HATI ang nararamdaman ni Stranger ng mga sandaling 'yon. Masaya siya na hindi si Indigo Rosales ang ama niya dahil ibig sabihin niyon, hindi sila magkapatid ni Riri. Pero ang pinakamabigat sa lahat, pakiramdam niya ay nawala sa kanya ang lahat. Ngayong alam na niyang hindi si Indigo Rosales ang ama niya, bumalik siya sa dati na nangangapa kung sino ba ang amang dapat niyang paghigantihan. "Stranger!" Natigilan sa pagtakbo si Stranger nang may humawak sa braso niya para pigilan siya. Nalingunan niya si Indigo Rosales. Marahas na binawi niya ang braso niya mula rito. "Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin na hindi ikaw ang ama ko?" Matagal bago sumagot si Indigo Rosales. "Ginusto kong isipin mo na ako nga ang ama mo dahil ayokong hanapin mo pa ang totoo mong tatay." Hindi inaasahan ni Stra

