TUMAAS ang kilay ni Riri nang makita ang site para sa "photo shoot." In fairness, disente ang "studio" na 'yon kahit may kaliitan. Mukha ring professional ang stylist at make-up team na binubuo ng dalawang babae at dalawang bading, gano'n din ang lalaking photographer na latest model pa ang hawak na SLR camera. May dressing room pa nga at naka-hanger na iba't ibang klase ng damit. Kung tutuusin, mapapanatag na sana ang ordinaryong tao dahil mukhang disente ang lugar na 'yon. Kitang-kita nga sa ngiti ni Valeen na tiwala agad ito sa mga taong naroon. Lalong-lalo na sa tinatawag na "Miss Chua," ang mukhang Intsik na "head" daw ng photo shoot na iyon. Sa tantiya niya, nasa early fourties pa lang ito. Maganda ito para sa edad nito, mukhang sopistikada, at mukhang napakabait. Key word: "mukha

