RICHARD Kakatapos lang ng operation na ginawa namin sa isang pasyente, nandito ako ngayon sa opisina ko ng tumunog ng aking telepono. Agad ko ito sinagot ng makita kong si Rayven ang tumatawag sa akin. "Hello bro, may ipapakiusap sana ako." sabi ni rayven sa kabilang linya. "Sure bro, basta kaya sige lang." sagot ko naman sa kanya. "Padating kasi yung kaibigan ni Tina na Nurse, ipapakiusap ko sana kung pwede mong kunin jan sa ospital. Alam ko naman malakas ka dyan, kayang kaya mong ipasok yung nirerekomenda ko." sagot niya sa akin. "Sige bro, papuntahin muna dito ngayon at aabangan ko siya sa lobby para masamahan sa HR." Matapos ang tawag namin ni Rayven ay agad kong kinausap ang HR na may ipapasok ako nurse. Umoo naman sila pero depende pa daw sa credential nito. Halos isang oras d

