Paglabas ko sa banyo hindi na ako bumalik pasa lamesa ko dumeretso na ako sa silid namin. Nakita ko na tulog na ang anak ko. Hinalikan ko ito. "Sorry anak hindi ko siya pwedeng ipakilala sayo. Ayokong masaktan ka lang kagaya ko." Bulong ko saka hinalikan ko ang anak ko. Pinagmasdan ko ito. Napangiti ako ng kumunot ang noo nito. Dahil kuhang kuha nito ang mukha ng ama kapag nakakunot ang noo nito. Kaya kinakabahan ako ng makita na tinititigan niya ang anak ko dahil baka makita niya na may hawig sa kanya ang anak ko. "Pasensiya na anak hindi ko maibigay ang hinihiling mo. Sana iba na lang ang hingiin mo wag lang ang daddy mo." Bulong ko saka niyakap ang anak ko. Tinanghali ako ng gsing kinabukasan pag gising ko. Nagulat ako ng hindi ko makita ang anak ko sa tabi ko. Nagbihis ako. Saka

