THIRD PERSON Madaling araw pa lang ay handa na ang grupo nila Doc Richard para sa kanilang team building sa Zambales. Si Angel na lang ang hinihintay nilang dumating. "Kahit kailan talaga ang babaeng yun, pa importaente. Akala mo disney princess, siya na lang ang hinihintay." naiinis na sabi ni Dra. Sarah. "Stop talking, hindi ka nakakatulong. Malayo ang bahay ni Angel dito kaya malamang malate siya." pagtatanggol naman ni Richard kay Angel. "Excuses.. Excuses.. Kung alam mong malayo ka sa location pwede naman na umalis ka ng maaga sa bahay mo para makarating ka on time." sagot ni Sarah. "Kung gusto mong mauna, umalis ka na. Wala naman pumipigil sayo, ako ang maghihintay kay agel at sa akin siya sasakay." inis ng sabi ni RIchard. Nakita nila na may tumigil na kotse sa harap nila at b

