Kabanata 61

2697 Words

Relentlessly I Gulat pa rin ako sa sinabi ni Seatiel. Sa isip ko’y nagbibiro lamang siya. Wala sa hinagap ko na ikakasal kami ngayong araw pero nang bumalik kami ay roon ko lang napagtanto na hindi nga siya nagbibiro. Sinalubong ako agad ni Butchoy upang ipakita ang kaniyang suot. “Ate Lauren! Pasensya na po! Ito lang ‘yong damit ko. Ang sabi ni Nanay, kung alam lang po nila ay bibili sila ng maayos na damit,” saad ni Butchoy nang lumapit sa ‘kin habang pilit dinidiretso ang suot na puting damit dahil sa pagkagusot nito. Lalong nangilid ang luha ko. Iyak-tawa na yata ang nagagawa ko dahil sa nag-uumapaw kong emosyon. Pinalis ko ang luha sa aking pisngi at yumuko upang pantayan ito. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. “Ano ka ba, Butchoy... bagay sa ‘yo ang damit mo,” saad ko at ina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD