ANGEL Paglabas ko ng penthouse ni Richard ay naglakad na ako papunta sa may elevator, nakayuko ako at walang tigil ang pag agos ng aking luha. "Angel, anong nangyari?" nag-aalala ang tinig na sabi ng lalaking nasa harapan ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Bigla ko na lang siyang niyakap ng makita ko na si Raf ang kaharap ko. "What happen? Why are you crying?" dinig ko sa tinig niya ang labis na pag aalala sa akin. "Doc Raf, pwede bang ilayo mo muna ako dito." umiiyak kong sabi sa kanya. "Okay, let's go," sabi niya saka niya ako inalalayan papasok ng elevator. Pagbaba namin sa ground floor ay nakatingin pa sa amin ang ibang staff ng ospital. Hawak naman ni Raf ang kamay ko habang hila niya ako at nasa likod niya ako. "Huwag kan

