ANGEL "Ihahatid na ba kita sa inyo?" tanong sa akin ni Doc Raf. "Pwede bang dalahin mo muna ako sa lugar na pwede akong malibang." sabi ko kay Doc Raf. "Okay, saan mo ba gusto? May lugar ka ba na gustong puntahan?" "May alam akong food bazzar, pwede ba tayong pumunta doon?" tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang ngumiti kaya alam kong gusto niya ring pumunta. "Ayos yan, tamang tama gutom pa naman ako, hindi pa pati nag la-lunch kaya magandang idea yan." sabi niya sa akin. Nag drive na si Doc Raf papuntang Quezon city, doon kasi yung sikat na food bazzar na nakikita ko sa social media account ko. Bandang alas tres ng hapon ng makarating kami ni Doc Raf ng Circle. Nag sisimula ng mag set up ang mga kasali sa food bazzar. Inaya niya muna akong maupo sa isang round table na yari sa bato s

