MAY kakaiba kay Dr. Martin nang magpunta ako sa opisina niya pagsapit ng biyernes na katulad ng napag-usapan namin. Hindi ko lang alam kung sensitive lang ba ako masyado pero parang hindi niya ako matingnan ng matagal mula pa nang pumasok ako sa opisina niya. Napansin ko rin na hindi niya suot ang puting coat na palagi niyang suot sa tuwing nakikita ko siya. Long sleeve polo na nakatupi hanggang siko at naka-tuck in sa itim na slacks ang suot niya. Wala akong nakasalubong na pasyente niya nang dumating ako kaya bakit tutok na tutok siya sa pagbabasa ng folder na para bang katatapos lamang ng konsultasyon ng pasyente niya? Nang paupuin din niya ako ay ni hindi siya nag-angat ng tingin. Parang galit pa nga ang boses na hindi ko mawari. Matagal na akong nakaupo sa sofa at hindi pa rin siya

