ALAS-DOS na ng hapon nang tuluyang lumabas sina Valine at Creon sa Townhouse. Nasa may-gate na sila ngayon at magkahawak ang mga kamay. Dahil natutulog si baby Creg kanina ay naglibot si Valine sa paligid, sa pag-aaya na rin ni Creon. Kaya ang naging resulta ay inabot na sila ng hapon. “I’m sure marami kang mga naiwang trabaho sa office, ninong. I know na masyadong wala sa timing ’yong padalos-dalos kong desisyon.” Tumingala si Valine upang makita ang mukha ni Creon. Ito naman ang pagkakita niya ng pagkunot ng noo nito. Animoy hindi ito sang-ayon sa kaniyang sinasabi o mayroon itong hindi nagustuhan. “Love, you can address me by saying love or baby. Please stop calling me ninong . . .” Natawa naman si Valine sa pag-pout nito. Agad man ay nakaisip siya ng isang pilyang ediya. Dahan-dahan

