"NASA mabuting kalagayan na si Riri. Ang sabi ng mga doktor, dala lang ng matinding pagod kaya siya nawalan ng malay. Alam mo na, ilang araw din niyang ginamit ang espesyal niyang abilidad." Narinig ni Stranger ang mga sinabi ni Tita Rita, pero hindi pa rin siya kumilos mula sa pagkakaupo sa sahig ng pasilyo ng ospital habang nakasandal siya sa pader. Pagod na pagod ang pakiramdam niya ng gabing 'yon. Ang dami niyang nalaman na sana, hindi totoo. Gusto na niyang kalimutan ang lahat, pero alam niyang imposible namang mangyari 'yon. Riri... is she really my sister? "Mama, iwan na muna natin sila," sabi ni Ryder sa ina. "Ibili na lang natin muna ng pagkain sina Tita Ria at Auntie Riri." "Alright," sang-ayon naman ni Tita Rita. Nang umalis ang mag-ina, naiwan si Stranger kasama si Indigo

