6th Lie

398 Words
PINUPUNASAN ni Stranger ng face towel ang basa niyang mukha. 'Yong pasaway na Riri na 'yon, ginawa palang canvas ang pisngi niya kanina! Gusto sana niya itong pagalitan, pero kanina pa siya nakaupo sa gutter ng car space habang hinihintay ito, pero wala pa rin ito hanggang ngayon. Kaninang uwian, nagpaalam si Riri na magbabanyo lang kasama si Valeen. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik ang dalawang 'yon. Magkakalahating oras na rin simula nang mag-CR ang mga 'to. Gano'n ba talaga katagal gumamit ng banyo ang mga babae? Nilingon niya si Ryder na nakaupo sa tabi niya. Katabi naman nito si Disc na naninigarilyo naman. Mukha na silang tanga do'n. "Tinext mo na ba 'yong tita mo?" iritadong tanong ni Stranger kay Ryder. "Kanina pa sila nag-CR ni Tisay, ha." Tumango si Ryder. "Kanina ko pa tinetext at tinatawagan sina Auntie Riri at Valeen. Pero pareho silang hindi sumasagot." "May hula ako," sabi naman ni Disc, saka binuga ang usok ng yosi sa bibig nito. "Baka nagka-develop-an na 'yong dalawa at may ginagawang milagro sa CR." Hinila ni Stranger ang damo sa gilid niya at binato 'yon kay Disc. Pero bago pa 'yon tumama sa target niya, hinangin na 'yon papunta sa mukha ni Ryder na napaubo na lang nang makakain ito ng damo. Natawa naman si Disc. "'Kingina mo, Discorsio," pagmumura ni Stranger gamit ang tunay na pangalan ni Disc. "Seryoso ako. Kapag dumating si Kuya M dito at wala pa si Riri, lagot ako." Tumango naman si Ryder na tapos nang alisin ang damo sa bibig nito. "Lagot ka talaga. Noon, hindi hinahayaan ni Tito M na mawala sa paningin niya si Auntie Riri." Umungol sa reklamo si Stranger. Sabi na nga ba niya, natakasan na siya ni Riri. Pero saan naman pupunta ang babaeng 'yon? Pero kasama niya si Tisay... At hindi normal ang mga "trip" ni Valeen sa buhay. Ayaw man niyang aminin, pero puwedeng mapahamak si Riri. Tumayo si Stranger. "Teka lang. Hahanapin ko 'yong dalawa." Hindi pa siya nakakalayo nang tawagin siya ni Ryder. Nang pumihit siya paharap dito, nakatayo na ito at hawak ang phone. Mukha itong takot. "Ano'ng nangyari?" "Nagtext na si Auntie Riri," parang kabadong sabi ni Ryder. Kumunot ang noo ni Stranger. Masama ang kutob niya sa nangyayari. "Anong sabi niya? Nasa'n daw sila?" Lumunok muna si Ryder bago sumagot. "I think nasa panganib sila ni Valeen."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD