MABILIS ang mga hakbang ni Valine na lumabas mula sa elevator habang nakasunod sa kaniyang likuran si Igor. “Sa wakas ay bumukas na rin. Wait, nasaan si Miss Xiantal?” “May iba pa bang tao si loob ng elevator?” “Nasaan na si Miss Xiantal and boyfriend niya?” “Miss Valine, itinatago mo ba si Miss Xiantal at addict niyang boyfriend?” Nagpang-abot ang mga kilay ni Valine habang nakatingin sa mga reporters na nasa harapan niya. Panay ang flash ng mga camera kaya ay agad naman siyang hinila ni Igor sa likuran nito. “Miss Valine, mayroon pong nakapag-tip sa ’min na narito raw ang boyfriend ni Miss Xiantal at mukhang wala ito sa sarili.” Agad na nagpantig ang tainga ni Valine sa kaniyang narinig. Mariin siya pumikit sabay kuyom ng kaniyang kamao. “Come on, Valine. Stop hiding your bratty t

