MABAGAL ang lakad ni Stranger habang nasa pasilyo ng ospital na 'yon. Mula kanina, hindi pa siya nagpapalit ng damit kaya puno pa rin ng dugo ang uniporme niya. Dugo ni Riri. Naikuyom niya ang mga kamay niya. Kasalanan niya ang nangyari kanina. Nawili siya masyado sa paghahanap ng mga horror movies na hindi niya agad namalayang wala na pala si Riri sa tabi niya. Nang mapansin naman niya ang pagkawala ni Riri, hinanap agad niya ito. Maraming tao sa palengke kanina kaya hindi niya ito nakita agad. Hanggang sa narinig niya ang pagsigaw ng isang tindera. Paglingon niya, nakita niya ang pagbagsak ni Riri sa kalsada. Duguan na ito. Huminto si Stranger sa paglalakad at sa inis niya, nasuntok niya ang pader sa gilid niya. Nabali yata ang mga daliri niya, pero wala na siyang pakialam ng mga san

