"NO, RIRI. Hindi ako pumapayag sa plano mo," mariing sagot ni Stranger habang abala siya sa pagliligpit ng pinagkainan nila. Kasama nila sina Disc at Ryder kumain ng tanghalian kanina, pero mabilis tumakas ang mga kumag na 'yon para takasan ang pagliligpit at paghuhugas ng mga plato, gaya ng madalas gawin ng mga ito. Kanina sa school, sinabi ni Riri na may suggestion ito na hindi puwedeng sabihin agad sa harap ng klase. Kaya gaya ng madalas, dumeretso sila sa karenderia ng lola niya para mananghalian at mag-"meeting." Habang kumakain sila, sinabi ni Riri ang plano nito. Lahat sila, tumanggi sa ideya nito dahil ayaw na nilang maulit ang nangyari dito no'ng nakaraan (sa mga kamay ni Indigo Rosales). Kaya naiinis siya na kahit silang dalawa na lang ngayon ang naroon ay pinipilit pa rin siya

