaalpas iyon sa labi niyang mas nasasabik pa yata tuwing nagseselos ako. Hindi ko maiwasang matawa nang sarkastiko. Pagkatapos ay masama ko siyang tiningnan. “A-Ano ang nakakatuwa? Pakiramdam ko, nananadya ka pa!” “Kung ganoon, inaamin mo ngang nagseselos ka.” “O-Oo! Nagseselos ako kay Trieu! Nagseselos ako... d-dahil mas gusto siya ni Donya Viera,” saad ko kahit unti-unting natupok ang tapang. Bumigat ang paghinga ko at naiiwas ang tingin kalaunan dahil tila nadulas ako sa sariling dila! Napatigil si Seatiel at napatitig sa akin. Nagtama ang paningin namin. I tried to gather my courage once again! “That’s the truth, Seatiel, n-nagseselos ako at—” Sa halip na patapusin ako ay muli niya akong siniil ng halik. Sa sandaling iyon ay talagang napasandal na lang ako at halos mapahiga sa backseat, napapasinghap sa kaniyang mga halik. Umangat pa siya lalo at kinulong ako sa kaniyang pagitan. Walang makakakita sa amin dahil madilim ang gawing iyon at ang sa likod ni Seatiel ay ang halamanan. The guard house is far from here, too... Nang bawiin ni Seatiel ang mga labi niya ay mapungay ang mga matang tinitigan niya ako. “Tangina, Lauren, pati pagseselos mo... kinatutuwa ko na. I didn’t know you’d be like this... pero sinabi ko na. Hindi mo kailangang magselos. Nag-usap lang kami sa taas.” “S-Sa k-kwarto? Bakit sa kwarto pa?” usal ko. “Naroon si Mama. Umalis ako agad. Hinahanap kita. Paano, para kang bulang nawawala bigla. Sa susunod, itatali na kita...” Bahagyang nag-isang linya ang mga labi ko. Napatitig ako sa itaas ng kaniyang kotse nang yumuko siya’t dinampi ang labi sa gilid ng leeg ko. Ang mainit niyang paghinga’y unti-unti umaakyat patungo sa tenga ko. Seatiel bit my earlobe as he whispered. “Huwag kang makikinig sa kahit anong sabihin ng iba, even my own mother. Sa akin ka lang makinig, Lauren. Trust only me... naiintindihan mo ba?” Mariin ang kaniyang tanong. Seryoso rin siya at mukhang apektado sa pag-uusap nila kanina at lalo na nang makitang narinig ko iyon. “Hindi mangyayari ang sinabi niya. I will not have a child with any other woman. I want only one woman to carry my children, at ikaw lang iyon, walang iba...” Kinagat ko ang aking labi. The corners of my eyes burned. Natatakot akong aminin sa sarili na... na ganito na kalalim ang nararamdaman ko. “S-Seatiel... p-paano kung posible ang sinabi ng donya? What if I can’t bring you a child?” Awtomatiko ko na ring naisip iyon na noon naman ay hindi sumasagi sa akin. But now, the possibility lingered within me, despite there being no logical reason for it, kung bakit iyon naisip ng donya sa akin. Gusto kong palawakin ang isipan ko sa posibilidad na iyon. Paano nga kung lalagpas kami sa ligawan? If... we will... m-marry? Posible nga ba iyon? Tumitig sa akin si Seatiel. He looked amused sa sinabi ko. Dinampian niya ng halik ang aking labi. Sa dilim at tanging ang buwan at malamlam na ilaw ng poste ang nagbibigay liwanag, Seatiel made his promise to me... “Then I guess I’ll have to say sorry to my ancestors...” Bits of fire began to rise wildly in my heart. Puno ng pag-aalab. Ngunit ang apoy, kahit anong kinang nito, mapanira iyon at nakakasunog... nakakatupok. “Ikaw ang laman ng pantasya ko, Lauren. And if I ever touch another woman, I’ll only think about you. I’ll only hear your sweet, soft voice and nothing else. And it’ll all feel like hell.” Matagal kaming nagkatinginan. At hindi ko man sadyain, ramdam kong ang malaking parte ng puso ko, pinanghawakan ang mga sinabi ni Seatiel. Hinalikan niya ang aking noo at saka unti-unting bumangon. “Let’s go... wala nang dahilan para manatili rito. They know you at kahit ano namang sabihin nila, wala ring magbabago.” Inayos niya ang kaniyang damit na nagulo. Ang dress ko na umangat ay hinila niya pababa upang matakpan ang hita ko nang umangat ‘yon, dahilan para mag-init ang pisngi ko. Bago isara ni Seatiel ang pinto ng backseat, tiningnan niya pa ako. “Ihahatid kita sa inyo... sabihin mo kung saan ako maghihintay. Then I’ll book us a hotel near the airport.” Tumango na lang ako. “Okay...” That means we’re going back to La Esperanza... at ibig sabihin din niyon, sasagutin ko si Seatiel. And that’s really not a choice. Dahil iyon ang salitang binitawan ko sa kaniya. Bago ang mismong flight namin, dumaan ako sa mansyon para bisitahin ulit si Mommy at pormal na magpaalam. Naabutan ko roon ang kararating lang na si Hera na nagbakasyon sa kanilang lugar. Nang mabalitaan niyang bumalik ako rito sa Maynila ay agad siyang bumyahe. Iilan na lang ang natira sa aming maids dahil kinailangang magtanggal. Ngayon, pati sahod nila ay nanganganib dahil sa hindi inaasahang problema ng pamilya namin. Naroon din si Louisiana. We had an early lunch together. Hindi ko agad masabi sa kanila na kailangan kong umalis bago sumapit ang oras ng flight namin ni Seatiel sa hapon. “Grabe talaga! Ang laki ng pinagbago mo, Isla! Pati kilos at pananalita, nag-mature ka! May pakiramdam ako na maraming nangyari!” Manghang-mangha akong tiningnan nina Hera. Panay lang ang ngiti ko. Kinuwento ko ang nangyari sa La Esperanza at sinagot ang marami nilang tanong. “You forgot something! Paano iyong nangyari sa inyo ni?!” Pinanlakihan ako ng mga mata ni Louisiana. “Hindi mo ba iyon ikukwento? Iyon ang inaabangan namin! Isla naman! Ayusin mo! Hindi kami naghintay nang matagal para sa kaunting details! My goodness!” “Huh? E-Eh ‘di, ayon...” Wala akong masabi. “Anong ayon? Ayusin mo naman! Details! Details ang kailangan namin,” atat na sabi ni Louise. Ang malalim na dimples ng maputing kaibigan ay lumilitaw mula sa mapanukso niyang ngiti. Minsan, naiisip kong bagay sila ni Marcus! Kung magkakilala ang dalawang ito, no doubt, they’d be at war. “Oo nga, Isla... ano ba iyon? Anong pinag-uusapan n’yo?” nagtatakang tanong ni Hera. Umirap si Louisiana at humilata sa couch, sumusunod ang maikling buhok sa kaniyang bawat galaw at paglilikot. “Good heaven, Hera,” asik ni Louisiana sa walang kamalay-malay na si Hera. “Saan n’yo ginawa? Ilang beses? Anong positions? M-Malaki ba? M-Magaling ba?” Tili siya nang tili. Konti na lang ay lulubog na ako sa couch. Kung sa La Esperanza, naroon ang malokong bibig nina Margaret. Dito’y hindi mawawala si Louise... girls like them are everywhere. “Good heaven, best friend! Siguro nga sobrang sarap kaya wala kang masabi!” tudyo ni Louise at nagpapadyak sa hangin. “Hay, I feel like a lady having her first boyfriend, and every other firsts!” “Magtigil ka na nga, Louise. Baka marinig ka pa ng mommy,” bulong ko habang sumisilip sa taas. Nagpapahinga lang si Mommy sa kwarto niya at kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nitong si Louisiana porket wala rito si Papa at malaya kami. “Sige na, ikwento mo na!” Niyugyog nila ako. “Saan n’yo ginawa? Gaano ka-hot? Tell us!” “H-Hindi ko matandaan—” “Kasi sobrang dami?!” Impit na tumili si Louise at kalauna’y hinampas-hampas ako ng unan. Kahit si Hera na naguguluhan ay natatawa na rin. “Ha?! Ginawa n’yo sa damuhan? Eh, ang kati doon, ha!” gulantang at namumulang tanong ni Louisiana. “Best friend, aatakihin yata si Tita Ruella riyan sa mga kwento mo!” Humagalpak siya ng tawa. “Sana makapunta rin ako sa La Esperanza...” Nakumbinsi ko rin si Louise na umuwi na pagkatapos. Nagpaalam din naman ako sa kanila nang maayos na aalis akong muli at hindi ko alam kung kailan ako babalik. Ang sabi nila ay balitaan ko sila at huwag kalimutan. Pupuntahan na lang ni Hera si Louise tuwing tatawag ako. I trusted them both, kaya sinabi ko ang tungkol kay Seatiel. Sinabi ko na nananatili ako sa probinsiya ng La Esperanza. Walang nakakaalam niyon kahit ang mga magulang ko, kung saan ako pupunta, at ang paalam ko lang kay Mommy ay aalis ako and that in time, I will tell her about it. Ang natitirang oras bago ang flight namin ni Seatiel patungong La Esperanza ay ipinagpahinga namin sa hotel malapit sa airport. Hindi na kami bumaba para mas makapagpahinga. Nagluto siya at siyempre, ginawa ang paborito niya! Siguro ay bago lumubog ang araw, nasa La Esperanza na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD