ANGEL "Ma, Pa, alis na po ako." paalam ko sa aking mga magulang. "Goodluck, anak, mag iingat ka. Galingan mo para makapasa ka." sabi pa ni Papa sa akin. Humalik lang ako sa kanila at tuluyan na akong umalis. Sa makati ako pupunta, halos magkatabi lang naman ang dalawang ospital na aapplyan ko. Ito na naman ako, simula na naman ng apply serye ko. Sana naman this time sana sumakses na ako. Malaki ang tiwala ko sa kakayanan ko kaya alam ko matatanggap ako. Pag dating ko ng makati ay tanaw ko na ang Evergreen Medical Center. Sa labas pa lang alam muna na puro mayayaman ang pumapasok at nagpapagamot dito. Lumapit ako sa entrance ng Hospital at nagtanong ako sa guard. "Sir, hiring pa po ba sila dito ng nurse?" magalang kong tanong. "Mag-aapply ka ba miss?" "Opo sana, may bakante pa po

