*** PRIMO POV#*** Napakunot ang noo ko ng makita na nilapitan siya ni Moriz. "Naku bro mukhang naunahan kana agad ng mokong na yan ah." Bulong ni Neal ng bumalik sa tabi ko. "Ang lagay papayag ka ba naman na ungusan ng lampa na yan.?" Sabi uli nito. Inis na tiningnan ko si Moriz ang ganda ng pagkakahawak sa kamay ni Zane. Parang gusto ko itong upakan. "Kaya wag ka ng babagal bagal pa baka nga maunahan ka ng lampa na yan. Siguradong tatawanan ka niyan. " Sabi ni Reeve sa tabi ko. Hinintay ko na bumaba siya sa stage. Hinila naman ni Neal si Crystal. Ng pababa na si Zane siniko ako ni Reeve kaso ng lalapitan ko na ito inunahan na naman ako ni Moriz Pero hindi na tinanagap ni Zane ang kamay niya. May sinabi dito saka nagtuloy tuloy ng lumabas hinabol ko ito pero deretso ito sa sasakya

