27th Lie

1373 Words

"ANO BA 'yong sinasabi mong surprise sa'kin?" Napangiti si Stranger dahil sa tanong ni Riri. Nasa likuran siya nito habang nakatakip ang mga kamay niya sa mga mata nito. "Pang-sampung tanong mo na yata 'yan sa'kin simula nang umalis tayo ng school." "I'm just curious." Huminto si Stranger nang nasa likod-bahay na sila. Hinanda niya ang bakuran nila para sa sorpresa niya kay Riri. Sa kasalukuyan, may dalawang upuan do'n at sa ibaba ng bawat isa, may malaking palanggana na sapat ang laki para magkasya ang mga paa ng isang tao sa loob. May maliit na mesa sa pagitan ng dalawang mesa kung saan may isang galon ng ice cream at dalawang baso na may kutsarita na nakapatong. Meron ding dalawang microphone at isang song book sa ibabaw. Sa harap ng mga 'yon naman ay may nakahanda ang videoke machi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD