THIRD PERSON Kahit puyat ay maaga parin gumising si Angel para pumasok sa trabaho, medyo magaan na ang pakiramdaman niya ngayon. Pinag-isipan niya kagabi kung ano ba ang dapat niyang gawin. Medyo nalilito pa siya pero mas malinaw na ngayon ang isip niya kesa kagabi. Ayaw niyang magpaapekto sa pagdating ni Sarah, ayaw niyang mastress. Hindi siya papayag na si Sarah fresh, tapos siya stress. Wala sa sariling nag ayos si Angel ng kanyang sarili na hindi niya naman usual na ginagawa. Pagkatapos niyang maligo ay tinuyo niya ang buhok niya at kinulot niya ang dulo nito saka niya pinuyod paitaas na nagbigay ng kakaibang aura sa kanya. Naglagay din siya ng light make up sa mukha, ng makita niyang okay na ang ayos niya ay saka niya kinuha ang bag niya at lumabas na ng kanyang silid. Palabas na s

