DUMATING na ang pangalawa at huling stage ng plano nina Riri. Second Stage Part 1: Tipunin sa Miss Lie Detector Booth ang malaking bahagi ng student population kasama ang faculty members. Nagawa na 'yon ni Ryder sa pamamagitan ng pagpapakalat ng flyer na nagsasabing may special event ang booth nila para sa araw na 'yon. Second Stage Part 2: Pilitin ang Journalism club nila na ungkatin ang isang issue na malamang ay hindi alam ng marami – ang "krimen" na kinasangkutan ni Sir Indigo no'ng bago pa lang ito sa larangan ng pagtuturo. Nagawa 'yon ni Disc. Hindi niya alam kung paano eksakto ang ginawa nito, pero ginamit malamang nito ang pagiging siga nito para mapilit ang Journalism president na si Marky para itanong ang mga sinulat niyang "script" para mapaamin niya si Sir Indigo sa kasalanan

