MALALIM ang pinaglalakbayan ng diwa ni Valine habang binabaybay ng kaniyang sasakyan ang daan pabalik sa Bottleray city. Valine’s head was resting on the car window while her eyes were slightly shut. ‘Basi sa information na nakalap ko, wala namang kahit anong sakit ang Kalistov or Feng—I mean an illness that is genetics na maaaring mamana ni baby Creg. Sa family naman nina Farrah, wala naman din. Pero how come masyadong mahina si baby Creg? Basi naman sa mga health records ni Farrah while having her pregnancy with baby Creg, walang kahit anong complications ang pregnancy niya. She's healthy and well nourished. Kaya bakit may ganoon kahinang katawan ang bata?’ “Miss Valine, malapit na po tayo sa K entertainment,” ani Silas na nasa kalsada pa rin ang tingin. Naka-angulo naman ang salamin

