NAIRITA si Stranger nang hindi niya naabutan sa art room si Indigo Rosales. Ang sabi sa kanya ni Valeen kanina, do'n nito nakitang nagpunta ang demonyong 'yon. Pero ngayon, walang ibang sumalubong sa kanya kundi ang malaking canvas kung saan may painting ng isang hardin na puno ng mga clover leaf. Berde ang kulay niyong lahat, maliban sa isang four-leaf clover na nasa gitna ng garden at nangingibabaw dahil sa kulay niyong ginto. Sa ibaba ng painting ay ang pangalan ni Indigo Rosales. Ngumisi siya ng mapait. How could a monster like him paint something as beautiful as this? Naalala niya ang unang beses na nagkaharap sila ni Indigo Rosales. Unang araw pa lang niya sa St. John College, hinanap agad niya ang lalaki. Dahil sa litratong ibinigay sa kanya ni Tito Ronaldo, nakilala agad niya i

