ANGEL "Angel, narinig mo na ba ang chismis?" bulong ni Liezel sa akin. Napakunot noo naman ako dahil wala akong alam sa sinasabi niya na chismis. "Ano ba yon? Share muna sa akin para alam ko rin." sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa ward para magpainom ng gamot sa mga pasyente namin. "Lagi ka talagang late, ang balita kasi ay dumating na yung ex ni Dr. Smith, at take note isa na siya sa mga board member dito sa ospital. Bakit hindi mo alam? Hindi ba sinabi sayo ni Dr. Smith?" P Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi sa akin ni Liezel, walang nabanggit sa akin si Richard kanina. Nakaramdam ako ng konting selos at inis, yung magandang araw ko nasira agad. "Baka hindi niya rin alam, hayaan na natin sila. Basta tayo mag trabaho na lang para may sahurin sa katapusin." mapait

