Relentlessly I “Why are you still taking care of me? When all I did was ruin your life...” ang mahinang usal ni Mommy Ruella. Narito na siya sa higaan habang ako naman ay nililinisan ang nasugatan niyang kamay dahil sa nabasag na vase kanina. Huminga ako nang malalim at sinawsaw ang bimpo sa malinis na tubig. Naramdaman ko na naman ang init sa aking lalamunan. “I can’t believe I traded you for Frank...” Mapait na ngumiti si Mommy Ruella. Tumingin siya sa kawalan, pagtapos ay pumikit nang nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Nakita kong pumatak ang luha sa gilid ng kaniyang mata dahilan para lalong bumigat ang pakiramdam ko. “Hindi ako kasingbuti ng ibang tao, and maybe yes, I was cruel to you... I was cold. Distant. At siguro nga, hindi ako nagpakananay sa iyo kahit palagi kong

