Part 14: When They Talk About The Gift

1476 Words

Namilog ang mga mata ko. Akmang magrereklamo pa ako pero nagpatiuna na siyang maglakad at walang alinlangang pumasok sa shop kahit pa obvious namang pambabae iyon. Tarantang napabilis ang lakad ko para makasunod sa kaniya. Pagpasok ko sa shop ay nakita kong nilapitan na ng isang staff si Dr. Martin at nakangiting binati siya kahit nakikita kong gulat ang babae. Pero nawala ang pagkagulat at napalitan ng pagkaunawa ang ekspresyon ng staff nang mapatingin sa akin. “Oh, shopping for your girlfriend, sir?” “We like to try the black corset,” sagot ni Dr. Martin. “Okay, sir.” Mabilis na umalis ang staff para kumuha siguro ng stock. Manghang lumapit ako sa doktor. “Hindi mo man lang siya itinama. Akala niya tuloy…” Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin. Itiniim ko na lang ang mga labi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD