AKALA ni Riri ay hindi na matatapos ang "interview" sa kanya ng mga pulis. Wala nang ibang ginawa ang mga ito kundi ang magtanong simula nang magising siya. Mabuti na lang at naituro naman niya kung sino ang may gawa niyon sa kanya at nagbigay na rin siya ng statement kaya umalis din agad ang mga ito. Pero gano'n din pala dahil kahit umalis na ang mga pulis, nag-"beastmode" naman ang daddy niya habang pinapagalitan siya at si Ate Rita. Kahit tuloy ang laki-laki ng private room ng ospital na 'yon, pakiramdam niya ay ang init dahil parang bulkang sasabog ang ama niya. Naawa naman siya sa kapatid niya. Ngayon lang nga uli ito nagkita at ang ama nila, napagalitan pa ito dahil sa kanya. Kung tutuusin, kasalanan naman niya ang nangyari dahil umalis siya sa tabi ng mga bantay niya. "Sinabi ko

