NASA isang milktea shop si Riri kasama sina Ryder, Disc, at Valeen. Himbis na sa bahay, do'n sila dumeretso dahil ang inumin na 'yon ang nagpapakalma sa kanya. Mabuti na nga lang at walang kakaibang napansin sa kanya sina Ate J at Kuya M kaya pumayag ang mga ito na maghinatay na lang sa car space. "Kalmado ka na ba, Riri?" nag-aalalang tanong ni Valeen. "Sa mahal ng ininom mong milkshake dito, dapat kalmado ka na." Napangiti si Riri nang maaalala ang reaksyon ni Valeen kanina nang makita ang mga presyo ng mga milkshake do'n. Sa totoo lang, mura pa nga 'yon kumpara sa mga lugar na pinupuntahan niya sa Maynila. Pero naiintindihan naman niya na simple lang ang buhay do'n. "I'm fine," sagot na lang ni Riri. "Salamat nga pala sa pagsama sa'kin dito." "Auntie, sigurado ka bang ayaw mong mags

