"Hey, Bro kumusta kinausap kaba?" Tanong ni Reeve kay Primo. Huminga ito ng malalim. "Kagaya ng dati iniwan ako." Sabi nito habang sinusundan ako ng tingin "Kaya mo yan. Wag kang susuko kasalanan mo yan e, magsakripisyo ka kung gusto mo talaga siya. " Sabi uli ni Reeve. saka tinapik ang balikat ni Primo at iniwan na ito. Huminga ng malalim si Primo. Tiningnan niya ako. Lumapit ako sa lamesa namin binigay ko ang pagkain sa anak ko. Habang kumakain ang anak ko pinagmamasdan ko ito. ewan ko ba kinakabahan ako. "Hindi naman niya malalaman na anak niya si Cael Zane dahil hindi niya ito kamukha kamukha ito ng Papa mo. Kaya umayos ka nga." Sita ko sa sarili ko. Para kumalma ako. Bakit ba kasi hindi ko naisip na baka nandito siya sa event na ito. Naisama ko pa si Cael. Nagumpisa na ang even

