ANGEL Maaga akong pumasok ngayon sa ospital dahil magkakaroob daw ng meeting ang lahat ng staff before mag start ang duty namin. "Good morning, Angel." bati sa akin ng mga nakakasalubong ko Binabati ko rin naman sila pabalik. Dumiretso na ako sa Hr par mag time in at pagkatapos ay nagmamadali na akong umakyat sa 2nd floor kung saan naroon ang surgical department kung saan ako naka assign. Dumiretso muna ako sa locker room para mag bihis at ilagay ang mga gamit ko bago ako lumabas at naglakad papunta sa conference room. Wala na akong nakasabay papuntang conference room, pag bukas ko ng pinto ay nagsisimula na pala silang mag meeting. Nakita ko sa harapan Doc. Richard, Dra. Sarah, Dr. Vergara at ang nurse Supervisor namin. Tahimik ang lahat pag pasok ko at nakatingin silang lahat sa akin

