20th Lie

2003 Words

MALAKAS ang bawat bagsak ng kamao ni Stranger sa punching bag. Sako lang 'yon na may lamang buhangin. Regalo sa kanya ng mga kasamahan niya sa construction noong huling araw niya sa trabaho. Ginagamit niya 'yon para sa work out niya. Kung minsan naman, para maglabas ng sama ng loob. Gaya ngayon. Nakasabit ang punching bag na 'yon sa labas ng bahay nila. Nakasabit sa sanga ng puno ng mangga sa bakuran. Kaya kahit may kasamang sigaw ang bawat bagsak ng suntok niya, hindi siya nag-aalalang marinig siya ni Lola Sinang. Kailangang ilabas ni Stranger ang galit niya sa muling pagkikita nila ni Indigo Rosales. Hanggang ngayon, para pa rin itong bato na walang reaksyon sa mga ginagawa niya. Dalawang taon na ang nakakalipas nang ipagtapat sa kanya ng mommy niya na bunga siya ng kasalanan ng ama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD