Relentlessly I Mabining hinangin ang buhok ni Mommy Ruella, kasabay ng marahan ding pagsayaw nito sa kaniyang mahabang bestida. Nakatayo siya nang tuwid at diretso ang tingin sa akin pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. She looked very elegant with her long dress that almost touched the floor. Pagkakita sa akin ay sumilay ang simple at banayad na ngiti sa kaniyang mga labi, like she’s actually relieved to see me. Muli sana akong magsasalita pero ang mga mata ko ay napunta na sa sasakyang nakahinto sa tapat ng entrada ng mansyon ng mga Del Fuego. Agad ang paglunok ko noong nakaramdam ng init na dumaloy sa aking lalamunan. Mayroong mga lalaking bumaba mula sa sasakyan, puros mga nakaitim at sa pisikal na anyo pa lamang ay halatang wala akong kalaban-laban. “A-Ano pong ibig sabihin

