Kabanata 14

4480 Words
Relentlessly I Nasa ganoon kaming ayos nang marinig ko ang pasimpleng sipol ni Marcus. Mabilis kong naitulak ang balikat ni Seatiel kung saan ako nakakapit, but because he’s holding my waist, hindi ako masiyadong nakalayo lalo pa’t muli niya akong hinila palapit sa kaniya. Walang nakapansin sa amin. Si Marcus lang. Pasimple lang din ‘yon at hindi ito nagsalita, dini-distract pa yata ang mga kasama namin! My heart’s beating rapidly. Hindi ko alam kung ano ang mas gugustuhin ko; ang umahon mula sa tubig o lumubog sa pinakailalim nito para lang matakasan ang mga tingin niya. Ayaw niya akong bitawan. I had to hold his hand na nakahawak sa akin para lang alisin ‘yon at itulak palayo. “Stop moving,” utos niya. “Hindi ka marunong lumangoy...” “B-Bitawan mo ako!” Naglalaban na sa ilalim ng tubig ang mga kamay namin dahil ayaw niya akong bitawan! Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin at saka niya ako binitawan. Completely! Bahagya siyang lumayo sa ‘kin kaya halos mag-panic ako nang lumubog ako sa ilalim ng tubig. Sumisinghap ako sa hangin kapag nagagawa kong umangat pero bumalik din ako pababa! Halos impit akong napasigaw. Napamura siya at matiim ang tingin nang kinuha ang kamay ko at hinila na naman ako paitaas. Nang tuluyang makaahon ay sunod-sunod akong napaubo. Tinulungan niya akong alisin ang tubig at hinawi ang aking buhok sa mga pisngi. “Tss. Ayos ka lang?” “B-Bakit mo naman ako binitawan?!” May bahid ng pag-aalala ang kaniyang ekspresyon ngunit hindi mapigilan ang mangisi para pigilan ang sariling tumawa. “Ang sabi mo bitawan kita. Sinunod ko lang...” Hinahawi ko pa rin ang mga butil ng tubig sa aking mukha. Lumabi siya at nag-iwas ng tingin. Lumapit na sa amin si Marcus, tumatawa. Marahil ay nakita ang nangyari. Nilahad nito ang kamay sa akin habang humahalakhak. Ito na ang umalalay sa akin para dalhin ako patungo sa pinakatabi. Nagtatanong sina Margaret kung anong nangyari at kung napaano ako. “O-Okay lang ako, Margaret. Just a leg cramp...” saad ko nang napaupo sa batuhan at pilit na ngumiti. “Sure ka, Lauren?” Tumango ulit ako at bumalik din naman sila sa paglalangoy. Habang nasa batuhan, nilingon ko si Seatiel na naroon pa rin sa pwesto namin kanina. Nakasunod lang ang tingin niya sa ‘kin. Napailing-iling siya at saka binasa ng tubig ang buhok niya bago iyon sinuklay palikod. Umahon na ako mula sa tubig. Basang-basa ang kabuuan ko mula sa aking manipis na dress na pinatungan lang ng cardigan kaya mahaba ang manggas na tumatabon sa mga braso ko. Napakagat ako sa labi nang humapdi ang ilang sugat ko. Hindi pa nakatulong ang malakas na hangin dahilan para ginawin ako. “Seatiel!” tawag nila rito na niyayaya sa medyo unahan pang parte ng ilog dahil mas malalim doon at makakapag-dive. “Dito tayo! Nagsosolo, eh!” “Sunod ako...” tanging sagot ni Seatiel. “Tara na! Hayaan n’yo na ‘yan, minsan lang ‘yan tamaan ng kalandian!” sigaw ni Marcus na ikinatingin ko kay Seatiel na nakatingin din doon. Magre-react pa sana sina Margaret pero nahila na ni Marcus at nadala sa kung saan sila lalangoy. Naiwan kami ni Seatiel na napailing na lang sa sinabi ni Marcus na masiyadong malakas ang boses at ume-echo pa yata sa buong ilog. Hindi na ako sumama dahil hindi rin naman marunong lumangoy. Tinahak ko ang batuhan at nakapaa lamang. Tumutulo pa ako kung kaya’t nagsimula akong pigaan ang laylayan ng suot. Huminga ako nang malalim at narating ang mas malaking bato kung saan hindi maaabot ng tubig. Nakanguso kong tinanggal ang benda at nakita ang sariling sugat. Mabuti na lamang at hindi dumudugo. Napatingin ako sa cardigan. I guess I’m going to take this off, too. Iyon ang ginawa ko. Inalis ko ang mga butones nito at hinubad. Binagsak ko rin ‘yon sa batuhan. Umihip ang hangin kaya naramdaman ko ang lamig nito sa aking mga balikat at braso. Dahil manipis ang tela ng dress at basa ay kumapit ‘yon sa aking katawan. Naupo ako sa malaking bato at nakitang nandoon pa rin pala si Seatiel. Siya na lang ang naiwan dahil nandoon na sa kabilang parte sina Margaret. Bumusangot ako nang nakitang nakatingin siya sa aking gawi. Napaangat agad ang aking kilay. “What are you looking at?” “Ako ba?” tanong ni Seatiel at tiningnan ang itsura ko. “Wala naman... walang makita.” Parang nag-apoy ang magkabilang tenga ko. Anong walang makita? What does that mean? “A-Anong wala?” alangang tanong ko sabay baba ng tingin sa sarili kong dibdib. “Hindi ka nakikitaan, huwag kang mag-alala,” paliwanag niya at napapailing nang kaunti sa aking naisip. Napatingin agad ako sa paligid. Nanatili siya roon at hindi na rin sumunod pa sa ibang kasama. Ako naman ay hindi maiwasan na mapatingin sa aking kabuuan at mapabusangot. I have boobs. I have a big butt kahit papaano. May shape ang bewang ko at sabi nga ni Manang Adelasia ay maganda ang balakang ko. Bakit mo pinersonal, Isla? Dinampot ko ang cardigan at tumuloy sa sapin na nakalatag sa damuhan. Wala akong pamalit kaya kailangan ko munang pagtiyagaan at baka may mahiram din naman kina Margaret. Hindi ko sila makita mula rito sa damuhan kung nasaan ang nakalatag na mga pagkain at inumin dahil mababa ang ilog kumpara dito sa taas at may mga puno. Sinapin ko ang basang cardigan sa damuhan at doon umupo. Kahit papaano ay nagustuhan ko ang pakiramdam ng tubig. Mas ma-e-enjoy ko lang sana kung hindi ako hinagis nina Marcus at kung marunong akong lumangoy. Nagsalin ako ng wine at ininom ito. Para lang mahimasmasan. Tiniklop ko ang mga tuhod at nilapat ang mga talampakan sa damuhan. Umihip ang hangin at napatingin ako sa gawi ni Seatiel. Panay ang tingin niya sa akin at kahit umiiwas ako ay panay din ang tingin ko sa kaniya pabalik para tingnan kung tumitingin pa siya sa akin! Umangat lang ang aking kilay nang umahon na siya habang kumakain ako. Kumuha ako sa fried squid rings na dala nina Margaret. “Galit ka ba?” mahinahong tanong ni Seatiel nang palapit na. Parang may kung anong nakawalang mga insekto sa tiyan ko dahil sa tanong niyang ‘yon, at sa lambing ng kaniyang boses. Umiling lang ako habang nasa pagkain ang tingin. “I’m sorry. Ang sabi mo, bitawan kita. Ginawa ko lang...” sabi niya habang nagpupunas ng katawan at buhok. “Okay...” mahinang sagot ko dahil totoo rin naman. At hindi naman ako galit! “Okay? ‘Okay, hindi ka na galit’ o ‘okay, manahimik na lang ako?’” Napaangat ang tingn ko kay Seatiel. Hindi man siya nakatingin sa akin at tinutuyo ang sarili sa tuwalya, nangingisi siya sa sinabing iyon. Hindi na ako sumagot at nag-iwas ng tingin. Hindi ko siya narinig magsalita. I was so tempted to look at him to see why he wasn’t talking anymore. Lumayo siya nang bahagya at lumapit sa isang bag. Pinulot niya ang isang damit doon. Sumunod ang tingin ko para pagmasdan siya at tingnan ang ginagawa niya. He’s only wearing black shorts. The rest wala na. Basang-basa rin. Ang tangkad niya at ang ganda ng kaniyang pangangatawan. His tall, lean, and muscular physique looked like he had undergone training before, para humulma nang ganoon ang kaniyang pangangatawan. It’s a body that wasn’t just built by going to gyms. Bukod sa kilala ko na rin naman nang kaunti at may ideya sa kaniyang ginagawa sa buhay, it’s easy to tell that he got that body from doing physical labor. Napakurap ako at tulala. Halos hindi ko na maalis ang mga mata ko. Ever since what happened last night... my mind’s filled with curiosities. Kung ano-anong bagay ang nai-imagine ko. Things that make my palms sweat and my throat go dry. Namula ang mukha ko at mabilis inalis ang paningin. Kailan ka pa naging... b-bastos, Isla?! Lumapit sa akin si Seatiel. May hawak na siyang puting tuwalya. Inabot niya ‘yon sa ‘kin pero nakatingin lang ako rito. “Cover up. Lalamigin ka. Wala kang pamalit.” Hindi ko pa rin tinanggap, hindi dahil ayaw ko kundi dahil sa guilt sa aking naisip. It’s sinful to think about it! Ngunit malalim nang huminga si Seatiel at pinatong sa mga balikat ko ang tuwalya. “Ang kulit mo,” pabulong na asik niya. I didn’t move a bit sa takot na madikit ako sa kaniya at malaman niya ang naisip ko. Lumayo rin siya sa akin at umupo sa damuhan, medyo nakaabante sa akin kaya nasusulyapan ko ang likod niya. Ginulo niya ang kaniyang buhok na bahagya pa ring tumutulo sa tubig. Kumuha siya ng bote ng beer at tumungga roon. “Bakit?” tanong niyang mukhang napansing nakatingin pa rin ako. Umangat ang kilay niya at sa pag-iwas ko ng mga mata ay siya naman ang pumalit. Mas mahirap nga lang lalo pa’t alam niyang alam ko na nakatingin siya! Pinagmasdan ko na lang ang ilog habang kumakain. Malinaw ang tubig doon na umaagos. Mayabong ang mga puno, at presko ang hangin. Ang tahimik ng paligid at bukod sa ragasa ng tubig sa mga nakausling bato at kaluskos ng mga dahon, tawanan nina Margaret mula sa kalayuan ang tanging naririnig. Gusto kong mahiga sa damuhan. Basa nga lang ang damit ko dahilan para bumakat ang panloob na suot kaya hindi ko ginagawa. Such a shame I don’t have my camera or even my phone anymore. These would make great pictures that I can post on social media. Bigla ko tuloy naisip ang phone ni Seatiel. Pwede kayang makihiram niyon? Hay! Nakakahiya ka naman, Isla, kung pati cellphone manghihiram ka! “Parang nilulunod mo na ako sa tingin mo?” tanong ni Seatiel habang tumutungga sa beer. Hindi ko namalayang sa kaniya rin pala ang tungo ng agos ng tubig sa ilog na sinusundan ko ng tingin! “You wanna go back?” tanong niyang pinagmamasdan din ang ilog. “Hindi naman ako marunong...” Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. “Tuturuan kita.” “Lumangoy?” tanong ko, napunta sa kaniya ang buong atensyon. “Yeah, may inaasahan ka pa?” ngisi niya bigla dahilan para napalunok ako at umiling. “W-Wala.” Malalim na huminga si Seatiel at tinukod ang kamay sa likod bilang suporta. Nilingon niya ang mga punong marahang sinasayaw ng hangin. He looks... peaceful. “You should learn how to swim. Pwede ka ring turuan nina Margaret.” Tumango lang ako, may naiisip na ibang bagay. “Marunong din silang mangabayo?” “Si Marcus lang,” sagot niya. “Pero hindi gaano,” agap niya agad. “M-May nahihiraman ng kabayo rito? O kaya, uh, rent?” tanong ko kahit hindi sigurado kung may ganoon ba. Tinablan agad ako ng hiya dahil baka isipin niyang nagpaparinig ako at sa kaniya manghihiram! Siguro naman may ibang nahihiraman? O kahit iyong may bayad! “Puro stallion ang nandito. Kung gusto mong pormal na matuto, you can enroll to riding classes. Doon, mare o kaya gelding kadalasan ang gamit nila.” “Oh. What’s the difference? Stallion at mare?” taka kong tanong. “Stallions are male horse that has not been castrated, kaya hindi ideyal para sa mga nagsisimula pa lang matuto. They’re unpredictable and are more aggressive and dominant. Ibig sabihin, medyo mahirap kontrolin para sa baguhan,” paliwanag niya. Oh, pero parang ‘yong kaniya ay mabait naman? Hindi ba’t stallion iyon? Parang hindi naman agresibo. “Iyong mare naman, ang mga babaeng kabayo. Mas madali kaysa stallion, pero mas sensitive naman kumpara sa mga gelding. During heat cycles, they’re irritable and moody, kaya kailangan din ng kontrol,” tukoy niya sa mga babaeng kabayo. “And the gelding?” “They’re the male horse that has been castrated. Mas kalmado at madaling gamitin sa training dahil hindi ‘yon moody, kaya iyon ang ginagamit para sa mga gustong matuto,” saad ni Seatiel. “Kung dito lang, puro stallion ang gamit namin. They’re mainly for breedings.” Napatango-tango ako. “So, how long have you been riding? To ride those stallions?” kuryoso kong tanong lalo pa’t mukhang hindi naman na nagwawala sa kaniya si Cruise. Is it his personal horse? O isa lang sa marami niyang alaga? Umangat nang kaunti ang kilay ni Seatiel nang tiningnan ako. Nagtaka naman ako. “Bakit? Nagkakainteres kang sumakay sa stallion? That’s dangerous, Lauren, and we’re not risking that,” agad niyang sinabi wala pa man. Napanguso ako nang kaunti. “Nakasakay ka na isang beses. Ayos na iyon.” “Pero hindi ko naman napatakbo.” Umiling si Seatiel, seryoso at pinapanindigan ang sinabi. “Ride something else. Kahit ano at huwag ang stallion. Delikado iyon,” he said firmly. Napangiwi ako. Kung naging coach siya, masiyado siyang istrikto! “Pero aaralin naman...” sabi ko at binalik ang tingin sa ilog saka pinagpatuloy ang pagkain. Mukhang ayaw niya pa rin! Siguro kasi sagot nila kung may naaksidente nga! “Tss. Isang beses lang,” biglang bawi niya. Napalingon ako nang biglang nagsalita ulit si Seatiel. Huminga siya nang malalim at animo’y napilitan pa. Hindi ko naman siya sobrang pinilit! Napangiti ako. “What about fishing?” Ang daming interesanteng gawin dito sa La Esperanza. Maraming taniman at marami ring pwedeng matutunan. Malawak itong probinsiya at mayaman sa nature. They even grow flowers and different types of fruits. Ang sabi nina Nay Issa ay mayaman din ang La Esperanza sa yamang-dagat. Pangunahing pangkabuhayan ang pangingisda rito at ang mga farm. “Hmm, pwede naman.” “Pwede ring sumama kina Marcus?” tanong ko at umasa, naalala ang pagyaya nila Marcus noong una na mamangka. Napataas agad ang kaniyang kilay. Binasa niya ang ibabang labi. “Bakit kina Marcus pa?” pagtatanong niya na ikinapagtaka ko pa. “Nangingisda rin ako, Lauren.” “Oh,” usal ko. “Okay...” Hindi ko naman tinatanong. At saka sina Marcus ang nagyaya noong nakaraan na mamangka. “Is that your work? You go fishing everyday? Or... a few days in a week?” curious kong tanong ngunit kalaunan ay tinablan ng hiya. Why am I asking? Bakit ko tinatanong ang kabuhayan at ginagawa niya?! “Why? You’re interested to know, huh?” Napakurap siya at sumilip ang ngisi sa labi. Ngumuso ako at hindi na lang sumagot. Ngayon ay langit naman ang napagdiskitahang pagmasdan dahil sa nag-iiba nitong kulay dala ng paglubog ng araw. The sun is already leaving the sky. Ang tanging iniiwan nito ay ang asul na kulay ng kalangitan at pinaghalong kahel at rosas, senyales na unti-unti nang nilulukob ng dilim ang liwanag. I sighed. Umihip ang hangin at naramdaman ko ang lamig sa buong katawan ko. Pinikit ko ang mga mata saglit. Naririnig ko ang masasayang tawanan nina Margaret mula sa kalayuan, enough to fill the silence of the whole place and enough to not disturb my comfort. Ang ganda ng langit. Parang malawak na karagatan kapag asul at ang mga ulap ang nagsisilbing alon, mas malawak nga lang at tila hindi natatapos. Walang hangganan. “Ganda...” magaspang na usal ni Seatiel dahilan para mula sa langit ay napunta ang tingin ko sa kaniya. Saka ko lang namalayang nakahiga na pala siya sa damuhan at nakaunan ang kaniyang braso sa likod ng ulo. Nag-init ang mukha ko nang napansing hindi siya sa langit nakatingin. “Oo, masiyadong makulay,” saad ko at tiningnan ulit ang langit. He chuckled. “Namumutla ngayon...” My brows furrowed. Napatingin ako sa aking mga braso na wala na yatang kulay at mukhang ganoon na rin ang aking mga labi. Kanina pa kami basa at nababad na. Nilalamig din ako at kung hindi dahil sa tuwalya ay baka nanginig na rin. Nanatili naman sa pagkakahiga sa damuhan si Seatiel, enjoying the sunset from his point of view. “Bakit hindi ka mahiga? Mas malinaw mong makikita rito.” Ayaw ko sana lalo pa’t basa ako ngunit kalaunan, ayaw ko ring palampasin ang view. I usually don’t do this, dahil istrikta si Mommy Ruella sa mga ginagawa ko. She’s very strict when it comes to grooming and manners. I was always prim and proper. Sa pag-upo, kailangang magkadikit na magkadikit ang mga hita. Sa paghiga, kailangan maayos din. I never tried opening my legs during a comfortable and nice sleep. I always sleep straight like I could be the Marie Antoinette. Ramdam ko ang damuhan sa aking likuran, tumutusok nang kaunti sa aking balat. Seatiel remained laying just beside me, ang ulo ay nakaunan pa rin sa braso habang hinayaan akong mahiga sa gilid lang din niya. “Wow...” usal ko habang namamanghang tiningnan ang kalangitan mula sa aming pwesto. “Ang ganda, hindi ba?” ani Seatiel kaya tumango ako at nangingiti. Muntik ko nang masayang ang tiyansa na makita ang ganito kagandang tanawin. “Oo nga, mas kita ang ulap,” mangha kong sabi at sinundan ng tingin ang nakahilerang mga ulap na parang kaliskis ng mga isda. Natawa nang mahina si Seatiel kaya napatingin ako sa kaniya. Nakabaling sa akin ang kaniyang ulo. “A-Ang ganda ng ulap,” mangha ko pa ring sinabi dahil ngayon lang mas na-appreciate ang ganitong tanawin ng ulap. “That’s altocumulus clouds,” ani Seatiel at uminom sa beer matapos iangat nang kaunti ang sarili. “Alto—what?” tanong ko. “Isn’t this cirrocumulus, Seatiel?” Naalala ko kung paano niya ako nilaglag sa Math kina Bom at Cindy. Now, it’s Science! “Look at the appearance. It’s larger and thicker. Mas nakarolyo at parang alon. It’s also more puffy and layered,” ani Seatiel kaya tinitigan ko ulit ang langit. It does. Pero halos ganito rin naman ang cirrocumulus! “But... it looks almost the same.” “Mas maliliit at uniform ang cirrocumulus. They’re finer rippled patches due to the gravity waves in the atmosphere.” He chuckled. “Pero...” ulit ko lalo pa’t cirrocumulus lang ang pamilyar sa akin! “How about the altocumulus? Bakit ganoon?” kuryoso kong tanong. “Air instability. Posibleng uulan mamaya,” saad ni Seatiel at kaswal lamang na pinapanood ang langit. Napangiwi ako, hindi makapaniwala na nakukuha ang atensyon ko sa simpleng paliwanag niya tungkol sa mga ulap. Sumuko na lang ako at tumikhim. I mean, I was labeled smart at school, pero iyong mga tungkol sa ulap ay nakalimutan ko na. May dumaan ding eroplano na lalo kong ikinamangha. Inangat ko ang daliri at sinundan. Napangiti ako. Gumuhit ako sa hangin. As I followed the trace of the plane, natakpan din ito ng mga puno at hindi na abot ng tanaw ko. “Wow, ang ganda,” usal ko nang may dumaan namang ibon. Mayamaya lang ay isang grupo na ang kasunod niyon. They are flying low in a tight flock, mukhang tama si Seatiel na uulan! Habang sinundan ko ng tingin ang mga iyon, bumagsak kay Seatiel ang aking paningin na nasa gilid ko nga lang pala. Mas mababa ang kinahihigaan ko kaysa sa kaniya o sadyang matangkad lang din siya. “Inaantok na ako,” magaspang niyang usal. He stretched his arms and casually put one just above my head. Namula ang aking mukha nang natingnan siya. He has a godly side view profile! Nagmumukha siyang masterpiece na sculpture dahil sa tangos ng ilong, sa magandang hugis ng mga labi, at ang kaniyang panga na hulmado rin, idagdag pa ang kaniyang adam’s apple. “Inaantok ka na ba?” sabay tingin niya sa ‘kin na ikinaiwas ko. Masiyado nang nakalapat ang aking likod sa kinahihigaang damo at halos hindi na gumalaw. Ang mga kamay ay nakapatong sa bandang tiyan at parang nanigas! I’m laying next to a man. Well, a handsome man. Dito sa damuhan! I realized kung anong itsura naman ni Seatiel ngayon lalo pa’t ang kaniyang braso ay naka-stretch at nagmimistulang nakaakbay dahil ramdam ko ang init niyon sa tuktok ng ulo ko. “So, this is what it feels like to lie next to someone on the ground,” bulong niya at napangisi. “Ibig mong sabihin, ganito ‘yong pakiramdam kapag patay na?” natatawa kong tanong. “Ang saya naman. I can last forever like this.” In life, there is no forever. But in death... there is. You get to rest forever. “Tss, ang ibig kong sabihin... ang mahiga sa damuhan na may kasama,” ani Seatiel at binalingan ako. Nanliit ang mga mata niya sa akin. “Are you thinking about death right now? Damn. You morbid woman.” Ngumiti na lamang ako at hindi na sumagot. So, what if I’m thinking about death? Simula noong nangyari iyon, death lingers on my mind a lot. I think about it, at sa isang banda naiisip ko rin kung bakit nga ba masiyadong takot ang mga tao na mamatay dahil isa rin naman ako sa mga iyon. Nakakatakot mamatay, pero sa isang banda, mapapaisip ka rin. Why should we fear it? Mommy Ruella taught me many values that she said I should carry in this life, kahit minsan ay hindi ko maintindihan. She has her own standard. And that is to study well, to stay young and beautiful, and then marry a rich man and become a wife and mother, and finally, die. Parang iyon ang achievement kay Mommy Ruella, so I grew up with her teachings that always said ‘no man is gonna last dealing with you if you’re like this or that.’ Marami siyang mga standard na noon pa man, salungat na ng naiisip ko. “Why? Hindi naman lahat ng pagkamatay ay masama. There are peaceful deaths. Imagine spending your last breath in this situation? It’s beautiful,” saad ko habang namamangha pa rin sa nagkalat na mga ulap. I’m talking about this peaceful moment, at para sa ‘kin ang mamatay na ganito ay hindi naman masama. But of course, dying in a painful, miserable way is another topic. Umangat ang kilay niya sa sinabi ko at nakatitig lamang. “It’s the end of pain. It’s eternity...” At kung totoo ang judgment day, roon ay hindi ka na luluha. Hindi na masasaktan. At mamamahinga na lang. It’s a good idea for those who are suffering in this land. “Death is the end of being with the person you love,” mapait na sinabi ni Seatiel at nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Death means you don’t get to be with them anymore.” Napanguso ako sa kaniyang mga sinabi at parang naging personal. Ay, sorry? Single kasi ako... “For me, true love in its highest form can defy death,” sambit ko at napangiti nand tipid. “So, death isn’t the end. Maybe, just a barrier... maaari pa rin namang magmahal kahit wala na.” Hindi sumagot agad si Seatiel. Nanatili ang kaniyang tingin sa akin habang gumalaw ang kaniyang lalamunan sa paglunok at masiyadong seryoso ang mga mata. “Naniniwala ako roon, pero mas maganda pa ring magmahal nang buhay. That’s f*cking painful,” mapait niyang sinabi sa huli na animo’y ang isipin pa lang ‘yon ay mahirap na. Paano pa nga kaya kung nangyari? “Right...” komento ko na lang at ngumiti. “Pero kasi ang point mo ay may lover... iyong point ko kanina, para sa mga single iyon, Seatiel.” Hindi ko maiwasang mapakurap sa kaniya. “Tss. May katabi ka na, pagiging single pa rin ang naiisip mo...” bagot niyang sinabi. “Hindi naman tayo lover,” natatawa kong sabi. His lips pursed. Unti-unting nawala ang pagkakunot ng noo. “At least consider the point...” Nag-iwas siya ng tingin. “Teka nga, Seatiel. Bakit mo ba pinepersonal?” Mas natawa ako at halos bumaling na lamang din sa kaniya. “Hindi ako sang-ayon, Lauren. Death isn’t something you should consider beautiful. It’s a damn ruthless thing,” salubong ang kilay niyang sinabi at masama na ang tingin sa langit na tila hinding-hindi matatanggap ang ganoon. “But it’s inevitable,” ngisi ko. “It’s the consequence of sin placed upon humanity after the fall,” seryosong sabi ni Seatiel. “Before the fall of mankind, there was no death and no suffering. Pagtapos, saka nagkaroon ng ganoon.” Nakaramdam ako ng simpatya at naintindihan agad ang kaniyang punto. I mean, I was looking at a different point of view! Pero tama rin naman siya. Death can be ruthless and sometimes, a curse. “So, you’re a believer...” Napangiti ako lalo. Napatitig siya sa akin, ang ekspresyon na seryoso dahil sa aming usapan ay unti-unting naging kalmado. It looked like I could tease him anytime now. “Hindi ko maiintindihan kung bakit kailangan iyong mangyari sa dalawang taong nagmamahalan. I do not welcome death the way you imagine it to be beautiful, dahil para sa ‘kin, ang kamatayan ay isang madilim na bagay. Hindi lang ikaw ang mawawala, may iiwan ka rin. It’s f*****g cruel and lonely.” I smiled and nodded. Hindi na nga lalaban pa! “Oo na, hindi ko alam na pangdalawang tao pala ang iniisip mo! I was thinking as a lonely person,” hagikgik ko nang kaunti. Nanatili siyang nakatingin sa akin at masiyado pa ring seryoso. “Hindi ko maiintindihan ang langit kung ganoon. Makikipagpatayan ako para sa pag-ibig, Lauren,” pagsasalita niya. “I’ll flight with the heaven and hell ‘til they surrender you to me. It is you. Or I’ll be ruined...” Natutop ang bibig ko at napatitig lang din sa kaniya. Habang binulong niya ‘yon sa marahan, kalmado, at siguradong boses, napalunok ako. Umawang ang labi ko at walang gaanong masabi. I mean, he’s taking it that seriously?! “That’s how I believe it,” ngisi niya at naaliw sa aking reaksyon. “Uh, w-wow! Galing!” komento ko na lang at iniwas ang tingin sa nag-aapoy na pagmumukha. He said you, but it was generalized of course! Makikipagpatayan sa pag-ibig, huh?! Umihip ang hangin at muling narinig sa paligid ang pagsasayaw ng mga dahon sa mga puno at halaman. Pumikit na lang ako ngunit maling galaw yata lalo pa’t kung ano-anong imahe ang nag-flash sa aking isipan. Uminit ang mukha ko habang naalala ang mga nangyari. His hot tongue teasing and sucking my neck, habang hinahaplos ako ng kaniyang kamay. As if he was my lover! Malalim akong napahinga. My heart’s beating guiltily. Napabangon ako at napatayo dahil sa guilt. You’re bad, Isla. Daig mo pa ang isang high. “Oh, saan ka pupunta?” Si Seatiel nang sinundan ako ng tingin at nagtaas ng kilay. “M-Maliligo ulit ako,” mabilis kong sagot at pinagdadampot din ang cardigan na nakalatag para makabalik sa ilog at mukhang mas kailangan kong mahimasmasan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD