PAG-UWI ni Stranger sa bahay, sinalubong agad siya ni Lola Sinang. Bakas sa mukha ng abuela niya ang matinding pag-aalala. "Apo, bakit ngayon ka lang umuwi? Gabi na ha," nag-aalalang sabi ni Lola Sinang na hinaplos pa ang pisngi niya habang mataman siyang pinagmamasdan. "Umiyak ka ba? Namamaga ang mga mata mo." "Lola, alam niyo na ho bang hindi si Indigo Rosales ang tunay kong ama?" deretsang tanong ni Stranger dito. Pinipigilan niyang huwag magalit sa abuela na mahal na mahal niya, pero hindi siya magawa 'yon. Pakiramdam niya, sasabog na ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob. Bumakas sa mukha ng lola niya ang gulat. "Ano bang sinasabi mo d'yan?" Nasabunutan ni Stranger ang sarili sa labis na frustration. "Huwag na kayong magsinungaling, Lola. Alam ko nang hindi si Indigo Rosales ang

